What's new

Closed Fate or destiny

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
512
Points
467
This story is connected in this thread https://phcorner.net/threads/755214/

8 years ago :rolleyes:

Last September lang kami nagkakilala dahil din sa isang forum nung una may bf siya tapos ako single pa pero may girl akong gustong ligawan that time, sa isang thread ko lang siya nakilala nung una suplado moves ang ginagawa ko tapos siya di ako masyadong pinapansin dahil nung mga panahon na yun may gusto kong iba so suplado talaga ko nung mga panahon na yun pero nung time na kinausap ko siya sa isang thread ayun hiningi ko fb niya hanggang sa I accept niya invite ko after nun mas lalong naging close kami sa Isa't isa kinuwento ko lahat tungkol sakin ganon din siya pero ang madalas ako ang nagkukwento hanggang sa dumating yung time na naging busy siya dahil sa thesis niya don nawala ng konti yung communication naming dalawa kaya wala akong magagawa kundi maghintay ng oras para magusap ulit kami minsan sa tuwing naabutan ko siyang on-line sa fb pm agad ang ginagawa ko para kamustahin siya kung ano na nangyari sa thesis niya pero ang lagi niyang sagot ay off-line pero okay lang naiintindihan ko siya kaya naghintay pa rin ako ng pagkakataon na magkausap ulit kami at sa wakas napalitan agad ng tuwa ang paghihintay ko dahil nagparamdam ulit siya sa fb after nun balik na naman ulit kami sa dati,kimusta ko siya kung ano na nangyari sa thesis niya sabi niya okay na at kinakabahan siya sa defense niya ang sinabi ko lang sa kanya na "kaya mo yan basta think positive lang".

Naputol ulit ang communication namin after nun kasi pinaghahandaan niya yung defense niya kaya ako naghintay ng pagkakataon at nung natapos ang defense niya balik na naman ulit kami sa dati kwentuhan dito kwentuhan doon na kahit minsan lumalayo na usapan namin pero okay lang,hanggang sa dumating yung time na napansin ko na parang may gumugulo sa isip niya kaya tinanong ko siya kung may problema siya ang sabi niya lang "wala" sinabi ko na halata kong problemado siya so sinabi na rin niya sakin sa huli ang sabi niya parang hindi na siya nagiging masaya sa bf niya that time ang pinayo ko lang sa kanya kung ano yung tama yun ang gawin mo pero siguraduhin mong hindi na magbabago ang magiging desisyon mo di ko alam kung sinunod niya yung advice ko that time who knows hanggang sa dumating yung time na nagusap kami sa fb at kinumusta kung ano na status nilang dalawa ang niya "makikipag break na ko sa kanya" pero isa lang ang sinabi ko sa kanya "ikaw bahala" ginawa nga niya yung sinabi niya sakin pero ako parang wala akong pakielam sa ginawa niya dahil alam kong that time friends lang talaga turing niya sakin hanggang sa di ko namamalayan na nahuhulog na rin pala loob ko sa kanya ng di ko pinapahalata pero nilabanan ko yung nararamdaman ko dahil nung mga panahon na yun may gusto pa rin ako sa isang girl pero nung nalaman kong may bf na pala yung girl na gusto ko biglang gumuho mundo ko na feeling ko parang may bumago sa pagkatao ko na hindi ko alam kung bitter ba ko sa girl na yun o hindi basta ang alam ko lang masama ang loob ko dahil masyado akong mabagal kaya ang kapalit ako ang talo nung time na nalaman niya yun mas lalo pa kami naging close at sa tuwing magkausap kami nakikinig siya sa mga sinasabi ko at nakikinig din ako sa mga advice niya,dumating yung time na may sinabi siya sakin na may gusto siyang guy so ako na clueless bigla dahil wala talaga akong idea sa sinabi niyang yun promise wala talaga.


itutuloy....
 
Pero napaamin ko rin siya kung sino yung gusto niyang guy so nagulat ako dahil ako pala yung guy na tinutukoy niya feeling ko hindi pa kami parang panalo na ko pero kahit alam na namin ang feelings namin sa isa't isa mas lalo pa kami naging close kaya't di pa rin nawala communication namin.

Almost 1 /12 din kaming ganon hanggang sa tinanong niya ko kung kailan kami magkikita ang sabi ko sa December na pero napaaga ng di ko inaasahan ayun nagkita kami November pa lang iniisip namin kung ano unang gagawin once na nagkita kami kung formal ba o hindi pero nagpakatotoo ako sa kanya hindi ako nagisip ng masama dahil gusto ko talaga siya dumating yung araw ng pagkikita naming dalawa nagkita kami sa makati akala ko late na ko dahil traffic kasi nung papunta ko pano 1 pm na ko umalis from Laguna to Manila 2 pm na ko nakarating at tinitigan ko cp ko kung nagtext siya ayun nagtext nga siya tinatanong kung asan na ko ang nireply ko na lang “andito na ko wait cr lang ako” kasi nung pagdating ko sa lugar na pinagusapan namin e na jingle ako kasi matagal kong tiniis nung nasa bus ako paalis kaya nung after ko mag cr nagtext ulit siya ang sabi niya malapit siya sa mga naka display na Christmas tree so pagbaba ko ng escalator hinanap ko agad siya pero hindi ko agad siya nakita kasi nagka salisi kami kasi sa left side ako naghanap tapos umikot sa right side kaya ang nangyari nakita ko agad siya.

Habang naglalakad siya kaya nung nagkaharap na kami at ease na talaga kami dahil sa mga usapan naming sa chat tapos nung magkasama na kami tinanong ko siya kung kumain na siya ang sabi niya oo tapos binalik niya agad sakin yung tanong ko ang sinagot ko lang mamaya na lang ako kakain kasi kaya ko pa tiisin yung gutom ko so ang ginawa namin pumunta kami sa glorietta at nag ikot halos pabalik balik lang kami kasi nanibago ako sa loob kasi antagal ko hindi nakatapak ulit sa loob hehehe…pero okay lang masaya ko dahil kasama ko siya habang naglalakad kami non-stop ang kwentuhan namin kahit nung lumipat na kami sa Landmark kasi may gusto kong tignan don kaya sinamahan niya ko para maghanap ng magazine na bibilin ko pero nabigo ako kaya ang ginawa ko inaya ko na siyang kumain sa food court sa baba, sa kfc kami kumain pasta ang inorder niya tapos sakin salad kasi wala ako sa mood kumain ng kanin saka favorite ko talaga salad ng kfc.

Habang nakain kami tinanong ko siya kung ano na status naming dalawa pero ang sinagot lang niya after naming kumain saka niya sasabihin so ang ginawa ko pinagpatuloy ko yung kinakain ko kahit mabagal kasi nagiisip din ako after naming kumain bumalik kami sa Glorietta habang naghihintay kami sa labas ng Landmark para tumawid e….di ko siya kinakausap kasi inaabangan ko huminto yung mga sasakyan na dumadaan kaya nung pwede na tumawid hinawakan ko agad kamay niya ng walang malisya dahil gusto ko iparamdam sa kanya kung ano trato ko sa girl na gusto ko nung nakatawid na kami binitawan ko agad tapos usap na naman kami ng kung anu-ano tapos bigla niyang sinabi yung sagot niya tungkol sa status naming dalawa sinabi lang niya ng mahinang “oo” pero ako kunwari di ko narinig kaya pinaulit ko ulit.

Nung klaro na sakin ang sagot niya di ako nagdalawang isip na hawakan ulit yung kamay niya kulang na lang hindi ko bitawan kasi ang swerte ko nung araw na yun kasi taken na ulit ako sinabi ko sa kanya na masaya ko dahil naging kami dahil almost 6 months ako naging single tapos taken na ulit ako, sinulit ko yung araw na magkasama kami kahit saan kami lumibot sa loob ng glorietta kahit ramdam ko na napapagod na ko maglakad pero tiniis ko lahat para lang sa kanya. Nung napagod na kami kakalakad nagdesisyon kaming umupo muna para ipahinga yung mga paa namin habang nakaupo kami hawak ko pa rin kamay niya na talagang ayaw ko talagang bitawan sa totoo lang kasi sinusulit ko.

Itutuloy...
 
Pagkatapos naming magpahinga sa kakaupo tumayo na kami at nagikot ikot muli sa glorietta na halos nakabisado na naming ang buong lugar, tapos lumabas na kami sa loob at inikot ang iba pang pwede Makita napadpad kami sa sm at ayun usap parin kami na halos mapaos na ko kakasalita pero okay lang sulit na sulit naman ang araw kong yun dahil kasama ko ang babaeng mahal na mahal ko kaya di ko alintana kung ano mangyari sakin hehehe….habang nasa loob kami ng sm e….nakaramdam ako ng uhaw so tinanong ko siya kung nauuhaw siya pero ang sabi lang niya okay lang pero ako sinabi kong nauuhaw ako kaya nag decide akong bumili ng maiinom sa nakita kong stall na open sa loob,mountain dew ang kinuha ko tapos siya pepsi yung no sugar na in can nung pumila na ko sa cashier e…siya nasa gilid lang tapos nung magbabayad na ko e….napatingin ako sa isang side kasi puro chocolate yung nakita ko kaya sinabi ko agad sa kanya na “huwag kang titingin sa gilid mo” na hindi agad niya nagets tapos nung babayaran ko na yung binili ko tapos umalis na kami saka lang niya nagets yung ibig kong sabihin.

Nung nalaman niya kung ano yung sinabi ko e….natawa na lang siya pati ako natawa na rin sa sinabi ko hehehe…lumabas kami ng sm at naghanap ng pwesto kung saan naming pwede inumin yung binili ko okay lang sakin kahit saan kahit sa gilid pa ng mall okay na okay sakin kasi coboy naman ako pwede kahit saan at walang arte sa katawan napadpad kami sa isang food court ulit sa ground floor sa sm din ata yun, nung umupo na kami kwentuhan to the max pa rin kami kung ano-ano na napapagusapan namin na kahit minsan hindi ko naiintindihan pero sinabi ko sa kanya nung araw nay un kung gano niya pinasaya ang araw ko dahil ang aga ko natanggap ang Christmas gift ko kaya siya natawa sa sinabi ko pero okay lang mababaw lang talaga ang kaligayahan ko,nung medyo nakakaramdam na kami ng antok e….umalis na kami agad sa kinauupuan namin at nagdecide na umuwi ang sabi pa niya kahit hindi ko na siya ihatid sa sakayan pero hindi ako pumayag sinabi ko na ihahatid ko siya at baka kung ano pa mangyari sa kanya, so ayun pumayag narin siya sa gusto ko naglakad kami papunta sa sakayan habang hawak hawak ko kamay niya,nung nasa waiting shed na kami e….binilin ko sa kanya na I text niya ko pag nakauwi na siya sa kanila etc…nung saktong may paparating na bus e…nagpaalam na siya sakin pero bago kami tuluyang maghiwalay nun e….binigyan ko siya ng kiss sa lips kahit medyo sumablay ng konti kasi medyo kabado ako nun saka ayoko ng masyadong pda

Nung nakasakay na siya ng bus ayun pabalik na ko sa sm dahil don ang sakayan ng bus pauwi habang tinatahak ko ang daan papunta sa sm e….halos di ako makapaniwala sa mga nangyari nung araw na yun kasi sobrang saya ko talaga habang naglalakad ako e….ayun pinagpawisan nako kaya ang ginawa ko pumunta muna ko sac r ng sm at nagpalit ng damit kasi kanina pa pawis yung suot ko pagkatapos nun e…dumiretso na ko sa sakayan ng bus tinext ko siya agad na nakasakay na ko,habang nasa byahe ako saka ako nakaramdam ng antok na pinipigilan ko pa dahil parang ayoko makatulog sa byahe ko pero sumuko din ang katawan ko dahil na rin sa sobrang pagod talaga kaya ayun naka idlip ako Nung nagising ako e…nasa banding muntinlupa na ko at umulan pala nun akala ko mahina lang yun pala medyo malakas kaya patay ako nung araw na yun kasi wala akong dalang paying buti na lang nung nakababa na ko e….hindi na ganong malakas ang ulan kaya ang ginawa ko nag special na ko sa tricycle dahil gusto ko na talagang umuwi pero nung nakauwi na ko hindi pa rin ako nagtulog kasi nag online pa ko para kamustahin siya at sabihin sa kanya ang sayang nararamdaman ko nung araw na yun kahit siya ganon din ang nararamdaman di nagbago ang routine naming dalawa kahit in a relationship na kami dahil ang trato naming sa isa’t isa parang magkaibigan pa rin kami pero okay lang sakin kasi mabuti na rin yung ganong treatment


Itutuloy....
 
Almost 3 weeks na kami as couple pero ganon pa rin ang treatment naming sa isa’t isa na parang hindi nagbago talaga dahil pareho naming ginusto na lagi kaming puyat dahil ako may insomnia na tapos siya di niya alintana kung maaga ang pasok niya kinabukasan dahil sinusulit niya yung bawat araw na ka chat ako na minsan nakakatulog na siya pero okay lang sakin dahil naiintindihan ko siya dahil alam kong lagi siyang pagod kaya kahit magusap man kami at pag alam kong hindi na siya nagrereply sa pm ko e….Isa lang ang ibig sabihin it means tulog na siya so ako ang lagi kong ginagawa pag hindi na siya nagrereply ay kundi magpaalam sa kanya at iparamdam kung gano ko siya kamahal kahit malayo kami sa isa’t isa.

Dumating ang araw ng December at first Friday nun pinapunta niya ko sa school niya kahit alam kong delikado sa Manila e..hindi ko inisip kung ano na mangyayari sakin kapag andon na ko dahil nung time na yun gusto ko talaga siya makita at makasama although talagang may balak kami mag date pero inuna niya yung project nila sa school pero okay lang dahil wala akong karapatang magalit kahit naudlot pa yung lakad namin kaya ang nangyari pinapunta na lang niya ko buti na lang may budget ako nung mga panahon yun dahil kung hindi e….hindi ako makakapunta talaga, maaga ako gumising kahit kulang pa ko sa tulog dahil ayoko talaga ma late kapag pumunta ko buti na lang hindi ako na late kasi pinilit ko makarating ng maaga sa school niya kahit galling pa ko ng alabang dahil nagkita kami ng kababata ko para mag bonding at magusap.

Pagkatapos naming mag bonding ng kababata ko e…dumiretso na ko sa sakayan ng bus papuntang Lawton kahit ramdam kong nakakadiri na itsura ko dahil ang usapan naming ay 3:30 ng hapon pero pumunta ko ng 2 pm na akala ko saktong 3:30 e…nasa manila na ko kapag andon na ko pero nagkamali pala ko kasi almost 30 minutes lang andon na ko sa Lawton Terminal kaya ang ginawa ko nag cr muna ako habang naghihintay ng text niya pero tinexet ko agad siya na andon na ko sa lawton at hinihintay ko lang yung signal niya kung pupunta na ko o hindi.

Nung time na nagtext siya at sinabing pumunta na ko e….nagisip muna ko saglit kung tutuloy ba ko o hindi kasi inisip ko kung andon na ko e…malamang maiilang ako kasi parang familiar ako sa lugar pero ang ginawa ko bago pumunta don e…nagpalit muna ko ng damit dahil naglalagkit na talaga ko bago ko makarating sa Manila.

Nung nakapagpalit na ko ng damit e…saka ko sumakay ng jeep papuntang school niya although first time ko pumunta sa school niya na ako lang magisa kasi kahit dati pa hindi ko na experience na pumunta ng manila na solo lang ako pero hindi ko inisip yun dahil gusto ko talaga mag explore magisa kahit minsan dahil hindi naman habang buhay may kasama ko pag napunta ko sa ibang lugar di ba? Nung andon na ko sa harap ng school niya e…tinext ko agad siya dahil hindi ko alam kung ano ginagawa niya kaya naghintay ako ng text niya kahit medyo matagal okay lang halos inabot ng 30 minutes.

Bago niya ko Makita dahil palakad lakad ako sa tapat ng school niya kasi hindi ko magets yung ibig niyang sabihin pero nung sinabi ko kung saan ako nakatayo e…naghintay ako saglit tapos nung nakita ko siya e….lumapit ako sa harap ng gate ng school niya at lumabas siya tapos sinundo ako at kasabay ko siyang pumasok sa loob,pinaliwanag niya kung bakit hindi pa sila tapos sa ginagawa nila kaya hindi ako nagdamdam kasi naiintindhihan ko naman siya,nung nakapasok na kami sa loob ng campus ng school niya e…umupo muna kami sa bench malapit sa department nila at sinabi sakin na aakyat ulit siya para I check kung tapos na yung ginagawa nila so ako naghintay saglit although sabi niya babalik siya ng 15 minutes pero inabot ng almost 30 to 45 minutes ang paghihintay ko kahit na napapansin ko na parang out of place talaga ko sa lugar kasi hindi naman ako nagaaral don.

Nung time na bumaba siya e….napansin niya na parang badtrip ako kaya ang tanong niya sakin kung okay lang ako ang sagot ko lang “okay lang” kasi ako ayokong ipakita sa kanya na naiinip ako o badtrip pero napansin niya agad yun dahil para daw nakakunot ano noo ko nung nakita niya ko pero ang sabi ko normal lang sakin yun.

Nagusap kami nung nasa bench kami at niyaya niya kong kumain pero sabi ko hindi ako gutom pinilit parin niya tinanong niya ko kung ano gusto ko sabi ko kahit panulak lang okay na ko kaya ang ginawa niya niyaya niya ko maglakad lakad sa campus ng school niya,nung napadpad kami sa isang stall na ang binebenta ay ice tea e…nahiya ako kasi parang hindi ako sanay talaga ng nililibre ako ng babae pero ginawa niya yun para makabawi siya sa paghihintay ko ng matagal pero okay lang pumayag na rin ako sa gusto niyang gawin so ayun bumuili siya ng ice tea na medium size na sa tingin ko e….25 pesos ang isa.

Nung hawak na naming dalawa yung binili niya e….umupo ulit kami sa bench pero hindi sa dati na kung saan naghintay ako dahil alam naming may nakaupo na don hay….ang ginawa lang namin ay nagusap pero syempre hawak hawak ko ulit yung kamay niya kasi namiss ko talaga siya kasi naman almost 2 or 3 weeks kami hindi nagkita.

Kaya nung time na magkasama kami talagang miss na miss ko siya kwentuhan ulit kami ng kahit ano usap ulit kahit minsan malayo na sa pinaguusapan naming dalawa pero okay lang kahit na feeling ko e…mabilis ang oras pero hindi ko inisip na ganon dahil siya ang kasama ko.

Habang nagu ubos kaming dalawa ng oras e…non-stop parin ang kwentuhan namin kahit na minsan wala na kong maisip na ikwento kasi feeling ko parang di ako ready magkwento ng kung anu-ano sa kanya pero pinilit ko pa rin kasi para may mapagusapan kami kahit papano nung time na umulan e…feeling ko nababasa kaming dalawa pero hindi kami natinag kasi hindi kami umaalis sa pwesto namin ang sabi ko lang blessings yan kaya natawa siya.

Tumila ang ulan saglit tapos maya maya bumuhos na naman ang sabi niya patay daw siya dahil wala siyang dalang payong ang sabi ko lang “titila din yan kasi blessings yan saka ikaw ang kasama ko” kaya natawa na namana siya hehehe...


Itutuloy....
 
Lumipat kami ng pwesto pero sa bench pa rin may bubong na maraming upuan para maging maayos ang upo namin,usap dito usap doon na parang hindi pa rin nauubusan ng kwento dahil talagang enjoy kaming pareho magkatabi tapos hawak ang kamay na parang ayoko na bitawan kahit kalian yumakap siya sakin at pinaramdam niya talagang na miss niya ko kahit ako ganon din sa kanya. Inaamoy amoy ko pa nga kamay niya kahit mukha akong t*nga sa ginagawa ko kaya natatawa siya pag ginagawa ko yun hehehe…

Nung malapit na mag 7 ng gabi nag decide na kaming umuwi pero sabi ko I tour muna niya ko sa loobn g school niya para mas masulit ko pa yung oras na magkasama kami kaya ayun nilibot namin ang school niya pero hindi lahat nalibot kasi medyo nakakatamad na pero okay lang kasi na amaze talaga sa loob ng school niya, may isang part don na nilalakaran namin na yun pala yung sinasabi niyang lover’s lane hehehe…..tama nga naman kaso ang sinagot ko e…para kaming nasa park ng luneta kaya ayun natawa na naman siya, nung nalibot na namin yung kalahating part ng school niya e…lumabas na kami at umuwi na, nung nasa labas na kami e….sinamahan niya ko sa sakayan ng jeep kasi sa side ng school siya sasakay kaya yun nung nakita niyang may paparating ng jeep e…pinara niya tapos yumakap siya sakin na ako naman ay nahiya kasi pda pero okay lang wala akong paki sa iisipin ng ibang tao don.

Nung nasa lawton na ko saka lang ako nagtext kasi medyo traffic sa quiapo kasi first Friday of the month nun kaya medyo mabagal ang daloy ng sasakyan,medyo late na rin ako nakarating sa bahay kasi pumunta pa ko sa sm na malapit sa alabang kasi may tinanong ako sa customer service ng national pero bigo ako kasi wala pa yung humor book na gusto kong bilin kaya ang ginawa ko umuwi na lang as usual traffic na naman kaya tiyaga na naman ako kahit mabagal ang andar pero nakarating naman ako sa destinasyon ko.

Nung nakauwi na ko saka ko siya tinext na nakauwi na ko dumating yung araw na papunta siyang cebu dahil may tour sila regarding sa course nila pinlano naming magdate bago siya umalis pero hindi kami natuloy pero okay kaya ang nangyari na move yung date sabi ko after na lang ng tour niya saka kami magkita pero na move na naman ulit nung miyerkules ng gabi tinawagan ko siya nung andon ako sa bahay ng isang schoolmate ko dati dahil matagal din kaming hindi nagkita kaya nagbonding ulit kami kasama ang dati kong prof sa major subjects ko nun pero saglit lang kami nagusap kasi alam kong medyo busy siya pero tinanong niya ko kung pupunta ko o hindi sa paskuhan ng school niya kasi ininvite niya ko ang sabi ko kung wala siyang lakad ng 1 ng hapon e….mahaba ang oras naming magkasama pero iba sa inaasahan ko nung pagdating mismo ng araw na yun e….may lakad pala sila ng mga classmate niya kaya ang ginawa ko hindi na lang ako tumuloy dahil alam kong delikado na pag pumunta ko don ng hapon kaya nung gabi tinawagan ko siya kinumusta kung ano nangyari sa event ng school niya kasi nung huwebes pa lang e…masama na pakiramdam niya sinabi ko na lang sa kanya na uminom siya ng gamot para hindi siya mabinat sinunod naman niya yung sinabi ko tapos nun hindi na kami nakapagusap ulit.


Itutuloy....
 
:rolleyes:
Dumating ang linggo ni isang text o miscall niya walang dumating, tinetext ko siya at tinatawagan pero walang reply agad kaya ang ginawa ko di ako tumigil kakatawag sa kanya hanggang sa ako na ang sumuko kasi inantok ako bigla dahil kulang pa ko sa tulog nun. Nung nagising ako di ko inaasahan na may text siya nung binasa ko e….iba ang dating ng text niya kasi parang bad mood siya nun na hindi ko alam kung bakit kaya ang ginawa ko lumabas muna ko saglit para magrelax ng konti at iniwan ang cp ko nung pagbalik ko e…di ko inaasahan na nagtext siya na nasa mall siya so tinanong ko kung sino kasama niya pero hindi ko na hinintay agad ang reply niya kasi naligo na ko agad.

Pagktapos kong maligo ay may text na naman siya na ang sabi niya mom niya yung kasama niya sa mall kaya hindi na ko nagreply ulit at umalis na ko na hindi dala ang cp ko dahil kinukutuban na ko nung araw na yun, Nung nakauwi na ko galing sa labas e….di ko inaasahan na may text ako mula sa kanya iniisa isa ko lahat ng mga text niya hanggang sa may nabasa akong text niya na gusto na niyang makipaghiwalay sakin so ako nagulat dahil di ko expected na ganon ang sasabihin niya.hinintay ko siyang mag online sa fb para malaman kung bakit ganon ang tinext niya hindi naman ako nabigo dahil natyempuhan ko siyang nag online at nag pm agad ako sa kanya at itanong kung bakit niya gustong makipaghiwalay sinabi niya lahat sakin ng dahilan, sinabi niya kaya niya ko pinapunta sa school niya nun dahil gusto niya ko makasama pero sinabi ko na rin sa kanya nung una pa lang na delikado pumunta sa school niya pag hapon na tapos gabi pa ko uuwi pero hindi niya sinagot yung dahilan kong yun dahil parang undecided pa siya,sinabi niya sakin na parang hindi ako nagpupursige na maghanap ng trabaho pero sinabi ko sa kanya di ko ginusto yung maging ganon pero wala siyang sagot sa sinabi kong yun dahil nagpaalam na agad siya kahit alam kong umuiwas siya sa nangyayari saming dalawa.

Ako tuliro na nung gabing yun kaya ang ginawa ko lumabas ako inaya ko yung kaibigan kong uminom dahil gusto ko makalimutan ang nangyari kahit saglit lang kahit sa ginagawa namin ng kaibigan ko e…di ko maiwasang maiyak dahil pakiramdam ko pinagkait sakin ang isang bagay na gusto ko mangyari hanggang sa natapos na kami sa ginagawa naming ng kaibigan ko nung sumunod na gabi ganon na naman ulit at ganon pa rin ang ginagawa ko kasi sobrang depressed ko na halos inabot pa ng 6 na gabi na ganon pa rin ang ginagawa ko kulang na lang kumpletuhin naming ang 9 araw ng simbang gabi kahit nung pasko medyo okay na ko pero pag naiisip ko agad yung bagay na yun di ko maiwasang maluha dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko hindi ko matanggap lahat lahat as in lahat.



Itutuloy....
 
Nung nagkaron ng pagkakataong magkausap ulit kami e…naging okay ang lahat ,Pinaliwanag niya kung bakit ganon ang inasal niya pati ako nagpaliwanag din sa kanya dahil gusto ko talagang maayos ang gusot na nangyari, naging okay na ulit kami pero ang dating 50/50 pa rin dahil hindi pa talaga pwede dahil siya gusto niyang makagraduate at kung talagang may tiwala ako sa kanya willing ako maghintay sa kanya, sinabi kong maghihintay ako kahit anong mangyari, Sinabi ko na sarili ko muna ang iisipin ko dahil masyado ako naging pabaya sa mga araw na dumaan sala sa init sala sa lamig ang sitwasyon naming dalawa kaya nung huli hopeless na talaga kahit masakit sakin tinanggap ko kahit ayaw ko pa talaga matapos yung relasyon naming dalawa. Sa ngayon ganon pa rin ako madaming iniisip dahil hindi ko rin alam kung ano ang dapat gawin pero naisip ko na walang mangyayari sa ginagawa ko kung lagi ko na lang iniisip ang bagay na nagpapahirap sakin ngayon tapos eto may nararamdaman pa kong hindi maganda sa health ko na lalong nagpapahirap sakin pero kahit nalaman ko ang bad news tungkol sa health ko lalabanan ko to kahit anong mangyari .


Kung mabasa mo man to ngayon walang ibig sabihin to ang masasabi ko lang sana maging masaya ka at tandaan mo mahal pa rin kita.


-Wakas
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top