What's new

Closed Suplado Story (Mr.Rant)

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
6 years ago

Matapang ka lang kapag nakaharap ka sa computer.

Normal sa atin ang mag-surf sa internet at pumunta sa site lalo na kapag nawili ka sa pinuntahan mong site, halimbawa forum site ang pinuntahan mo minsan hindi maiiwasan ang mapa-away lalo na sa isang member ng forum site kagaya ng naka-away ko na tumahimik din sa huli dahil hindi niya kinaya ang kalibre ko sa pagka-suplado, tawagin nalang natin siyang “Mr.Rant”.

Sa facebook ng x ko nakita ang totoong itsura ni Mr.Rant, andon yun nag-stalk ako sa profile niya nung time na naka-add pako sa kanya, hindi sa mapanglait akong tao ang masasabi ko sa itsura ni Mr. Rant “No Comment” ako.

Nag-umpisa ang pagsasabi niya ng hindi maganda sakin simula nung na-text ko ang x ko na girlfriend niya ng hindi sinasadya, isang araw bago dumating ang kaarawan ko ay maaga kaming nag-celebrate ng kaibigan ko, madaling araw na nun bigla kong tinignan ang cellphone ko para mag-text, nang ise-send ko na yung blank message hindi ko napansin na sa x ko pala nai-send yung text kong walang laman kaya medyo napaisip ako kung bakit sa kanya ko nai-send.

Oras nalang ang binibilang ko para salubungin ang mismong kaarawan ko, habang nakaharap ako sa computer pinuntahan ko yung forum site na madalas kong puntahan, nag-browse ako sa isang thread na ang nakalagay “What are you thinking” kaya nagpost ako ng kung ano-ano as thread para malibang kahit konti, sa hindi inaasahan may nakita akong post ni Mr.Rant na alam kong sakin ang patama na ang nakalagay,

“ Maawa ka naman sa sarili mo.... tsk!”


Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong may susunod pa siyang sasabihin kaya nag obserba lang ako at nag-aabang sa susunod niyang post, tama nga ang hinala ko dahil nagpost ulit siya ng panibago sa thread na ang nakalagay,

“Wag na kasi mag assume na babalik pa yung taong hindi na babalik...

kaya wag ka na maghintay or umasa.... na-pick up mo? ”

Hiniritan ko ng:

“Ang pikon ay laging talo; ang suplado ay panalo!


TSE! ”

Akala ko titigil na si Mr.Rant pero nagkamali ako, nagpost na naman ulit ng hindi maganda ang nakasulat,
“Immature? no wonder.... PATHETIC! ”

Akala ko huli na yung post niya pero humirit pa siya ng,

“ Try mo pa isang send ng text.... mapapahiya ka na... ”

Habang iniintindi ko ang post ni Mr.Rant napaisip ako bigla sa loob-loob ko “Hindi ko hahayaang ikaw ang sisira sa mismong araw ko kaya babawian kita, halos tapakan mo na pagkatao ko dahil sa mga post mo wala kang right para sabihan akong immature dahil hindi mo ko lubos na kilala, sa pinapakita mo halatang insecure ka sakin dahil mas lamang ako sayo ng sampung paligo”

Pagkatapos kong mapaisip biglang may pumasok na kalokohan sa utak ko, desidido akong i-post yung gusto ko iganti at ihirit sa kanya, kaya nagpost ako ng simple pero pamatay,

“Ignore the i***ts


ps:TSE!”


Pagkatapos ko magpost ng ganon sa thread hindi na siya nagpost muli kaya sa isip ko “akala mo magpapatalo ko sayo, in your dreams!”


Suplado Moral Lesson:

Huwag basta-basta mag-amok kapag nasa harap ng computer para hindi mapahiya.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top