"PAGLISAN"
Ginoo maari ko bang limutin ang minuto, oras at araw na ating binuo,
Mga kwento na sinulat lamang natin sa napakaliit na kwaderno.
Mga sakit at pait na nabuo sa salitang 'tayo',
Dahil alam kong hindi talaga ako ang mahal mo.
Nakita ko ang inyong litrato,
Masyadong masakit sa ****** dahil ako dapat ang katabi mo.
Masyado masakit dahil salitang 'tayo' dapat ang nabuo hindi salitang 'kayo',
Masyadong masakit dahil ako dapat ang nagpapasaya sayo hindi sya na kakadating lang sa buhay mo.
Ngayong sabado at ang petsa bente siyete ng hulyo,
Lilimutin ko na kung ano ang mga namagitan sa salitang 'tayo'.
Lilimutin ko na ang masasaya at mapapait na ala ala kasama ka aking ginoo,
At tatapusin ko na ang huling pahina ng kwento na ginawa natin sa maliit na kwaderno ng salitang "paalam oh irog ko".
Sa pagkakataong ito ang tangi ko na lamang masasabi ay,
Salamat ginoo at dumating ka sa buhay ko.
Hindi man tayo ang itinakda hanggang dulo,
Salamat padin dahil tayo ay pinagtagpo.
Sana magustuhan nyu salamat

Spoiler contents are visible only to Established Members.
Sana magustuhan nyu salamat