What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Web Dev

saltyegg

Honorary Poster
Joined
Dec 7, 2018
Messages
520
Reaction score
82
Ano po bang Pattern na pwedeng pag-aralan bago maging ganap na Web Developer? Nahihirapan kase ako eh kung ano pag-aaralan ko dahil napakaraming lumalabas sa internet.
 
n3r0d0T

Leecher
Kung web designing, magstart ka sa html, then CSS after nun javascript naman. At photoshop/illustrator/indesign for Web design concepts.

At kung sa backend development naman, you may start on PHP/Python or Java kung trip mo. And dbms like MySQL, PostGreSQL.
 
marami na rin kaseng lumalabas na frameworks diba po? ano ano ba frameworks ang magandang pag aralan at yung popular talaga na ginagamit?
 
Eiji

Enthusiast
Advice lang po before ka mag jump sa frameworks aralin mo muna basics. Kung laravel or code igniter ka aralin mo muna php basics and oop para po di ka na mahirap an mag debug pag nagka problema sa framework. Hehe.
 
May alam na po ako na basics ng PHP paps pero po yung oop di ko pa po napag aaralan.
 
FinestWork

Grasshopper
Tips lang, ganiyan din ako dati.

Dipende 'yan kung gusto mo sa client-side mag front-end ka.
Kung gusto mo naman mag server-side mag back-end ka.
Kung gusto mo parehas mag full-stack ka, mas maganda kung mag front-end kana muna.

Ngayon kung natitipuhan mo maging website designer, walang masama don.

'Yun lang tanggapin mo na sa bawat pag a-aral mo ay malaki dapat ang i invest mo lalo na sa oras.

Tama 'yung iba learn the basics first bago ka tumalon sa mga bagay na mas magpapadali ng trabaho mo, sa ganong paraan malalaman mo din kung bakit may bad practices at good practices ang programming. Lastly, be aware sa mga latest technologies 'wag mong hahayaan na mai iwanan ka ng panahon lalo na sa industry natin, pumili ka ng language na alam mong magagamit mo, maaaring 'yung iba sikat ngayon pero sa future eh halos wala ng community. Marami kang options, imagination mo lang ang mag lilimita sa'yo. Goodluck kapatid.
 
Graduate ako paps ng College batch 2017 til now wala pa ring work. Hindi ko rin ma-enhance mga skills na pinag aralan ko sa school kase saktong nawalan kami ng internet(I mean naputulan at di na nagpakabit pa). Ngayon ang ginagawa ko na lang is pumupunta ng shop at nag ddl ng mga video tutorials pero di pa rin sapat kase di rin makapagfocus dahil andami kong nababasa na maraming mas magandang frameworks or kung ano ano pa.

Di ko rin alam kung pano ako mag sstart na gumawa ng portfolio ko kase ayun yung hanap ng ibang companies kapag nag aapply ako for Web Dev position. Kaya parang pinanghihinaan na ko ng loob, di ko na rin alam gagawin ko. Sana makabalik ulit ako sa panahong gutom na gutom ako mag-aral ng mga pinag-aaralan ko dati.

Maayos naman mga grades ko mapa-Major man o Minor Subjects pero mas importante yung Major. Kaya iniisip ko ano kayang kulang ko kung bakit di ako makapaghanap ng work. Ilang years na kong tambay sa bahay. :(
 
'Yun ang mahirap sa field naten eh pag limited ang resources, limited din ang knowledge pero sa case mo may nai isip ka pa rin na paraan at ituloy mo lang 'yan kapatid malayo ang mararating mo pag nagsumikap ka. Sa ngayon alamin mo muna kung ano gusto mo, saang part ba ng pagiging web developer gusto mong pumasok?

Habang lumilipas ang panahon may na de-develop na magagandang frameworks o 'di kaya mga latest versions nito, 'wag ka bumase sa popularity ng isang framework, it's a plus totoo 'yon pero dapat tignan mo din kung ano maitutulong nito sa website na gagawin mo. Lahat ng frameworks magaganda dipende nalang kung paano mo ito gagamitin, basta mag focus ka lang sa objectives mo.

Isa kasi sa tinitignan talaga sa portfolio ay 'yung experience mo bilang web-developer kasi binabayaran tayo ng company para mag trabaho hindi para mag experiment, kung wala ka pa mahanap try mo muna gumawa ng ilang personal projects na p'wede mo ipakita sa portfolio mo. Kaya mo 'yan ;)
 
Saka sir di ko rin po alam kase kung pano mag umpisa sa paggawa ng portfolio. Wala rin naman kase akong mailalagay sa ngayon dahil wala pa kong ipapakitang projects na sarili kong gawa eh. Pero di pa rin ako pinanghihinaan ng loob. At isa pa, 30 years old na rin ako at wala pang experience sa work. Dun rin ako natatakot sa bagay na yan. :(
 
'Di pa naman huli ang lahat, try lang ng try, ito na 'yung tinawag mong "hardship", siyempre mahihirapan at mahihirapan ka umangat. Hmmmmm, try mo mag hanap ng mga resources, i'm sure marami diyan ng mga tips kung paano mag start as a web developer. ☺
 
Unanswered Topics

Top