What's new

Closed Dapat ba Tayong Sumamba sa mga Imahen?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Ang sagot ng Bibliya

Hindi dapat. Para ilarawan ang kautusang ibinigay ng Diyos sa bansang Israel, sinasabi ng New Catholic Encyclopedia: “Malinaw na makikita sa iba’t ibang ulat ng Bibliya na hindi ginagamit ang mga imahen sa tunay na pagsamba sa Diyos.” Pag-isipan ang mga tekstong ito sa Bibliya:

“Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mong yuyukuran ang mga iyon ni maganyak ka man na paglingkuran ang mga iyon, sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon.” (Exodo 20:4, 5) Yamang humihiling ang Diyos ng “bukod-tanging debosyon,” hindi siya nalulugod kapag sinasamba natin ang mga imahen, larawan, idolo, estatuwa, o simbolo.

“Hindi ako papayag na mapunta sa mga estatuwa ang kapurihang dapat ay sa akin.” (Isaias 42:8, Easy-to-Read Version) Hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang pagsamba sa kaniya sa pamamagitan ng mga imahen. Nang subukan ng mga Israelita na sambahin siya gamit ang estatuwa ng isang guya, sinabi ng Diyos na sila ay gumawa ng “isang malubhang kasalanan.”—Exodo 32:7-9, Easy-to-Read Version.

“Hindi natin dapat akalain na ang Isa na Diyos ay tulad ng ginto o ng pilak o ng bato, tulad ng isang bagay na nililok ng sining at katha ng tao.” (Gawa 17:29) Kabaligtaran ng paganong pagsamba na karaniwang gumagamit ng mga imahen na “nililok ng sining at katha ng tao,” ang mga Kristiyano ay dapat na ‘lumakad sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin,’ gaya ng sinasabi ng Bibliya.—2 Corinto 5:7.

“Bantayan ninyo ang inyong sarili mula sa mga idolo.” (1 Juan 5:21) Sa mga utos na ibinigay kapuwa sa bansang Israel at sa mga Kristiyano, palaging isinisiwalat ng Bibliya na hindi totoo ang turong sinasang-ayunan daw ng Diyos ang paggamit ng imahen.
 
Pagrespeto at pagsamba ay magkaiba....
Ikaw pag ang picture mo ba inihian sa harap mo okay lang ba?
 
kung nagbasa ka ng lumang tipan ang sinamba nilang imahe o rebulto ay nagdulot kasamaan sa mga tao..
kung ang pagsamba sa rebulto ay makakapagdulot ng kabutihang magagawa mo sa kapwa mo hindi siya masama..parang pera pwede siya iconsider as imahe o rebulto nasa sayo kung papano mo siya gagamitin..
 
San po sa bible yan na pwede sambahin ang rebulto kung sa ikabubuti?
 
tanong ba to o kapilosopohan? sentido kumon lang yan.. kung maayos takbo ng isip mo hindi kana titingin sa nakasulat sa bibliya para ipaliwanag ang sinabi ko..
Tanong po yan hindi ako namimilosopo. San po ba nakabase yang paniniwala mo kasi kung hindi nakabase sa bible yan, san kaya nakabase yan? Ang bible ay salita ng Diyos kaya nandyan ang katotohanan kaya dapat na hindi lang ito basta opinyon o paniniwala ng tao.
 
alam mo ba ang ibig sabihin ng bible?? ang bible ay love letter ng diyos sa tao
so pag sinabing love letter "pagmamahal" pag sinabing pagmamahal kabutihan ang dulot nito sa tao..pag sinabing kabutihan "masamang gawain ba ito? so kabutihan ito..

ang simple ng sagot ginagawang kumplikado..

may mga tao talagang alam naman ang sagot nagbubulagbulagan pa, kelangan ibase ang sagot sa ibang tao
 
giphy.gif
 
Attachments

Layo ng sagot mo sa tanong ko
 
Layo ng sagot mo sa tanong ko
Simple lang naman tanong ko eh.. san mababasa sa bible na pwede sambahin ang rebulto kung sa ikabubuti? Kaya nga ibinawal gawin yang imahen kasi masama sa paningin ng Diyos.. Diyos ang nagbawal nayn hindi tao.. kasi ang tao baka matukso na sambahin yan sahalip na ang sambahin ay ang Diyos na maylalang
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top