What's new

Closed Pusong Bulag

Status
Not open for further replies.

lunatic

Army of the Galaxy 👨‍💼👽👌
Joined
Feb 14, 2017
Posts
10,326
Reaction
4,748
Points
2,734
"PUSONG BULAG"

Mali ba?
Ang mahalin ang isang tulad mong
May mahal nang iba
Saan banda?
Ituro mo nga sa'kin nang matauhan na
Kahit 'wag na pala wala din namang k'wenta
Dahil sa puso ko ika'y nag-iisa
KAHIT NA ALAM KONG SA PUSO MO
SIYA LANG TALAGA

Kakalimutan na ba?
'Yong kahapong kasama ka
Kahit na gawa-gawa ko lang 'yong tayong 'dalwa
Kahit ako lang ang may alam na may tayo pala?
Akala ko kasi talaga, akala lang pala
Binigyan ko nang dahilan mga tingin ng 'yong mga mata
Umasa ang puso sa matatamis na salita—
MATAMIS NA NGAYO'Y ISANG MAPAIT
NA LANG NA ALAALA

Hihinto na ba?
Porke't may kayo na
Wala na 'kong karapatang gustuhin ka
Hindi ko kaya
Pwede naman kasi na
Habang mahal mo siya, mamahalin din kita
Hayaan mo lang akong 'ganto, hanggang sa magsawa—MAGSAWANG MAHALIN ANG TULAD MONG NI MINSAN 'DI AKO NAKITA

Kasalanan ba?
Ang ibigin ka kahit
May siya na
Kahit kapit ka na niya?
Hindi ko makita
Ang sinasabi mong kalimutan ka
Dahil maging ang puso ko nabulag na—
NABULAG NA SA KAKA-ASANG TAYO'Y MAGING ISA

Mali ba?
Kakalimutan na ba?
Hihinto na ba?
Kasalanan ba?
Hindi
Kailan ba naging mali ang magmahal?
Hindi naman kita sa kanya aagawin
Hindi naman kita sa kanya gagapangin
Hindi naman kita guguluhin
Mamahalin lang kita ng palihim.
Hindi
'Ko pa kayang kalimutan ka
Hanggat ikaw pa
Hanggat wala pang iba sa puso ko
Kahit may minamahal ka na
Kahit mayroon nang laman ang puso mo
Mamahalin pa rin kita.
Hindi naman kasi mahalaga
Malaman mo itong nadarama
Siguro nga ito ang inukit ng tadhana
ANG TINGNAN KA LANG NA NAKANGITI KASAMA SIYA.

Sa pamamahal kasi, hindi naman 'matik' na
Kung mahal mo siya
Dapat mahal ka din niya
Kung gusto mo siya
Dapat gusto ka din niya
Maling taktika, tadhana na ang tawag
Kung ang nilalandi mo ay walang nilalanding iba
Kung ang crush mo ay crush ka
Kung ang gusto mo ay gusto ka
Kung ang mahal mo ay mahal ka.
Kaya hihinto lang ako, kung kaya ko na
Tingnan ang larawan mo nang 'di lumuluha
Hihinto lang ako kung masaya na talaga
'Yung totoong saya, 'yung totoong tawa
'Yung hindi peke, 'yung hindi kunwari.
Alam kong mangyayari 'yon

Sa ngayon, magpapakabulag muna
Magpapakat@nga
Magpaparaya
Hanggang dumating na lang ang araw na
Wala na
Tapos na
Malaya na—
MALAYA NA 'KO MAGMAHAL AT HINDI NA IKAW NA-ALALA.



Pasenya na walang magawa eh..😂
 
Last edited:
Oh yan basahin mo spoken words yan ah nangako ako sky - shimmer haha😂

haba ng sinabi... mr.. rapper! hahahaha tinamad na ko mag basa pero galing na pagkakasulat! subrang spoken words talaaga.. nakakaamaze pwede mo na idedicate kung sino man yun sinasabi mo dun! ahhahahaha
 
haba ng sinabi... mr.. rapper! hahahaha tinamad na ko mag basa pero galing na pagkakasulat! subrang spoken words talaaga.. nakakaamaze pwede mo na idedicate kung sino man yun sinasabi mo dun! ahhahahaha
Hahaha.. mr rapper talaga eh. Di ko alam kung sinong idedicate yan bahala na kung sino yan pasensya na ganyan ang walang magawa eh😂
 
sus yaw pa ami
Hahaha.. mr rapper talaga eh. Di ko alam kung sinong idedicate yan bahala na kung sino yan pasensya na ganyan ang walang magawa eh😂

sus yaw pa aminin e... hahahaha!! kilala ko kung sino yan pero secret lang..😂
 
Aruy grabeh sya oh, tawang-tawa talaga ako dito😂
"Hindi naman kita sa kanya gagapangin"
"Kung ang nilalandi mo ay walang nilalanding iba'
 
Aruy grabeh sya oh, tawang-tawa talaga ako dito😂
"Hindi naman kita sa kanya gagapangin"
"Kung ang nilalandi mo ay walang nilalanding iba'
Hahaha.. sige abang ka pa dyan ganda marami pa ako baon dito..😂
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top