What's new

Closed Kwentong Forum (ver.2)

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
Makalipas ang isang buwan, coincidence na nagkita si Paul at Aga sa isang lugar.

“uy pre kamusta na?”
“ayos lang bro, tagal nating di nagkita ah hahaha…”

“oo nga eh, busy lang” sabay ngisi
“nyak busy saan bro”

“sa ibang bagay as usual” sabay ngisi
“busy ba talaga bro o busy kuno lang”

“ahmmmmmmmm…….both pre hehehe…”
“di ka parin nagbabago, ang hilig mo parin magbiro”

“di naman pre hehehe…magtaka ka kung hindi ako nagbiro” sabay ngisi
“sige sabi mo eh hahaha…”

“teka pre, maiba tayo
“oh sige ano yun bro”

“napasok ka pa ba sa forum site?
“oo naman bro pero minsanan na lang kasi minsan nakakatamad na eh”

“ah ganon ba? kamusta na pala yung sinusubaybayan nating writer sa forum site”
“ah yun ba? ayun as usual madami paring nakontra sa kanya pero sinasagot parin niya sa ibang paraan kumbaga ginagawa niyang kontrabida sa isang story which is totoo naman saka yun ang paraan niya sa pagganti sa kumakalaban sa kanya, as usual intense parin yung mga post niya”

“whoa! talaga, hmmmmmmmm…………..uy pre, hindi ka ba busy ngayon? Punta tayo sa bahay, pakita mo sakin yung sinasabi mong mga post nung sinusubaybayan nating writer”
“Hindi naman bro, tara!”

After 10 minutes

“teka bro, halukayin ko lang ha?”
“sige lang pre, take your time”

After 2 minutes

“ayun bro nakita ko na”
“huh? asan pre”

“eto oh” sabay turo

dami nga namang alam mga tao.. basta ang alam ko lang ay magustuhan ko ang lyrics at melody nito.. ang alam ko sa 3am yung 3am prayer.. satanism occult o kung anu anu man yan wala akong pakiaalam.. sa kin lang basta nanalig ka sa diyos at gumagawa ng mabuti kahit anung relegion kapa bibigyan kita ng salute.. peru kung iba ang pananalig mo wala akong pakialam sayo. peru bigyan lang kita ng payo. wala akong pakialam kung sundin mo or hindi. may sari sariling isip ang mga tao at wala akong pakialam dun.. sila na bahala sa takbo ng buhay nila at wala akong pakialam dun.. sarili ko at pamilya ko lang pakialaman ko..

bow
“pre ano ibig sabihin nung nag-post?”
“as usual kagaya ng inaasahan, may kokontra talaga”

“eh pre wala namang masamang intesyon yung nagsulat nun ah, sinabi na niya nung umpisa palang na gusto niya lang mag-share hindi para magmarunong”
“oo nga bro, alam mo papansin lang yung nag-comment ng ganon dapat hindi na dapat siya nagsabi ng ganon, dapat sinolo na lang niya ano gusto niyang palabasin? magpapansin? mukhang may bago na namang makaka-away yung sinusubaybayan nating writer ah”

“pre ever since naman he never let his guard down sa umpisa palang di ba? alam mo naman na haters don’t die they multiply, kung walang lalaban sa mga katulad nila tuloy ang ginagawa nila, bully nga actually yung ginagawa nila eh kasi nagsasabi sila ng hindi maganda sa totoo lang”
“bro ano pa nga ba aasahan natin sa mga katulad nila? sabihin na natin na freedom of speech pero sana in a nice way sila nagsabi pero hindi eh”

“na ko pre, malabo yung sinabi mong in a nice way, konti na lang gumagawa nun”
“oo nga eh, teka pakita ko sayo yung sagot nung writer tungkol sa nagsabi nun”

“okay bro”

After 3 minutes

“ayun bro nakita ko na” sabay turo

kagaya nito, umpisa palang sinabi ko na hindi ako nagmamarunong
mga tao nga naman, walang pakielam basta makapag-comment lang ng hindi maganda.
wala ding pakielam kung may maka-away

“pre naka-quote talaga”
“mabuti narin yun para aware yung nagsabi sa kanya ng hindi maganda, swerte niya hindi pa siya ginagawan ng death threat nung writer”

“huh? death threat, bakit death threat ang sinabi mo”
“bro ganito yan paliwanag ko ng maayos, kaya sinabing death threat eh mapapansin mo lahat ng sinusulat niya intense talaga at talagang tagos at feeling nung ginawan ng death threat parang di siya makakatulog dahil lahat ng laman ng buong obra siya yung nilalaman, yung kapwa niya co-writer ang nagbansag nun sa kanya which is true kahit naman ikaw kung mapapansin mo parang death threat yung ginagawa niya, basta negative ang content tapos explicit asahan mo may umaway na naman sa kanya”

“ah okay, ngayon naiintindihan ko na pre kung bakit ganon ang karamihan ng ginagawa niya, pure negative at talagang intense”

“ewan ko lang bro kapag nabasa nung kumontra yung comment ng writer sa kanya eh sigurado gulo talaga yan”
“pero mali eh, ano intention niya para magsabi ng ganon? nakikipag-debate ba siya sa writer? Kung debate ang gusto niya dapat doon siya nagpost sa traditions and beliefs di yung post ng writer”

“yaan mo na pre, kagaya nga ng sinabi ko kanina eh papansin lang yung nagcomment ng ganon”
“pero bro tingin ko oras na mabasa nung kumontra yung comment ng writer tungkol sa sinabi niya eh gulo talaga”

“oo pre, sure yun kapag ganon ang nangyari asahan mo may gagawing move yung writer”
“death threat ba yung ibig mong sabihin bro hahaha…”
“oo pre hehehe…”

“ang totoo pre hindi yan ang example na pinakita ko sayo, meron pang isa”
“whoa! di nga bro meron pa”

“oo pre, teka hanapin ko lang saglit meyo natabunan na eh”
“sige lang bro, take your time”

After 10 minutes

“eto pre oh” sabay turo”
“bro para kanino yung obra na the man without fame”

“ah yun ba pre, para sa isang nagsabi ng hindi maganda sa writer gusto mo ba mabasa yung sinabi”
“oo naman bro”

“teka hanapin ko lang, andito lang eh ayun nakita ko na” sabay turo

Sir is that your original composition? Can you spare me that poem? Ill make song out of it..pero kelangan ko matibay na kasunduan... Na ibibigay mo talaga saken... We need to agree on facebook chat. Just pm me

“ano masasabi mo pre, kaasar ba?”
“oo bro, nag demand pa ng kasunduan ano siya boss ano gusto niyang palabasin sa sinabi niyang yun”
“hindi natin alam pre, pero isa lang ang tingin kong dahilan, gusto lang sumikat pero natupad naman yung gusto niya eh ayun ginawan siya ng death threat eh di sikat na ngayon hehehe….sana lang mabasa niya panigurado hindi yun makakatulog”

“alam na bro hahaha…”
“pero alam mo ba pre na sinagot yun ng writer in a nice way para hindi lang halata”

“weh hindi nga? Sigurado ka ba”
“oo pre, eto oh yung sagot niya” sabay turo

sorry sir i'm not giving one my original works if you know what i mean i've been a victim of plagiarism that's why i keep on monitoring my works.

ps: hindi ako interesado sa offer mo
pwede mong hiramin basta magpaalam pero isang bagay ang huwag na huwag mong gagawin, ang angkinin ang obra ng iba

“bro hula ko pagkatapos niya sabihin yun eh, ginawan niya agad ng death threat yung nag-demand, hula ko lang”
“hindi ka nagkakamali sa hula mo pre, tama ka alam mo ba after two or three days nakapost na agad yung the man without fame”

“whoa! ganon kabilis? Ibang klase siya bro, di talaga siya nagpapakita ng awa sa kumokontra sa kanya”
“dapat lang pre kasi pag naawa siya papalagpasin na lang siya tapos pag ganon ang nangyari tingin mo magtitino yung kumontra sa kanya pwedeng oo pwede ding hindi kaya ganon ang ginagawa niya, pinapaalam niya sa mga kumokontra sa kanya na hindi siya basta basta kumbaga may sungay yung kumontra sa kanya ganon din ang ipapakita niya kung ako sa mga gustong kumontra sa kanya magisip-isip na sila dahil baka sa susunod eh kasama na sila sa listahan”

“hehehe…alam na!”
“oo alam na talaga bro hahaha…”

“alam mo ba pre na may bagong naka-away yung writer sa kabila”
“talaga bro? pakita mo naman sakin”

“teka pre, hanapin ko lang saglit”
“okay”

After 10 minutes

“eto pre, basahin mo kung ano sinabi” sabay turo

Seems to me or at least I think from Up Dharma Down, Fragmented Album.
Man at least mention them to your thread.
“oo nga bro, teka may naka-quote, ayun oh” sabay turo

nakalimutan lang ang credits kung makapagsalita ka parang ang laki ng kasalanan ko.

“pre basahin mo yung isa pang naka-quote”
“okay bro”

I don't mean any harm Sir. It just that, this section is bound by the rules.

didn't mean any harm?

what are you mr. or ms. perfectionist?

oh come on stop making excuses.


Sure, I'll stop making any excuses ^^,
Seems to me that you considered the Rules as excuses ^^,
Peace-out Sir and you won't hear/read anything from me now ^^,

matapos mo kong ipahiya peace-out pa sasabihin mo. okay lang sana kung sinabi mo thru pm di yung mababasa pa ng iba so ano intensyon mo, ipahiya ako?

“bro, halatang na bad trip yung writer”
“ikaw ba naman pre ipahiya ka,sinong matutuwa sa ganon tapos yung the way ng pagsagot nung nagsabi eh halatang sarcastic, meron pang isa actually hanapin ko lang”

“sige bro”

After 2 minutes

“ayun pre, nakita ko na” sabay turo

This is actually a song, from Up Dharma Down, Fragmented album.
But this section is for Original English Poems. o_O
You should have mentioned them to this thread.

ayan nilagay ko na, happy?

Happy? Oh Man!
Look, this is not intended for me, this goes to the ** community.
At least try to read the rules and regulations before you post something.

huminahon kayo.

“bro, may umawat”
“napansin mo din pala pre, basahin mo pa yung iba”

“okay bro”

not intended?

what are you trying to say.

for your information i know the rules, nakalimutan ko lang magbigay ng credits at hindi ko inangkin get's mo?

@ *****

pasensiya na sa nangyari may isang tao lang dito kung makapagsalita akala sobrang laki ng kasalanan ko.

Prior of you posting the credits.

The rule is that... When you post something you don't own you have to put some credits to the original owner. How can you missed the most important part, the crediting part. Besides that rule is just one set of sentence Man.

You know the rules, yah sure ^^,
Peace-out.

so ano gusto mong palabasin ngayon? na ninakaw ko yung pinost ko. nilagay ko na nga di ba?

parang pinapalabas mo pang sinadya kong kalimutan yung credit part ah, uulitin ko hindi sinadya at take note hindi ko inangkin yung pinost ko oh sadyang gusto mo lang talaga ko ipahiya kaya nagkakaganyan ka, close topic na pwede kung mapilit ka bahala ka.

bakit kailangan mo pa ulit-ulitin

tama si !@#$%^, nagkamali si &*( at inamin naman nya.

inedit na. okay na ha.

tama na yan.

**&&&

papalagpasin ko ngayon yung ginawa niyang pagpapahiya sakin dito, next time hindi na.

“bro, may ibig sabihin yung huling sinabi nung writer”
“tingin mo pre, gagawan niya ng death threat yung nagpahiya sa kanya?

“hindi natin masasabi bro, palagay ko 50/50”
“palagay ko rin pre, 50/50 nga abangan na lang natin ang susunod na mangyayari”

“may bago na namang hater yung writer”
“oo pre, sigurado ko di niya papalagpasin yung nangyari”

“hmmmmmmmmm……..maiba tayo bro, ano pala balita doon sa isang pinatatamaan niya sa obra niyang Pahiram Ako”
“ah yun ba pre? ayun nag lie low muna, mukhang nakahalata na eh pero alam mo ba na pag may nabasa yun na bagong post ng writer na hinihiraman niya eh todo puri siya para matakpan sandali yung ginawa niya, tawag nga ng iba don boy hiram eh, ayaw gumawa ng sarili niyang obra kaya ayun panay hiram”

“nyak ganon? hindi niya ata naiisip na mahirap talaga gumawa ng obra”
“palagay ko pre, hindi niya naiisip yun kaya ganon na lang ang madalas niyang gawin di lang siya pati narin yung iba”
“hay mukhang wala na atang katapusan yung nangyayari sa writer na sinusubaybayan natin bro”

“mukha nga pre, ang dami niyang kaaway kahit hindi siya ang nagumpisa ng gulo”
“tingin ko di niya uurungan yung mga yun”

“mukha nga bro”
“uy pre, una na pala ko sayo salamat sa nai-share mong impormasyon”
“sige bro, ingat”

-END
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top