What's new

Closed Ano nga ba ang Bitcoin? ( tara kwentuhan muna tayo )

Status
Not open for further replies.

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,509
Reaction
13,525
Points
3,747
ANU BA ANG BITCOIN?

Bitcoin? Marahil narinig mo na o kaya nabasa ang salitang yan. Alam kong may ilang katanungan sa iyong isipan kung ano at paano gamitin ito. Masuwerte ka dahil hinahanap mo ang mga sagot sa katanungan na yan dahil sa katunayan ay iilang porsyento palang ng populasyon ang nakakaalam nito at ang iba ay walang interes na malaman ito kaya sinisigurado ko sayo na balang araw ay mapipilitan nalang sila na gamitin ang bitcoin.

Ang BITCOIN ay isang uri ng cryptocurrency. Gumagamit ito ng BLOCKCHAIN o yung tinatawag na WORLD WIDE LEDGER. Ang world wide ledger ay ang pangkalahatang listahan ng mga transaksyon sa BITCOIN. Kagaya nga ng sabi ko kanina na ang salapi ay isang kasunduan lamang. Ang world wide ledger ay maihahalintulad sa isang pangkalahatang kasunduan.
Peer to peer ang proseso sa paggamit nito. Ibig sabihin walang nasa gitna. Ito ay open source at walang sinuman ang kumokontrol nito. Kapag nagtransak ka sa BITCOIN kagaya ng pagpasa at pagtanggap ng bitcoin nagbabago ang listahan sa world wide ledger. Example nito kapag nagpasa ka ng BITCOIN sa kaibigan mo. Sa ledger nya ay madadagdagan ang halaga ng BITCOIN dahil nakatanggap siya nito at sa ledger mo naman ay mababawasan ang BITCOIN dahil nagpadala ka nito. Ngunit hindi lang ledger nyo ang apektado. Dahil sa lahat ng libo libong ledger sa buong mundo ay nakalista din ang transaksyon nyo. Ibig sabihin sa ledger ko ay makikita kong nadagdagan yung sa kaibigan mo at makikita ko din na nabawasan yung sayo. Ang tawag dyan ay DECENTRALIZATION. Kapag mayroon mandaya ng rekord kagaya ng pagdagdag ng bilang ng bitcoin sa kanyang ledger ay hindi ito tatanggapin dahil makikita sa ibang libo libong ledger na wala siya ng bilang ng bitcoin na kanyang idenideklara. Ganyan kasecure ang bitcoin. Imposible itong peke-in. Kagandahan pa Limited lang ang Supply at ngayon padami na ng padami ang Gumagamit na tinatawag na Demand. Kaya tumataas ang Value.

Ang Bitcoin ay isang uri ng salapi na hindi gumagamit ng papel. Mga numero ito sa screen ng computer o smartphone na may katumbas na halaga sa pera natin. Tinatawag itong Digital Currency. Ano ang Digital Currency? Para mas lalo pa nating maintindihan ay alamin muna natin ang kasaysayan ng salapi. Hatiin nalang natin sa tatlong bahagi.

3 STAGES/ AGES OF CURRENCY


  • COMMODITY ( AGRICULTURAL AGE ) - Dito nagsimula ang ideya ng salapi. Eto yung panahon ng Barter kung saan ang manok ay pwedeng ipalit ng asukal, ang isang kaban ng palay ay pwedeng ipangbili ng kambing at marami pang iba. Depende ito sa napagkasunduan. Sa panahon na ito ay wala pang sukli. At kaylangan na magkasundo muna kayo ng interes kung ano ang kaylangan mo at ano ang kaylangan ng kapalitan mo.
  • FIAT ( INDUSTRIAL AGE ) - Ito ay yung panahon na nagkaroon na ng mga factory, makina at mga malalaking gusali. Dito na nagsimula ang perang papel. Dumami ang mga factory at nagkaroon ng mga empleyado. Nauso na rin ang paniningil ng gobyerno ng mga buwis kung saan ang kanilang tinatanggap na pangbayad ay mga perang papel. Perang papel din ang sweldo ng mga empleyado. Ginamit ang sistemang ito sa buong mundo at dahil dito ay nagkaroon ng halaga ang perang papel o fiat money.
  • DIGITAL CURRENCY ( INFORMATION AGE ) - Sinasabing ito ang future na salapi natin. Kung saan, hindi na tayo gagamit ng perang papel o perang nahahawakan. Ang pawang gagamitin nalang natin ay ang ating mga gadgets para makabili ng produkto at serbisyo.
Ngayong 21st Century ay nabubuhay na tayo sa Information Age. Tapos na ang industrial age ngunit ang ginagamit pa rin nating salapi ay panahon pa rin nito, ang perang papel.

Lilinawin ko lang hindi lang uri ng salapi ang isyu dito (pagiging papel or digital) kundi pati na rin ang sistema na ginagamit sa uri ng salapi. Magkaiba ang sistema na ginagamit sa Fiat currency na ginagamit ngayon at ang sistema na ginagamit sa Bitcoin.

Ano ang salapi.

Ang salapi ay kahit anong bagay o rekord na karaniwang tinatanggap bilang isang kabayaran para sa merkansiya o serbisyo at kabayaran para sa mga pautang sa isang bansa o isang socio-economic na konteksto. Ang pangunahing silbi ng salapi ay: isang kasangkapan ng palitan, isang unit of account, isang store of value, at karaniwan isang standard deferred payment. Kahit anong bagay na may patunay na rekord ay pwedeng magsilbi bilang isang salapi.
Ang pera ay isang imahinasyon, ideya o paniniwala lamang. May ginagamit na ba na perang papel noong panahon ng agricultural age? Noong panahon na yon ang ginagawa lang para makabili ng produkto o serbisyo ay ang pakikipagkasundo lamang. At ganoon din sa perang papel, ito ay tinatanggap dahil napagkasunduan na ito ay gamitin. Habang maraming tumatanggap nito ay mas lalo itong nagkakaroon ng halaga. At ganoon din sa ibang uri ng salapi kagaya ng atm, tseke, online banking, token, bitcoin atbp.

Mayroong Dalawang Uri ng DIGITAL CURRENCY:

  • VIRTUAL CURRENCY - ito ay yung uri ng digital currency na kontrolado ng mga gumawa nito (developer). Ito ay maaari lamang gamitin sa mga kasapi ng isang virtual community. Isang halimbawa nito ay ang Amazon Chips.
  • CRYPTOCURRENCY - Ito ay yung uri ng digital currency na gumagamit ng Cryptography. Ang Cryptography ay isang secure na paraan para makapagpasa ng Digital Signature sa pamamagitan man ng peer to peer transfer at decentralization.
Ang Bitcoin ay isang uri ng cryptocurrency na gumagamit ng tinatawag na Blockchain o yung tinatawag na World Wide Ledger.

Ang Blockchain ay binubuo ng mga computer o participant na konektado sa bawat isa. Dahil sa konektado ang bawat computer sa bawat isa ay may iisa lamang itong listahan ng mga transaksyon.

Kung mapapansin mo ang bawat computer o participant sa itaas ay konektado nang derekta sa bawat isa. Ibig sabihin ay walang middle man na dinadaanan ng mga transaksyon sa gitna. Ang tawag sa uri ng koneksyon na yan ay peer to peer.

Bukod sa peer to peer, ang blockchain ay isa ring Decentralize. Ang ibig sabihin ng decentralize ay ang lahat ng data o transaction sa blockchain ay nalalaman ng bawat participant. Halimbawa muna natin ang transaksyon sa bangko. Ang sistema sa bangko ay Centralize. Halimbawa nito ay kapag nagpadala ako ng pera sa kaibigan ko na si Dapap ay iveverify nila kung lehitimo ang transaksyon, tapos ay irerekord at pagkatapos nun ay saka pa lang lilitaw sa account ni Dapap yung pinadala ko. Ang nakakaalam lang ng bawat transaksyon ay ako, si Dapap at ang Banko. Hindi mangyayari ang transaksyon ng wala ang bangko (middle man). Ibig sabihin ay kontrolado ng bangko (middle man) ang bawat transaksyon.

Halimbawa naman ng decentralize ay kapag nagpadala ako ng pera kay Dapap (tignan ang diagram) ay malalaman ito ng lahat ng participant sa blockchain (Jess, Floi, Bec, atbp.). Maililista ito sa kani-kanilang ledger. Ibig sabihin ay meron lang isang listahan para sa lahat ng mga transaksyon sa buong blockchain. Kung ganon ay dapat magkakapareho ang ledger ng bawat isa.

Paano kung may mandaya? Halimbawa, si Renz ay binago ang nakadeklarang pera niya sa ledger niya upang madagdagan ang kanyang pera. Tapos ay nagpadala siya ng pera sa syota niya na si Bec. Dahil nga decentralize ang bawat transaksyon ay malalaman muna ito ng lahat ng participant sa blockchain. Iveverify ng bawat participant ang ledger ni Renz kung pareho ba ito sa kanilang ledger. Kapag nalaman nila na hindi pareho ang ledger ni Renz sa kanilang mga ledger ay irereject ang transaksyon ni Renz sa blockchain. Ganyan kasecure ang bitcoin.

Nakita mo ba ang pagkakaiba? Sa Centralize na sistema ay kontrolado lang ng middle man (Bangko, Remittance Center etc.) ang bawat transaksyon. Hindi mangyayari ang bawat transaksyon ng wala ang middle man. Eh paano kung magkaroon ng Glitch o System failure ang Middle man? May nabalitaan ka na bang bangko na nagka-system failure? Madalas yan. Isa na rin itong dahilan kung bakit kaylangan nating magbayad ng mataas fee (kung minsan ay may pagka-gahaman) sa middle man para maging secure ang bawat transaksyon. Sa Decentralize na sistema naman ay wala kahit isa na kumokontrol ng bawat transaksyon. Wala rin naman kasi kayang kumontrol nito, kahit pa ang creator nito.

Sino nag-imbento nito.

Inembento ito ng nagpakilalang Satoshi Nakamoto noong 2009. Ngunit hangang ngayon ay hindi pa rin malaman kung sino talaga si Satoshi Nakamoto. Ang pangalang Satoshi Nakamoto ay isang hapon ngunit nang tignan ang kanyang mailing address ay sa Germany. Mayroong ilang kuro-kuro na ang nag-imbento daw nito at ng pangalang Satoshi Nakamoto ay nanggaling sa mga ibat ibang kumpanya. SAmsung TOSHIba NAKAmichi MOTOrola. Ngunit ito'y sabi sabi lamang. Pagkatapos niyang ipakilala ang sistema ng bitcoin ay bigla nalang siyang naglaho na parang bula.


Saan nanggagaling ang mga BITCOIN.

Kung ay perang papel ay ginagawa, ang bitcoin ay dinidiskubre. Si Satoshi ang nag-imbento ng bitcoin pero ang inembento nya ay ang sistema lamang. Maihahalintulad ang bitcoin sa ginto na minimina. Ang proseso ng pagmimina nito ay ang pag-sosolve ng mga mathematical problem o ang tinatawag na Blocks, na paulit ulit at nakadesenyong maging mahirap habang dumadami ang nasosolve na blocks. Ang prosesong ito ay tinatawag na Solving the Blocks. Miner ang tawag sa mga gumagawa nito. Kung sinumang miner ang makasolve ng blocks ay siya ang nabibigyan ng reward, ito ay ang bitcoin. Bawat blocks ay may katumbas na bilang ng bitcoin. Kapag nasolve na ang block ay uulitin ulit ang proseso ngunit mas mahirap na ang kaylangang isolve ng computer. Ang sistema ng pagmimina ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang mga bitcoin na nagcicirculate sa blockchain. Noong 2009 ay makakapagmina ka ng bitcoin gamit lamang ang ordinaryong computer. Ngunit ngayon ay kaylangan na ng mga special hardware para makapagmina ng bitcoin dahil nga mas mahirap na ang mga mathematical problem ngayon. Ang bitcoin ay nakadesenyo lamang na may 21 million unit. At ang namimina na sa ngayon (June 2016) ay 15,616,875 o 74.37% na ng kabuoang bilang. Ang reward sa kada blocks ay nababawasan sa paglipas ng panahon. Dahil yan sa tinatawag na bitcoin halving

Ano ba ang Bitcoin Halving

Ang bitcoin halving ay ang natural na pangyayari kung saan bumababa sa kalahati ang nakukuhang bitcoin sa bawat block. Ito ay normal lang na mangyari dahil noong inembento ang bitcoin ay nakaprograma na ang pagkakaroon ng halving. Nakaprograma ang bitcoin na magkaroon lang ng 21 million bitcoins sa buong lifecycle nito. Maikukumpara ito sa ginto na limitado lang din ang bilang. Para mas lalo pa natin maintindihan ay alamin muna natin kung paano minimina ang mga bitcoin.

Ito ay minimina sa paraan ng pagsosolve ng mga mathematical problems sa pamamagitan ng computer. Ang mathematical problem ay ang tinatawag na Blocks. Kung saan bawat blocks na masosolve ng miner ay mayroong reward, ito ay ang bitcoin. Bawat blocks ay may katumbas na bilang ng bitcoin. Noong nagsimula ang bitcoin noong 2009 ang reward sa bawat blocks ay 50 BTC. Ayon sa program ng bitcoin ang reward sa bawat block ay bababa sa -50% sa tuwing masosolve ang 210,000 blocks. Ito ay paulit ulit na mangyayari hanggang sa maubos ang natitirang bitcoin. Ayon sa mga eksperto kung hindi magbabago ang bilis ng mga computer sa pagmimina ay mangyayari ang bitcoin halving sa tuwing ika- apat na taon. Unang nangyari ang halving noong November 28, 2012 kung saan ang reward sa bawat block ng bitcoin ay bumaba sa 25 BTC/ Block, bago ang halving ay 50 BTC/Block. At inaasahan ulit itong mangyari ngayong July 2016 kung saan ang bawat block ng bitcoin ay bababa sa 12.5 BTC/ Block. At sa mga susunod na halving ay 6.25BTC/ Block, 3.125 BTC/ Block, 1.56 BTC/ Block at hanggang sa maubos ang mga natitirang hindi pa namimina na mga bitcoin. Ang mga natitirang bitcoin ay inaasahang mauubos sa taon ng 2140.


Para saan ang Halving.

Ginawa ang halving para makontrol ang inflation. Ang inflation ay ang pagbaba ng halaga ng salapi o ang kakayahan nitong makabili. Isang halimbawa ng inflation ay ang perang mickey mouse noong panahon ng Hapon dito sa Pilipinas. Tinawag itong mickey mouse money dahil halos wala ng halaga ang pera na ito. Kung bibili ka ng isang bayong na bigas ay kaylangan mo rin na ibayad dito ang isang bayong na mickey mouse money. Kaya sobrang baba ng halaga nito ay dahil na rin sa sobra sobrang bilang ng mga mickey mouse money na ginawa ng Hapon. At ganyan din ang nangyayari sa fiat currency natin ngayon. Taon taon ay bumababa ang halaga ng pera natin. Napansin mo ba na dati ang piso natin ay kayang makabili ng dalawang candy? Ang sampung piso natin ay kayang makabili ng isang balot. Ngayon ilang candy na kayang bilin ng piso mo, kaya pa bang makabili ng isang balot ang sampung piso mo?

Sa bitcoin, sa kabilang banda, ay nirereplika ang ginto kung saan ay limitado lang ang bilang at habang papadami ng papadami ang natutuklasan ay papahirap ng papahirap mahanap. Ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng deflation, kung saan ay tumataas ang halaga dahil limitado lang ang supply habang nananatiling mataas ang demand (law of supply and demand).

Ano ang Epekto ng Halving sa Presyo ng Bitcoin.

Ang bitcoin ay nakadesenyo lamang na magkaroon ng 21 million bitcoins sa buong lifecycle nito. Malaki ang pagkakaiba nito sa fiat money o perang papel kung saan ay madaling magdagdag ng bilang sa pamamagitan ng paggawa ng mga central bank. Dahil dito ay maihahalintulad ito sa ginto at iba pang mga mamahaling bakal na limitado lang ang bilang at habang tumatagal ay papahirap ng papahirap hanapin. Kung ang perang papel o fiat money ay nagkakaroon ng inflation, ang pagbaba ng halaga ng pera, ang bitcoin naman ay nakaprograma na magkaroon ng deflation, ang pagtaas ng halaga.

Dahil yan sa law of supply and demand. Kapag may demand at bumaba ang supply ay natural na tumaas ang halaga ng isang bagay. Kung ang pagbabasehan natin ay ang supply at demand ay maiisip nating tataas ang halaga ng bitcoin sa tuwing magaganap ang halving. Ngunit isa lang ang law of supply and demand sa mga bagay na nakakaapekto sa halaga ng bitcoin.

Ang ilang bagay pa na nakakapekto sa halaga ng bitcoin ay ang mga pagtanggap ng mga tao sa bitcoin, mga magaganda at masasamang balita tungkol sa bitcoin, pagtaas at pagbaba ng halaga ng mga fiat money, pagmimina, pagtanggap o pagbitaw ng malalaking business sa bitcoin, pagtaas at pagbaba ng halaga ng ibang mga cryptocurrency, pagregulate ng gobyerno (gawing legal o îllégâl) at iba pa.

Matatandaang unang nagkaroon ng halving noong 2012 ngunit walang masyadong naging epekto ito sa presyo ng bitcoin. Kung mayron mang epekto ay hindi agad ito naramdaman pagkatapos na pagkatapos ng halving. Tatlong buwan pagkatapos ng unang halving ay saka pa lang tumaas ang halaga ng bitcoin.

Sa darating na pangalawang halving (July 2016) ay walang makakapagsabi kung ano talaga ang mangyayari sa presyo ng bitcoin. Ang tanging masasabi lang ng mga eksperto ngayon ay mga prediksyon o mga posibleng mangyari. Mayroong tatama sa kanila at mayron din naman na magkakamali.

Kung ano talaga ang magiging epekto nito sa presyo ng bitcoin ay malalaman natin pagkatapos ng halving.

Ano ang Epekto ng Halving sa mga Miners.

Ang mga miners ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang bitcoin na nagcicirculate sa buong mundo. Sa tuwing mangyayari ang halving ay ang mga miners ang isa sa mga apektado. Ang epekto nito ay pwedeng maging positibo o negatibo. Sabi ng ilang eksperto maaring malugi ang mga miners sa halving. Para makapagmina kasi ng bitcoin ay kailangan ng special computer/ hardware, kuryente, internet, facility, maintenance, employees at iba pa. Dahil sa mga gastusin na yun ay kailangan din nila kumita ng malaki para sa basic na pangangailangan ng mining farm. Kung magkakaroon ng halving ay mababawasan ng -50% BTC / Mining Power ang kita nila. Ang buhay ngayon ng mga mining farm ay nakasalalay sa magiging halaga ng bitcoin pagkatapos ng halving.

Matatandaang noong nagsisimula palang ang bitcoin noong 2009 ay nakakapagmina sa pamamagitan lamang ng ordinaryong computer dahil nga mataas pa ang reward na nakukuha noong panahon na yun at madali pa ang pagsosolve ng mga blocks. Pagkatapos ng halving noong 2012 ay kailangan na ng mga special computer/ hardware para makapagmina. Ngayon ay malalaking mining farm na ang nagmimina.

Kung babagsak ang halaga ng bitcoin pagkatapos ng halving ay maraming maluluging mining farm. Kung mananatili naman ang presyo ng bitcoin sa dati nitong presyo bago ang halving ay maaari pa rin silang malugi. At isa na nga ang Bitcoin Mining Firm KncMiner na nagsara noong May 2016 dahil sa nalalapit na halving sa July 2016.

Ang positibo naman na pwedeng mangyari ay kung tataas ang halaga ng bitcoin pagkatapos ng halving.

Halaga ng BITCOIN.

Paano nga ba nagkaroon ng halaga ang bitcoin. Balikan natin yung agricultural age. Halimbawa nito ay mayroon kang sampung troso na gusto mong ipalit ng kabayo. Kaylangan mo munang maghanap ng tao na mayroong kabayo at mapapayag siya na ipagpalit ang kabayo niya ng sampung troso. Kung hindi siya pumayag ay ibig sabihin na walang halaga ang sampung troso mo para sa kanya. Ganyan din sa fiat currency, ito ay may halaga dahil tinatanggap ito ng gobyerno bilang pambayad ng ating mga buwis. Nagkakaroon lang ng halaga ang isang bagay kung mayroong tatanggap nito.

Ang bitcoin ay nagkaroon ng halaga dahil sa may tumatanggap nito. Tinangkilik ito sa maraming dahilan. Ilan dito ay, madaling magpadala ng pera, walang charge kapag nagpadala, walang buwis, secure, tumataas ang halaga, mas madali dalin etc.

Noong June 2010 ang halaga lang ng bitcoin ay 3.70 php. Ngayon ( June 4 2016) ang halaga na ng bitcoin ay 26,394 php. Ibig sabihin ay kung bumili ako ng isang bitcoin noong 2010 sa halagang 3.70 php at hinayaan ko lang yun na nakatago sa bitcoin wallet ko ng 4 years ay mayroon na akong 26 394 php ngayon. Madaling tumaas ang halaga ng bitcoin dahil sa unti unti na itong tinatanggap sa iba't ibang panig ng mundo.

umasabay ang bitcoin sa teknolohiya. Mayroon ng bitcoin ATM machine at mayroon na rin niyan sa Pilipinas sa may Makati. Para magamit yan ay kailangan lang itapat sa sensor ng ATM ang QR code sa Smartphone at pagkatpos nun ay pwede nang magwí†hdráw o magdeposit. Mayroon na ring bitcoin debit card kung saan ay pwedeng magwí†hdráw sa ibat ibang Atm machine.

Katugtong nito: https://phcorner.net/threads/773754/

6trdjqr9DvsxUKrodk?format=match&mode=fit&width=640.jpg
 

Attachments

Last edited:
saglit lang doon sa nagsimula ng magbasa, refresh2x niyo lang madami akong idadagdag, i hope magkasya pa. haha
 
Ts marami nag sasabi ang bitcoin na ginagamit natin ay hinde na si bitcoin na nakilala natin kasi naging centralize na ang transactions. By centralize hawak na ni world bank, goverment of amurica ang hash ng bitcoin kaya taas baba ang value ng btc ayaw kaai nila na pumalo sa 100k $ ang isang bitcoin masisira daw ang economy face value ni amurica
 
Ts marami nag sasabi ang bitcoin na ginagamit natin ay hinde na si bitcoin na nakilala natin kasi naging centralize na ang transactions. By centralize hawak na ni world bank, goverment of amurica ang hash ng bitcoin kaya taas baba ang value ng btc ayaw kaai nila na pumalo sa 100k $ ang isang bitcoin masisira daw ang economy face value ni amurica
sa tingin ko hindi boss naka depende sa dami ng nagbebenta at bumibili ang price ng bitcoin at kahit kelan hindi pwede hawakan ng kahit na sino ang blockchain dahil nasa internet to kaya malabo maging centralised ang bitcoin, lahat ng transactions nasa blockchain na walang nag mamay ari or pwede mag may ari
 
Ts marami nag sasabi ang bitcoin na ginagamit natin ay hinde na si bitcoin na nakilala natin kasi naging centralize na ang transactions. By centralize hawak na ni world bank, goverment of amurica ang hash ng bitcoin kaya taas baba ang value ng btc ayaw kaai nila na pumalo sa 100k $ ang isang bitcoin masisira daw ang economy face value ni amurica
hmm.. depende pero ang alam ko lang ay chinses ang malakas mag mina ng bitcoins since noon pa man,
 
dapat ganito ginawa ko. sayang 0.004+ btc ko nilustay ko sa load
buti ako naalala ko yung 0.01 noon na worth 15k, pinambili ko ng laptop. haha :D pero sayang parin, kasi mid gaming lang to eh hehe
 
dapat ganito ginawa ko. sayang 0.004+ btc ko nilustay ko sa load
basta ang aral dyan, pag btc wag niyong lustawin, ipunin lang, kahit mababa ang value, saka wag niyong titingan kung nakakamagkano na kayo, tingan niyo lang kung ilan na hawak niyo btc, para hindi kayo mastress na ganito ganyan lang hawak ko, ganito lang ipon ko.
 
basta ang aral dyan, pag btc wag niyong lustawin, ipunin lang, kahit mababa ang value, saka wag niyong titingan kung nakakamagkano na kayo, tingan niyo lang kung ilan na hawak niyo btc, para hindi kayo mastress na ganito ganyan lang hawak ko, ganito lang ipon ko.
Nga pala paps me update mula sa Hiyp.. 😁
Scam na daw asi 3xbtc
 
Nga pala paps me update mula sa Hiyp.. 😁
Scam na daw asi 3xbtc
hindi ko pa masure paps, may deposit pa ko sa kanila sa 3rd account ko paps na btc, nsa 30hours ko pa bago mareceive
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top