What's new

Closed 3 A.M.

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
Disclaimer: Walang ibig sabihin, freedom of speech lang

Marami sa atin ang late na natutulog dahil sila’y puyat oh di naman kaya’y nasa trabaho nila, maraming tao ang hindi alam ang ibig sabihin ng 3 a.m. simple lang ang ibig sabihin kapag sinabing 3 a.m.

Maraming nakakaalam kung bakit ganon ang ibig sabihin nun pero meron ding hindi nakakaalam, ayoko magmarunong sa bagay na yun, ang sa akin lang gusto ko lang magkwento kahit saglit, sana pagkatapos niyo mabasa ang nilalaman nito ay huwag niyo kalimutang magdasal at ipanalangin niyo na hindi niyo maisip habang kayo’y nakahiga.

Last year ko lang nalaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng 3 a.m. nung panahon na yun wala talaga akong kaalam-alam dahil wala naman akong pakialam kahit nasa labas ako ng dis oras ng gabi, one time nung active ako sa cardio boxing at naging close ko yung isa sa mga trainer ko doon ko na nalaman talaga. one time nung tapos na ang boxing session ko gabi narin nun, mga alas otso na tinatamad pa kong umuwi dahil ramdam ko pa yung pagod at sakit ng katawan dahil sa walang tigil na kakasuntok sa punching bag at mitts isama mo pa yung torture na ginagawa sa katawan na pakiramdam ko’y parang disable na ko pagkatapos dahil sa sakit na nararamdaman sa katawan, naisipan ko munang tumambay at makipagkwentuhan sa trainer ko, habang nakikipagkulitan ako sa kanya may biglang siyang nabanggit sakin ng hindi ko inaasahan.

“pre napansin mo na iba yung pinapatugtog ko sa ibang tao dito kapag may ibang tao”
“ahmmmmmmmm….hindi eh saka kanya-kanya naman tayo ng trip pagdating sa music di ba?”

“oo pre pero alam mo naman kung ano madalas kong pakinggan di ba? Hindi ako masyadong mahilig sa mga kantang maingay , nakikinig man ako eh yung mild lang hindi yung maingay na eh hindi mo pa maintindihan ang lyrics”
“hehehe….ganon din naman ako kahit hindi ko maintindihan ynng lyrics basta maganda sa pagdinig ko yung bagsakan ng sounds eh pasok sa panlasa ko”

“Hindi kasi ko nakikinig ng mga ganong sounds dahil alam kong gawa ng illuminati”
“illuminati? Ano yun, bago sa pandinig ko ah”

“ isa silang malaking organization na ang goal nila is new world order”
“ah ganon ba? ahmmmmm…….tapos”

“kung napansin mo yung mga kanta na napapakinggan mo lalo na pag alam mong tungkol sa devil eh parang gusto mo pakinggan ng paulit-ulit dahil masaya ka”
“Hindi naman ako ganon, kapag alam kong pang demons yung kanta hindi ko na pinapakinggan ulit kasi alam kong masama ang meaning saka madali akong magsawa sa isang kanta”

“okay pre sabi mo eh”
“may documentary ba nun? Pa-kopya kung may file ka nun gusto ko panoorin para maintindihan ko lalo”
“sige pre, kailan mo ba kokopyahin?”

“dala na lang ako ng usb kapag nag-training ulit ako tapos panoorin ko sa bahay kapag wala akong magawa”
“sige sige pre ganon na lang okay?”

“sige hehehe…”
“marami kang malalaman sa documentary na ibibigay ko sayo, halos andon lahat kung sino talaga ang salarin sa pagkamatay ni michael jackson may meaning nga yung mga steps niya doon sa video ng black or white pero hindi niya pinahalata tapos sa video ng umbrella ni rihanna may makikita kang form na talagang kikilabutan ka, maraming nagi-isip na kalokohan lang yun pero kung observant ka at open minded eh maiintindihan mo talaga”

“hmmmmmmm….mukhang marami akong matutunan doon tingin ko, panonoorin ko lang yun kapag maliwanag pa kasi madami akong naiisip kapag gabi na”
“gustong-gusto ng devil yang ganyan, hangga’t nasa utak mo yung ganong bagay hindi ka makakatulog bigla, ganon kaya ko dati nung first time ko mapanood yung tungkol sa illuminati pero ngayon okay na ko kasi na-overcome ko na siya”

“ganon ba? hmmmmmmmmm……..ano pala title nung sinasabi mong documentary”
“music industry exposed”

“kanino galing yung documentary? download mo”
“Hindi pre, sa isang client din na madalas mag-training dito kilala mo siya, kasi isang beses nanghihingi ako sa kanya ng mga movies tapos pinahiram niya sakin yung external hard drive niya, na-curious ako nung nakita ko sa hard drive niya yung title nung documentary kaya sinave ko sa laptop para mapanood ko”


Itutuloy...
 
“ganon ba pre, hmmmmmmmmm…..teka ilang mb ba yung sinasabi mong documentary”
“di ko alam pre, by part kasi kaya hindi ko alam kung ilang mb lahat”

“ganon ba? okay lang pre basta ganon na lang kapag nag-training ulit ako alam mo na gagawin hehehe…”
“sige pre, akong bahala”

“uy pre una narin ako at medyo late narin ang oras”
“ganon ba? sige pre ingat ka”



One week later.

Bago ko pumunta sa gym ay lagi kong tinetext ang trainer ko kung papunta na ko o kung malapit na ko.

“pre training ako ngayon, on the way na”
“sige pre, antayin kita”

“pre andyan ba yung laptop mo nasa esmi mo pa”
“andito an pre, bakit kokopyahin mo na ba”

“oo sana eh, okay lang ba?”
“oo naman pre, malakas ka sakin eh”

“hehehe….ganon ba? sige kopyahin ko mamaya, thanks in advance pre”
“okay pre”

Habang tinatahak ko ang daan papuntang gym, Hindi ko masyadong maisip kung ano yung mga bagay na malalaman ko sa sinasabing documentary na kokopyahin ko para mapanood as bahay pagkatapos kong magpa-torture sa trainer ko, Gawain ko kasing maglakad imbis na mag-commute na lang para pagdating ko sa gym eh warm-up na ko.

Nang makarating ako sa gym, hinanap ko agad yung kakulitan kong trainer para i-save yung sinasabi niyang documentary dahil may dala akong usb. Nakita kong abala sa kakatingin ng files sa laptop yung trainer ko kaya nilapitan ko.

“pre, andyan pa yung sinasabi mong documentary”
“oo naman bakit may dala kang usb”

“oo pre, eto oh” (sabay abot sa kanya)
“okay pre, teka save ko muna yung ibibigay ko sayo bago tayo mag-training kasi baka may gumamit ng laptop”

“sige mabuti pa nga hehehe…”
“hehehe…..teka save ko muna, saglit lang to”

“okay take your time”


5 minutes later.

“oh pre eto na, na-save ko na sa usb”
“okay pre, salamat”

“papanoorin mo na ata mamaya eh”
“ahmmmmmmm….depende pre, malay mo topakin ako hehehe…”
“loko ka talaga, tara na nga para makapagumpisa na tayo sa torture”
“patay, torture pala akala ko mild lang ngayon hehehe….”

“akala mo lang yun no hahaha….”
“aw sigurado mukha na naman akong disable maglakad nito mamaya”

“Hindi yan, ikaw lang nagi-isip nun, tara na”
“okay okay eto na nga eh”

2 hours later.

“pre una na ko, ang sakit ng katawan ko dahil sa torture”
“sige pre, uy panoorin mo ha?”

“oo pre kaso baka bukas ko na panoorin habang nagpapahinga ako”
“sige pre hehehe…try mo panoori sa gabi kung malakas ang loob mo”

“nyak ayaw ko nga hahaha….sa umaga ko na lang panoorin”
“okay ikaw bahala”

“sige pre, text kita kapag napanood ko na”
“okay pre”

Kinabukasan habang nagpapahinga ako sa sakit na na-experince ko, habang nakabukas ang pc at walang tigil sa kaka-browse sa net bigla akong tinablan ng katamaran.

“hmmmmmmm…….aw wala ng magawa” (nag-isip ng konti)

10 minutes later.

“teka papanoorin ko na ba yung hiningi kong documentary?” (nag-isip ulit)

5 minutes later.

“arrrgggh…sige na nga tutal wala naman akong magawa”

Hinanap ko agad yung usb kung saan nakalagay, nung nakita ko ay sinasaksak ko agad sa pc para ma-scan kung may virus o wala, nung walang nakitang virus ay rekta save sa pc.

Nung na-save ko na sa pc ay dali-dali kong binuksan yung folder ng nasabing documentary, tama nga yung trainer ko by part yung documentary kasi maraming file kaya hinanap ko agad yung first part, hindi ko alam kung mae-excite ba ko o hindi basta ang alam ko marami akong matututunan sa nakuha kong file.

Bungad palang sakin ng title parang tumataas na balahibo ko.

“The Music Industry Exposed”

Introduction palang ng documentary eto na agad ang nakalagay.

“A large majority of the world’s population listen to music, but sadly, only a very small minority actually understand the true meaning of the lyrics and it’s effect on listeners..

Many of the mainstream song you hear in the music charts have very important meanings and significance. A lot of them contain either references to Satanism, ***, the occult and/or other spiritual meanings in the form lyrics, symbolism and other references which are usually ignored.

There has been a lot of discussion about what goes on behind the scenes in the music industry and why many celebrities end up with mental health/drug problems or simply dead.”

Introduction palang parang hindi pa ganon kalinaw sakin kaya tinuloy ko ang panonood, sa first part ng documentary medyo nakakainis kasi puro lyrics ng kanta ng mga sikat na artist, hinayaan ko lang saglit dahil alam kong matatapos din yung pinapakita sa documentary.


Itutuloy...
 
Pero pagkatapos ng ganong part ay may bumulaga sakin ng hindi ko inaasahan, naging malinaw sakin ang lahat kung bakit sa bawat video ng artist ay may parang nalalaglag galing sa taas o kaya eh parang umuulan ng pera, yun pala yung sinasabing rain man bakit ko nasabi? kung observant ka sa pinapakinggan mong kanta ay madalas mo marinig ang word na rain man minnsan pa nga title ng kanta, teka sa tingin mo sino may gawa ng pera di ba tao? Eh ano ang ginagawa ng tao sa pera di ba parang sinasamba nila ang pera, sino ang may gawa ng ganong gawain di ba devil din. Kung hindi mo ma-gets ang paliwanag ko eh uulitin ko ulit. “Rain Man is a Devil and Devil is consider as Satan” gets mo? Hindi kita tinatakot sa nababasa mo kagaya ng sinabi ko nung una gusto ko lang i-share ang mga bagay na matagal ko ng gustong sabihin sa iba kahit hindi ko ka-close ang sa akin lang hindi ako nagmamarunong.

Nang malaman ko ang ibig sabihin ng rain man ay naging malinaw sakin ang lahat pero hindi ako kuntento sa napanood ko dahil alam kong kulang pa yung napanood ko kaya’t tinuloy ko ang panonood. Sa pagpapatuloy ng aking pinapanood ay napa-ngiwi na lang ako dahil may nakita na naman ako.

“S**t pati si 2pac illuminati din, parang hindi ko ma-gets hmmmmmm…..”

2 minutes later.

“ayun na-gets ko na, may sinabi nga pala siyang word na killuminati pero consider as illuminati parin hindi lang niya pinahalata, teka parang hindi ko alam yun ah”
Hindi ko inaasahan na isa sa mga favorite artist ko ay member din pala ng illuminati, akala ko wala lang yung mga sinasabi niya. Nung hindi ko pa natatapos yung first part ng documentary ay bigla kong tinext yung trainer ko.

“s**t pati si 2pac illuminati pala”
“hahaha….sabi ko sayo eh marami kang malalaman sa palabas na yan”

“oo nga eh dati hindi ko alam ibig sabihin ng rain man pero nung napanood ko na naging malinaw na sakin”
“oo pre, devil talaga ibig sabihin ng rain man kaya ngayon dapat aware ka na sa pinapakinggan mo”

“oo naman pre, aware naman ako lagi eh”
“tapusin mo na agad yun ay kung kaya mo”

“hahaha….tinatamad pa ko tapusin agad, unti-untiin ko na-lang”
“okay balitaan mo ko sa napanood mo”

“sige sige hehehe….”
“rain man!”

“hahaha…..loko-loko”
“hehehe….sige manood ka muna”


Tinuloy ko ang panonood kahit nasa first part palang ako marami akong nalaman, dati hindi ko pinapansin kung ano yung mga symbol na nakikita ko sa isang music video kaya mas naiintindihan ko na kung ano talaga yung mga yun. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga yung mga nakita ko o nagkataon lang.

Mas tumayo ng todo ang balahibo ko nung makita ko yung video ni rihanna na kinukwento sakin ng trainer ko nung nagkausap kami, nung pag-pose palang niya sa video hindi ko agad na-gets pero nung pinaliwanag na sa pamamagitan ng description doon ko mas naintindihan, naka-post si rihanna na nakayuko ang ulo tapos nakataas ang dalawang kamay tapos napansin ko na may mga cuts siya sa muscle niya nung una wala lang sakin kaya nagduda na ko. bawat detalye andon sa dalawang kamay palang niya gets ko na dahil yun ang sumusimbolo ng sungay, pinanood ko parin habang tuloy-tuloy ang explaination. Napansin ko kung ano yung ibig sabihin ng mga cuts ng muscle niya sa likod niya walang iba kundi yung mukha ni Satan kaya hindi nawala ang pagtayo ng balahibo ko kaya daglian kong tinext agad yung trainer ko.

“pre, napanood ko na yung kinukwento mo tungkol sa video ni rihanna s**t tumayo balahibo ko, hanggang ngayon di ko makalimutan.
“hahaha….ano pre sabi ko sayo eh saka napansin mo ba yung pose niya? Perfect yung pagka-illuminati”

“oo pre s**t, andami palang member ng illuminati hindi lang sila 2pac at Rihanna”
“oo pre si Michael Jackson, Eminem, Jay-z at kung sino pang iba member ng organization”

“ganon ba? hmmmmm……..s**t ang dami pala nila hahaha….”
“oo pre, basta panoorin mo lang muna yan”

“sige sige, balitaan kita”
“okay pre”


Itutuloy...
 
Tinuloy ko ang panonood kahit papano nagkakaron na ko ng idea pero para sakin kulang pa yung nalalaman ko kaya’t pinagpatuloy ko parin ang panonood. sa fifth part ng documentary yun talaga ang kumuha ng atensyon ko, kung ano talaga ang ibig sabihin ng 3. a.m.

Devil’s Night is the time when devil’s and ghosts are thought to be at their most powerful. This hour is typically midnight, and the term may now be used to refer to midnight, or any late hour. The term “Witching Hour” and “Devil’s Night” can also refer to the period from midnight to 3 a.m. , while “Devil’s Hour” to the time around 3 a.m.

Napansin ko na yun pala ang dahilan kaya karamihan ng music artist eh madalas banggitin ang 3 a.m. dati wala akong pakialam kung bakit nila binabanggit yun pero nung malaman ko naging malinaw na sakin ang lahat pero pagkatapos nun may isa na naman akong malaman habang nanonood ako.

Some Christians believe that 3 a.m. is a way of devils to mock the holy trinity because it’s an inversion of 3 p.m. which is the time they believe when Jesus died and also because the clock hands look like an upside down cross.

It’s not that. Christianity was infiltrated by the illuminati a long time ago in order to corrupt the religion.

They have made Christians believe that wearing the cross of crucifixion symbol is the best way of showing their faith and devotion to Christianity. It has become more of a pop culture symbol of fashion.

Akala ko dati kaya nagsusuot ng cross necklace si Jay-z ay dahil Christian siya, pero nagkamali ako ng iniisip tungkol sa kanya. Front lang pala nila yung ganon dahil yun ang paraan nila para i-mock ang holy trinity.

Isang bagay ang naging questionable sakin nung una habang pinapanood ko yung documentary.

If your mother was beaten to death with a hammer, will you start wearing the symbol of a hammer to show the remembrance of your mother?

Tama nga yung napanood ko, akala ko dati sa tuwing lumalabas ako ng bahay at late na umuuwi tapos may nararamdaman akong kakaiba habang naglalakad ako, pakiramdam ko parang may sumusunod sakin o kaya’y parang may sumasalubong sakin na malamig na hangin o ano pa man yun pagkatapos tumatayo lahat ng balahibo ko.



Itutuloy...
 
Hindi lang tungkol sa 3 am ang nalaman ko sa napanood ko, nung una hindi ko napansin kung bakit tuwing 25 day ng buwan o 25 ang age ng mga artist na namamatay, nalaman ko sa documentary na may ginagawa silang numerology, medyo di ko gets nung una kasi nakakalito talaga pero naintindihan ko rin nung nagbigay ng example tungkol sa numerology kagaya na lang nung nangyari sa 911 ang total 11 lahat, nagbigay pa nga ng example yung gumawa ng documentary pero I’ll assure you na 11 lahat ng total.

Nalaman ko rin sa documentary na hindi lang first time na may threat sa buhay ni Micheal Jackson kundi pangalawa na pala yung napanood ko kaya hindi natuloy yung unang threat sa kanya ay parang may kakaiba na hindi ko alam kung bakit. Kapag alam nilang may titiwalag sa organization ay pinapatay nila una sisirain ang image nila, maglalabas ng balita na patungkol sa kanila etc…, yung pagkamatay ni Michael Jackson napansin kong planado yun dahil ginamit ng organization yung doctor na sangkot sa kaso ng pagkamatay niya, sa YøùTùbé ko lang nalaman na member din pala ng organization yung doctor na sangkot sa pagkawala niya. Maraming umalis sa organization yung iba swerte dahil nabuhay yung iba minalas pero ayoko ng banggitin ang iba dahil baka maging spoiler ako.

Marami pang documentary na nasa YøùTùbé tungkol sa organization na nabanggit ko, Hindi lang yung nakwento ko.

Kung mapanood niyo ang mga nasabi ko tungkol sa nababasa mo ay maging open minded, kagaya ng sinabi ko ay hindi ako nagmamarunong gusto ko lang i-share yung napanood ko, kung may may mali sa sinabi ko wala akong magagawa tatanggapin ko ng buo ang opinyon mo.

Salamat sa oras mo kung nababasa mo ang nilalaman nito


-Wakas
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top