What's new

Closed Battle of the Brainless Part 2

Status
Not open for further replies.

Wraebach

Forum Veteran
Elite
Joined
Aug 9, 2019
Posts
2,021
Reaction
1,239
Points
906
H : Ano ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Clue : "L" ang simula ng pangalan niya (lifeguard).
C : Lifebuoy?
H : Hindi, pero kahawing nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
C : Safeguard?
H : Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
C : Safe boy?
H : Hindi siya 'boy' at matipuno nga ang kaniyang katawan.
C : Si Mr. Clean!

H : Anong profession ang kinatatakutan ng mga bata pag nakikita ito?
Clue : It starts with letter "D" (Dentista).
C: Demonyo.
H : Hindi, ang professional na ito ay may kinalaman sa ngipin.
C : Daga.

H : Sino ang kauna-unahang chess grandmaster of Asia?
Clue : Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre)
C : Carole King?
H : Hindi, mas mababa sa King.
C : Al Quinn?
H : Hindi, tagalog ang apelyido niya.
C : Armida Siguion-Reyna?
H : Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
C : Bishop Bacani?
H : Mas mababa pa sa bishop.
C : Johnny Midnight?
H : Mas mababa pa sa knight.
C : Jerry Pons?
H : O ayan, ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
C : Sylvia la Torre?

H : Sino ang Philippine heroine na nakalarawan sa 1,000-peso bill?
Clue : Ang kanyang initials ay katulad ng initials ni Erap-- "J.E." (Josefa Llanes-Escoda).
C : Josefa Estrada.
H : Hindi, "L" ang middle initial n'ya.
C : Josefa L. Estrada.

H : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 peso bill?
Clue : Ang initials niya ay N.A. (Ninoy Aquino)
C : Nora Aunor?
H : Hindi, ang last letter ng palayaw niya ay 'Y'
C : Guy Aunor?
H : Hindi, dati siyang senador.
C : Si former Senator Guy Aunor?
H : Hindi, patay na siya.
C : Ano!? Patay na si Nora Aunor!!??

H : Sino ang nanalo ng Miss Universe 1994 na ginanap sa Manila?
Clue : Indian siya.
C : Indiana Jones?
H : Hindi. Ang initials ng name niya ay "S.S." (Sushimita Sen).
C : Ah, Senator Shahani.

H : Sino ang dating Presidente ng Pilipinas na ginawan ng mambo campaign song ni Raul Manglapus?
Clue: Ang initials niya ay "R.M." (Ramon Magsaysay).
C : Rico Mambo?
H : Hindi siya awitin pero tao.
C : R.M. Manlapat?
H : Hindi pa rin. Ang anak niya ay tumakbo at nanalo bilang vice-president sa halalan nitong taong ito.
C : R.M. Manlapat, Sr.

H : Sino ang international singer na pumunta ng Pilipinas?
Clue : Ang initials ng name niya ay "L.P." (Luciano Pavarotti).
C : Lourna Pal?
H : Hindi, lalaki siya at taga-ibang bansa.
C : Elvis Presley?
H: Hindi, Italiano siya.
C : Signore Elvis Presley?
H : Hindi, buhay na buhay siya!
C : Signore Elvis Presley: Live and In Person!!

H : Sino ang pinakahuling artista na gumanap ng Darna?
Clue : Ang initials niya ay "A.A." (Anjanetter Abayari).
C : Anthony Alonzo?
H : Hindi, babae siya.
C : Alicia Alonzo?

H : Pag ikaw ay nalunod, ginagawa ito sa iyo.
Clue : M____ to m____ resuscitation (Mouth to mouth resuscitation).
C : Man to man resuscitation?
H : Hindi, ang simula nito ay isang bahagi ng mukha, at ginagawa ito para ikaw ay makahinga.
C : Nose-to-nose resuscitation?
H : Hindi, mas mababa pa sa nose.
C : Neck-to-neck resuscitation.
H : Hindi pa rin. Basta nga, resuscitation ang ginagawa sa iyo at bibig ang ginagamit.
C : Ahh.. Graded oral resuscitation!! (Graded oral recitation)

 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top