What's new

Closed Battle of the Brainless Part 1

Status
Not open for further replies.

Wraebach

Forum Veteran
Elite
Joined
Aug 9, 2019
Posts
2,024
Reaction
1,242
Points
909
Host : Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Clue : starts with the letter "S" (salbabida)
Beep!!
Contestant : Sirena?
Host : Hinde! Hindi ito babae. Beep!
Contestant : Siyokoy?
Host : Hindi! Hindi ito lalake. Beep!
Contestant : Siyoke?

H : What is the national tree of the Philippines?
Clue : Starts with the letter "N" (narra)
C : Niyog?
H : Mas matigas pa diyan.
C : (In a strong-sounding voice) NIYOG!

H : Ano ang total ng 2 + 2?
C : Three!
H : Hinde, mas mataas pa diyan.
C : (In a high pitched voice) Three!

H : Saang lugar anga pinupuntahan ng mga tao tuwing Lingo?
Clue : Nagsisimula sa letrang "L" (Luneta)
C : Laguna?
H : Malapit lang ito. Pinupuntahan ito ng mga magkasintahan.
C : La Loma?
H : Hindi, tahimik dito...
C : Libingan?
H : Hindi, malapit ito sa dagat...
C : Laot?

H : Sino ang pumatay kay Magellan?
Clue : "LL" ang kanyang initials. (Lapu Lapu)
C : Lito Lapid, Jr.?
H : Mali, Hindi pa buhay Lito Lapid, Jr. noong panahon na yon
C : Edi si Lito Lapid Sr.?!
H : Another clue "inuulit-ulit ang pangalan n'ya.
C : Ahh LITO-LITO?
H : Mali!
C : LAPID-LAPID?!

H : Ano ang pangalan ng pambansang bayani ng Pilipinas?
Clue : "J.R." ang kanyang initials (Dr. Jose Rizal)
C : Jeric Raval?
H : Mali! Another clue: siya'y isang doktor!
C : Is it Dr. Jerick Raval?
H : Mali! Siya ay yumao na!
C : The late Dr. Jerick Raval?

H : Saan binaril si Jose Rizal?
Clue : "B" ang simula (Bagumbayan)
C : Sa back?
H : O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta)
C : Sa likod?
H : Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P" and initials ng modern name niya (Rizal Park)
C : Sa rear part?

H : Sino ang National Hero na may estatwa sa Monumento?
Clue : Ang initials niya ay "A.B." (Andres Bonifacio).
C : Alex Boncayao?
H : Hindi, nagtayo siya ng samahan na marami ang sumapi.
C : Alex Boncayao Brigade?

H : Sino ang Hero of Tirad Pass?
Clue : "G" ang umpisa ng pangalan niya (Gregorio del Pilar).
C : Diego Silang (pronounced as G-go Silang)

H : Saan tayo madalas pumupunta pag summer upang maligo?
Clue : Starts with "B" (Beach)
C : Banyo?
H : Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
C : Sa bubong?
H : Hindi, marami kang makikita doong mga babaeng naka-******.
C : Sa beerhouse?

H : What is the national bird of the Philippines?
Clue : Starts with the letter "M" (Maya)
C : Manok?
H : Hindi, brown ang kulay nito.
C : Piniritong manok?
H : Hindi, nagtatapos sa letter "A"
C : Piniritong manoka?
H : Hindi, mas maliit pa sa manok.
C : Maggie chicken cube?

H : Ano ang pambansang hayop ng Pilipinas?
Clue: ito ay nagsisumula sa letrang "K" (Kalabaw)
C : Kambing?!
H : Mali!
C : Kuto?
H : Hindi, ito ay matatagpuang nakapatong sa lupa.
C : Kutong lupa?
H : Katulong ito ng mga magsasaka sa pag-bubungkal ng lupa"
C : Kubota!?

H : What is the national fish of the Philippines?
Clue: Its name starts with the letter "B" (Bangus).
C : Balyena
H : Hindi, mas maliit ito
C : Botete.
H : Hindi, may "s" sa dulo.
C : Ah, botetes.

H : Anong hayop sa dagat na may walong tentacles?
Clue : Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo" (Octopus).
C: October.
H: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
C: Octo-walo.
H : Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
C : Octoart Dancer.
H : Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
C : Octoarts Dancers.
H : Hindi pa rin.
C : Octomechanix

H : What is the national flower of the Philippines?
Clue : It starts with the letter "S" (Sampaguita)
C : Sunflower?
H : Hindi. Binebenta ito sa kalye.
C : Stork?
H : Hindi. Ito ay tinutuhog.
C : Squid balls?
K : Hindi parin.
C : Sitsaron
H : Hindi. Bulaklak sabi, eh.
C : Sitsarong bulaklak?
H : Hindi pa rin. Ends with the letter "A"
C : Sitsarong bulaklak na may suka?
H : O, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa
C : pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
C : Si Sharon Cuneta!

 
Korni yung iba pero ang natawa ko yung Lito Lito, Lapid Lapid, at yung kay Rizal haha. Sa Rear Part? 😂
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top