What's new

Closed " Subukan "

Status
Not open for further replies.

Mariyah Takeuchi

Eternal Poster
Joined
Feb 8, 2017
Posts
903
Solutions
1
Reaction
262
Points
414
kung sakaling magising
ka man ng hindi na ako
ang iyong mahal

pwede bang ako parin
ang piliin mo?
kung sakaling nagsawa
kana sa ating dalawa

maaari mo bang hawakan uli
ang aking mga kamay
gusto ko ulit na tayo'y
magkatitigan

nagbabakasakaling hindi mo pa
nalilimutan kung paano
mo ako dati noon tinignan
hindi ako makagalaw
na para bang naparalisa

dahil nahuli ng iyong
mga mata ang nalulungkot
kong damdamin at simula
non parang ayoko ng
umuwi

gusto ko sayo lang
kasi kahit hindi ka na man
isang tahanan
na palagi kong
inuuwian

ipinaparamdam mong
iingatan mo ako
at walang makakahablot
ng mga ngiti ko
pag ikaw ang kasama ko

pero doon morin
sa akin ipinakilala
ang nakatago mong
mga multo

na magbubuklod
ng mga problema para
hindi mo na maramdamang
minahal din kita

kaso nagpatalo ka
nung sinabi kong
susubukan nating
manalo sa mga
hinagpis, luha, utak
na napagod ng mag isip

hindi mo na ako
pinakinggan sa mga
gabing gusto kitang
yakapin sa mga
tala mong dumidilim na

gusto kong iparamdam sayo
ang pahinga gusto kong
sabihin na hindi ka natalo
mas gusto kong hanapin ka

kahit ako na pala ang naliligaw

hindi naman maling minahal kita
kaso ipinaparamdam mong
parang maling nagkatagpo
tayong dalawa

kaya mahal matulog
nalang siguro tayo
baka nananaginip lang tayo.

-salvador
inspired by Sud x Words Anonymous
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top