What's new

Closed Astéri Poem

Status
Not open for further replies.

lunatic

Army of the Galaxy 👨‍💼👽👌
Joined
Feb 14, 2017
Posts
10,326
Reaction
4,748
Points
2,734
"OBRA MAESTRA"

Ni: Astéri

Sa bawat kumpas ng mga daliri't mga tinta,
makabuluhang mahika ang mabubuo't makikita.
Sa bawat mensaheng mababasa'y mapupuna,
dahil ni minsa'y hindi pinangarap na maging isang makata.
Sa bawat pahinang may bahid ng mga letra,
nakasaad ang istoryang nagmula ang isang obra maestra.

Isa, dalawa, higit pa sa bilang ng mga butuin sa langit.
Tuwa sa bawat tuldok at kudlit na inuukit,
sa labi makikita'y ngiti ay nakaguhit.
Ngunit sa kabila ng mga akda,
na isinulat upang ang lahat ay makita.
Nagkatotoo ang sakit,
na sa mga papel ay naka-ukit.

Sumulat man ng maraming tula,
musika at nang mga istorya.
Asaha't tunay na hindi pa rin lubusang sasaya.
Dahil sisimulan pa lamang na iguhit,
mga tinta sa bawat pahina.
Panghuhusga pa rin ang maririnig, sa bibig ng mga madla.

Ngunit itago man, ang pagkatao sa pangalang ito,
hindi pa rin maikakaila ang totoong ako.
Hindi ko pinangarap na tingalain,
at makilala tulad ng mga sikat na maestro.
Dahil simula pa lamang, alam kong ako'y talo.
At hindi na makaabot pa hanggang sa dulo.

Husgahan man ng lahat, patuloy pa rin sa pagsusulat.
Umaasa na balang araw,
nawa'y mabasa at malingat.
Dahil sa bawat akda, na aking isinusulat.
Ikaw ang dahilan upang tuluyang makapagsulat,
Ng isang Obra Maestra na katulad mong Pinapanalangin at Pinapangarap.

#AstériPoet of Deepweb PH😊

CTTO
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top