What's new

Closed Unggoy

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
Madalas ka bang tambay sa isang group page na bigla mo na lang nakita at na click mo ang like button?
Ginusto mo ba o napilitan ka lang, kahit ano pa dahilan mo okay lang hindi kita pipiliting umamin, mas mabuti pang hindi ko na malaman kung ano dahilan mo.
Nung may nakita kang post sa group page at binasa mo isa-isa ang mga comment ano napansin mo? Pwede ko ba hulaan?

Sumawsaw ka ba sa mga comment dahil yung bina bash eh feeling “fame” o naasar ka sa itsura at mga sagot niya tama ba ko? Yung tipong durog na nga sa mga comment ng iba eh ayaw pa ring magpakumbaba at pilit inaangat ang sarili yung tipong siya lang naniniwala sa ilusyon niya pero tuloy pa rin siya sa pagsagot ng mga negative comment laban sa kanya.
(Kung familiar ka sa group page ni edu gets mo na ibig kong sabihin)

Fan ka ba ng Fliptop dahil naging fan ka ni Sinio simula nung sumikat siya o fan ka niya dati pa nung di pa siya sikat. Ang tunay na suporta sa isang tao ay yung kahit hindi pa siya sikat sinusuportahan mo pa rin siya kahit may ups and down pa yan hindi yung porket sobrang sikat na eh fan ka na rin niya bandwagon tawag don, huwag ganon kapatid.

Magpakatotoo ka, huwag kang gumaya sa iba na nilamon na ng sistema yung tipong kung ano ang uso eh dapat hindi sila mapagiwanan, ang daming nagpapaka “unggoy” sa cyber world para lang sumikat pero ang tanong sikat ba sila? Oo sikat sila dahil sa ginagawa nilang mali yung iba nga nagpapaka keyboard gangster pa nga eh pero sa totoong buhay urong buntot. Karamihan ng nagiging keyboard gangster o basher pangit sa totoong buhay paano ko nasabi? Kasi kung anu-anong pangalan ang ginagamit para hindi malaman kung sino sila at para hindi makita totoong itsura nila ooooops tinamaan ka ba?.
Walang ibig sabihin ang mga sinabi ko, opinyon ko lang at kung ano ang napapansin ko sa mga mundo ng cyber world lalo na sa panahon ngayon ibang iba na talaga, masakit mang tanggapin pero yun talaga ang realidad na tipong lumalala pa. Bago matapos to sana matauhan ang sino man yun ay kung may matatauhan sa sinabi ko, hindi ko na problema yun. Maaring may magalit, may matuwa o kaya nama’y walang pakielam ayos lang ang mahalaga nasabi ko kung ano ang napansin ko sa panahon ngayon sana lang huwag ka na dumagdag na maging isa mga “Unggoy”
 
oo ate, yung kulay pula yung wet paks 😅
hahahahaa pakita ko sayo
1570271633430.png
 

Attachments

Dun sila kikita ng pera eh pero nagustohan ko isa mong sinabe na troll tapos binabasa niya pa yung mga bad comments hahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top