What's new

Closed Ano ang Bitcoin Halving? ( konting kaalaman )

Status
Not open for further replies.

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,509
Reaction
13,525
Points
3,747
Ano ba ang Bitcoin Halving.
Ang bitcoin halving ay ang natural na pangyayari kung saan bumababa sa kalahati ang nakukuhang bitcoin sa bawat block. Ito ay normal lang na mangyari dahil noong inembento ang bitcoin ay nakaprograma na ang pagkakaroon ng halving. Nakaprograma ang bitcoin na magkaroon lang ng 21 million bitcoins sa buong lifecycle nito. Maikukumpara ito sa ginto na limitado lang din ang bilang. Para mas lalo pa natin maintindihan ay alamin muna natin kung paano minimina ang mga bitcoin.
Ito ay minimina sa paraan ng pagsosolve ng mga mathematical problems sa pamamagitan ng computer. Ang mathematical problem ay ang tinatawag na Blocks. Kung saan bawat blocks na masosolve ng miner ay mayroong reward, ito ay ang bitcoin. Bawat blocks ay may katumbas na bilang ng bitcoin. Noong nagsimula ang bitcoin noong 2009 ang reward sa bawat blocks ay 50 BTC. Ayon sa program ng bitcoin ang reward sa bawat block ay bababa sa -50% sa tuwing masosolve ang 210,000 blocks. Ito ay paulit ulit na mangyayari hanggang sa maubos ang natitirang bitcoin. Ayon sa mga eksperto kung hindi magbabago ang bilis ng mga computer sa pagmimina ay mangyayari ang bitcoin halving sa tuwing ika- apat na taon. Unang nangyari ang halving noong November 28, 2012 kung saan ang reward sa bawat block ng bitcoin ay bumaba sa 25 BTC/ Block, bago ang halving ay 50 BTC/Block. At inaasahan ulit itong mangyari ngayong July 2016 kung saan ang bawat block ng bitcoin ay bababa sa 12.5 BTC/ Block. At sa mga susunod na halving ay 6.25BTC/ Block, 3.125 BTC/ Block, 1.56 BTC/ Block at hanggang sa maubos ang mga natitirang hindi pa namimina na mga bitcoin. Ang mga natitirang bitcoin ay inaasahang mauubos sa taon ng 2140.

Para saan ang Halving.
Ginawa ang halving para makontrol ang inflation. Ang inflation ay ang pagbaba ng halaga ng salapi o ang kakayahan nitong makabili. Isang halimbawa ng inflation ay ang perang mickey mouse noong panahon ng Hapon dito sa Pilipinas. Tinawag itong mickey mouse money dahil halos wala ng halaga ang pera na ito. Kung bibili ka ng isang bayong na bigas ay kaylangan mo rin na ibayad dito ang isang bayong na mickey mouse money. Kaya sobrang baba ng halaga nito ay dahil na rin sa sobra sobrang bilang ng mga mickey mouse money na ginawa ng Hapon. At ganyan din ang nangyayari sa fiat currency natin ngayon. Taon taon ay bumababa ang halaga ng pera natin. Napansin mo ba na dati ang piso natin ay kayang makabili ng dalawang candy? Ang sampung piso natin ay kayang makabili ng isang balot. Ngayon ilang candy na kayang bilin ng piso mo, kaya pa bang makabili ng isang balot ang sampung piso mo?
Sa bitcoin, sa kabilang banda, ay nirereplika ang ginto kung saan ay limitado lang ang bilang at habang papadami ng papadami ang natutuklasan ay papahirap ng papahirap mahanap. Ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng deflation, kung saan ay tumataas ang halaga dahil limitado lang ang supply habang nananatiling mataas ang demand (law of supply and demand).

Ano ang Epekto ng Halving sa Presyo ng Bitcoin.
Ang bitcoin ay nakadesenyo lamang na magkaroon ng 21 million bitcoins sa buong lifecycle nito. Malaki ang pagkakaiba nito sa fiat money o perang papel kung saan ay madaling magdagdag ng bilang sa pamamagitan ng paggawa ng mga central bank. Dahil dito ay maihahalintulad ito sa ginto at iba pang mga mamahaling bakal na limitado lang ang bilang at habang tumatagal ay papahirap ng papahirap hanapin. Kung ang perang papel o fiat money ay nagkakaroon ng inflation, ang pagbaba ng halaga ng pera, ang bitcoin naman ay nakaprograma na magkaroon ng deflation, ang pagtaas ng halaga.
Dahil yan sa law of supply and demand. Kapag may demand at bumaba ang supply ay natural na tumaas ang halaga ng isang bagay. Kung ang pagbabasehan natin ay ang supply at demand ay maiisip nating tataas ang halaga ng bitcoin sa tuwing magaganap ang halving. Ngunit isa lang ang law of supply and demand sa mga bagay na nakakaapekto sa halaga ng bitcoin.
Ang ilang bagay pa na nakakapekto sa halaga ng bitcoin ay ang mga pagtanggap ng mga tao sa bitcoin, mga magaganda at masasamang balita tungkol sa bitcoin, pagtaas at pagbaba ng halaga ng mga fiat money, pagmimina, pagtanggap o pagbitaw ng malalaking business sa bitcoin, pagtaas at pagbaba ng halaga ng ibang mga cryptocurrency, pagregulate ng gobyerno (gawing legal o îllégâl) at iba pa.

Ano ang Epekto ng Halving sa mga Miners.

Ang mga miners ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang bitcoin na nagcicirculate sa buong mundo. Sa tuwing mangyayari ang halving ay ang mga miners ang isa sa mga apektado. Ang epekto nito ay pwedeng maging positibo o negatibo. Sabi ng ilang eksperto maaring malugi ang mga miners sa halving. Para makapagmina kasi ng bitcoin ay kailangan ng special computer/ hardware, kuryente, internet, facility, maintenance, employees at iba pa. Dahil sa mga gastusin na yun ay kailangan din nila kumita ng malaki para sa basic na pangangailangan ng mining farm. Kung magkakaroon ng halving ay mababawasan ng -50% BTC / Mining Power ang kita nila. Ang buhay ngayon ng mga mining farm ay nakasalalay sa magiging halaga ng bitcoin pagkatapos ng halving.
Matatandaang noong nagsisimula palang ang bitcoin noong 2009 ay nakakapagmina sa pamamagitan lamang ng ordinaryong computer dahil nga mataas pa ang reward na nakukuha noong panahon na yun at madali pa ang pagsosolve ng mga blocks. Pagkatapos ng halving noong 2012 ay kailangan na ng mga special computer/ hardware para makapagmina. Ngayon ay malalaking mining farm na ang nagmimina.
Kung babagsak ang halaga ng bitcoin pagkatapos ng halving ay maraming maluluging mining farm. Kung mananatili naman ang presyo ng bitcoin sa dati nitong presyo bago ang halving ay maaari pa rin silang malugi

Ang positibo naman na pwedeng mangyari ay kung tataas ang halaga ng bitcoin pagkatapos ng halving.

1571873467645.png

Attachments

Ayan marami na nakabasa
Wag bibili ng bitcoin or mag trade kung walang pang palit
Meaning maari syang bumaba or tumaas

Pero sa tingin ko ngayon ang Bitcoin ay bababa na ang presyo sa sobrang dami ng miners ngayon at sobrang daming nag imback ng btc tiyak na bababa pato ng 300k php pababa pa

Ang susunod na tataas ay yong 2nd or 3rd na coin base on my observation pero take risk lahat yan nong nag 900k ang price ng bitcoin bumili ako ng 100k pesos worth btc pero imbis na lumago naging 450k nlng now so yong 100k ko naging 50k nalang maluluge ka talaga kaya wag nyo gagamitin lahat ng pera nyo kumbaga pag nag bitcoin ka willing mawala nayan sayo kum aga parang tumaya ka sa lotto mananalo ka or matalo pero asahan mo na nawala na sya sa wallet mo bulsa mo kasi wala ng saysay yan parang ganon sa oras na nag convert ka to btc kaya share ko lang naman😭 total na nagastos ko sa bitcoin 150k pesos pataas kasagsagan pa ng bitcoin nuon 1btc = umabot ng 1million pesos dyan ako naluge😭
 
#BuyLowSellHigh 😊
 
Kung handa ka ma tapon pera mosa hangin at marami kang backup money good choice.
paanong matatapon? babalik naman may dagdag pa by % kung mag hihintay ka lang hindi naman na eexpire play safe ikanga o pde rin multitask basta may listahan
nirerespeto ko kung ano man ang mga pananaw at komento niyo regarding sa kung papaano niyo mapapalago ang mga crypto coins niyo :) at alam ko naman na may sari-sarili tayong mga diskarte. crypto user ako since 2012 kaya atleast kahit papaano gamay ko na lahat , hehe
 
Boss more info po dito curious lang?
"At sa mga susunod na halving ay 6.25BTC/ Block, 3.125 BTC/ Block, 1.56 BTC/ Block at hanggang sa maubos ang mga natitirang hindi pa namimina na mga bitcoin. Ang mga natitirang bitcoin ay inaasahang mauubos sa taon ng 2140."

Ibig sabihin ba sa taon na yan o pag naubos na natitirang bitcoin, wala na mamimina mga btc miners? Magsasara na mga mining farm?
 
yup at altcoin na gagamitin. Wala naman forever eh may limit din. Diskarte na lang at malabo maabot natin iyan taon na iyan
 
Boss more info po dito curious lang?
"At sa mga susunod na halving ay 6.25BTC/ Block, 3.125 BTC/ Block, 1.56 BTC/ Block at hanggang sa maubos ang mga natitirang hindi pa namimina na mga bitcoin. Ang mga natitirang bitcoin ay inaasahang mauubos sa taon ng 2140."

Ibig sabihin ba sa taon na yan o pag naubos na natitirang bitcoin, wala na mamimina mga btc miners? Magsasara na mga mining farm?
Layo na niyan di na natin maabot na year yan HAHAH
 
Ayan marami na nakabasa
Wag bibili ng bitcoin or mag trade kung walang pang palit
Meaning maari syang bumaba or tumaas

Pero sa tingin ko ngayon ang Bitcoin ay bababa na ang presyo sa sobrang dami ng miners ngayon at sobrang daming nag imback ng btc tiyak na bababa pato ng 300k php pababa pa

Ang susunod na tataas ay yong 2nd or 3rd na coin base on my observation pero take risk lahat yan nong nag 900k ang price ng bitcoin bumili ako ng 100k pesos worth btc pero imbis na lumago naging 450k nlng now so yong 100k ko naging 50k nalang maluluge ka talaga kaya wag nyo gagamitin lahat ng pera nyo kumbaga pag nag bitcoin ka willing mawala nayan sayo kum aga parang tumaya ka sa lotto mananalo ka or matalo pero asahan mo na nawala na sya sa wallet mo bulsa mo kasi wala ng saysay yan parang ganon sa oras na nag convert ka to btc kaya share ko lang naman😭 total na nagastos ko sa bitcoin 150k pesos pataas kasagsagan pa ng bitcoin nuon 1btc = umabot ng 1million pesos dyan ako naluge😭
Haha kulang kapa sa kaalaman
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top