What's new

Closed Katotohanan (Essay)

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
512
Points
467
Marami sa atin ang laging nakatutok sa sariling social media account, oras man ng trabaho o hindi matanong kita ilang oras ka nakababad sa social media account mo? Pinakamatagal na ang dalawang oras pero ang karamihan parang ginawa ng office hours ang pagbabad sa social media na hindi ko alam kung ano ang napapala nila sa pagbabad ng ganon katagal.

Panay backread ng post o non-stop na pagshare ng video at kung anu-ano pa, kahit nga dalawang buwan ka hindi magbukas ng account sa social media ganon pa rin ang mapapansin mo lalo na sa friends mo, mostly 95% sa friend list mo puro toxic yung natitirang 5% sila yung focus sa goals nila sa realidad kaya dumidistansiya sila at bihira magbukas ng account sa social media. Magbukas man sila ng sariling account at makabasa ng alam nilang “toxic” post dalawa lang ang ginagawa nila, either unfollow or unfriend, last resort nila ang block lalo na kapag ang ginagawa eh out of topic o nonsense.

Hayaan mong magbigay ako ng sample na toxic sa social media na alam kong makaka relate ka talaga.
Here goes nothing.

Kamakailan lang may nabasa akong pinned post sa isang group page sa social media, paano ko nalaman? Kasi member din ako don pero bihira ako magpost dahil mas pipiliin kong hindi makihalubilo sa ibang tao dahil loner ako sa real life at ayoko ng toxic pero ang isa sa umagaw ng atensyon ko eh yung post, nalaman ko na namute ang isang member don dahil sa pambabara at pambabastos sa mga bagong member ng page, tingin kong rason kaya ganon ang attitude ng namute na member eh na toxic na siya sa mga post na paulit ulit which is totoo naman talaga pero para sakin dapat hindi na lang niya ginawa yun bagkus sana nireport na lang niya para iwas issue kaso ang masaklap pa eh parang ilang beses na siyang pinagbigyan nagkataon lang na natyempuhan na siya ng isang admin sa page base sa nabasa ko, maraming comment kasi hindi at big deal yun.

May isang comment don na talagang real talk, newbie o pioneer dapat matutong rumispeto kaso ang ginagawa ng karamihan puro pasaway, pabibo, malakas mambara at magyabang na tingin sa sarili eh “untouchable” kung ganyan ang inaasal niyo eh lumalabas lang na tumatanda kayong paurong.

May nabasa pa ko sa isang page na regarding sa music video which is napasama siya, dahil lang na feature sa music video feeling artista na siya at lumaki pa ulo. Sabi nga ng iba “Okay lang daw lumaki ang tyan, huwag lang ang ulo” kasi once na nangyari yun lahat ng kakilala mo lalayo sayo dahil nagbago ka at lately mo malalaman na nagkamali ka.

Matanong ko lang ganyan ba itinuro sa inyo ng magulang niyo kaya lumaki kayong in*t*l. Bumalik kayo sa pagaaral ng malaman niyo ang tamang asal hindi yung habang buhay kayo magiging ganyan baka yan pa maging mitsa ng buhay niyo, just a reminder walang ibig sabihin.

Kung nagiging basher ka na dahil sa ginagawa mo sa social media at ang motto mo sa sarili ay “More haters to come” just a reminder be careful of what you wish for or else you’ll be sorry tandaan lahat ng ginagawa ng tao sa kapwa niya bumabalik yun, mabuti man o masama.

May isa pa kong nabasang comment na talagang “off topic” sa totoo lang, tungkol to sa isang post na mga salawikain.
“Hindi naman ako MASAMA, Nagkataon lang na sa tuwing nagsasabi ako ng "TOTOO" eh tinatamaan ka!”

Ang comment ng isang member sa nasabing post.
“Lubos na masama”
“Uwian na daw dahil nahuli na ang pabibo”

Sinabihan lang siyang “Be careful of every word you spit”

Ang huling reply lang sa kanya “I am”

Totoo kayang naintindihan niya yung reply sa ginagawa niyang pabibo, tingin ko hindi kasi halata naman na gusto niya magsimula ng away tsk….tsk…tsk…nagpapaka keyboard gangster sa social media pero sa personal ganyan din kaya siya. “Douchebag” ang tawag sa mga ganyang tao, kung hindi mo alam ang sinabi ko gmt mo na lang, tamad ako magpaliwanag lalo na sa taong makitid ang utak at ayoko masayang oras ko.

Isa pang halimbawa na nabasa ko sa group page ay tungkol sa isang post ng isa ding newbie na pabida, ang content ng post niya tungkol sa isang kanta na sumikat dati na sabi ang lyrics ng kanta ay patungkol sa rape case pero matagal na nasagot yun ng banda na gumawa mismo ng kanta pero ilang beses na pinost yun at ilang beses na rin binura dahil sa iba’t ibang opinyon ng iba syempre nakakaumay naman talaga yun, masasabi ko na kaya napost ulit yun dahil hanggang ngayon hindi pa rin naka move on yung nagpost nun, uy pwede ka mag move on kung sino ka man, huwag kang bitter dyan.

Halimbawa lang lahat ng sinabi ko, sa totoo marami pang iba pero hindi ko na ikukwento lahat baka kasi antukin ka lang. lahat ng nilalaman ng nabasa mo walang ibig sabihin, opinyon lang lahat well kung tingin mo tinamaan ka at tumagos sa pagkatao mo hindi ko na problema yun, kung isa ka sa mga nabanggit ko imbes na magalit ka sakin kung ako sayo magbago ka na dahil kung itutuloy mo pa rin ang ugaling meron ka sa mga nabanggit ko lalo mo lang pinapaliit ang mundo mo. Tandaan hindi lahat ng tao natutuwa sayo, may ilan na natutuwa dahil pareho kayo ng ugali. Oo masama magkumpara aminin mo o hindi yun pa rin naman ang totoo dahil yun ang napapansin sayo. Simple lang naman ang sagot sa totoo lang, humingi ka ng sorry sa tao, huwag yung sorry lang dapat sincere at matututong magpakumbaba kahit malayo na narating mo syempre huwag mo kalimutang magpasalamat sa itaas.

Lahat ng nakasulat walang intensyon na saktan o yurakan ang pagkato ng isang tao bagkus ay maimulat sa totoong nangyayari sa mundo ng social media o sa totoong buhay na sana magising sa katotohanan.


:rolleyes:
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top