What's new

Closed Paano naging suplado si 10 (Short Story)

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
Maraming dahilan kung paano maging suplado, kanya-kanyang trip ika nga, marami sa atin na literal na mag-suplado lalo na pag lalake o sabihin na natin pati babae ay may karapatang mag-suplada pero minsan ang ganong bagay ay kailangang bagayan. Ako may sarili din akong dahilan kung bakit ako naging suplado.

Wayback 2011 nung active pa ko sa skateboarding scene, halos araw-araw akong naglalaro. Pagkatapos maglaro sigurado gutom ka kaya kailangan mo talaga kumain dahil ubos ang lakas mo sa maghapon, nung time na yun di pa talaga ko suplado kasi lahat kinakausap ko lalo na pag girls pero yung mga kilala kong girls lang ang nakakausap ko.

August ang month nung may nakilala akong babae na first time ko makita at alam kong bagong salita palang sa lugar, her name is Arlene pero bago ko malaman ang pangalan niya ay nagsimula yun sa isang.magandang conversation, nung one time sarado yung madalas naming binibilan ng fishball para kumain kaya no choice kundi maghanap ng iba, sakto may pwesto sila sa labas ng bahay nila, una palang alam kong fishball at kikiam ang tinitinda nila dahil may sarili silang pwesto na kung saan doon siya nagluluto, gutom na kami nung panahon na kaya naisip namin talo-talo na, bahala na kung hindi másáráp ang luto niya basta magkaron lang ng laman ang tyan kaya ayun lumapit kami sa pwesto niya at bumili.

Unang sulyap ko palang sa kanya ay di ko napansin kung ano itsura niya dahil di ko masyadong maaninag ang itsura niya kahit may ilaw, doon ko lang naaninag ng husto nung mismong andon ako sa harap ng pwesto ng nilulutuan niya, sa isip-isip ko wow sê×ÿ!

Hindi nagaksaya ng panahon kaya sinabi ko agad ang pakay, ang bumili ng niluluto niya maya-maya’y sinalang na sa maliit na kawali ang fishball para iluto, habang naghihintay ay di ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil talagang sê×ÿ eh ika nga wow ulam!

Kaya ang madalas kong gawin pasulyap-sulyap lang ika nga eh “ninja moves” na tinatawag, kapag alam kong hindi siya nakatingin doon ako napapatitig, kapag alam kong mapapatingin na siya doon ako naiwas ng tingin kasi kapag nahuli sigurado buking talaga ako at baka isipin pa niya manyak ako.

Nang naluto na yung binili ko ay saka ko kinain dahil talagang gutom na talaga ko, kahit mainit pa hindi ko na hinayaang lumamig, kahit mapaso pa dila ko okay lang kumbaga talo-talo na makakain lang.

Pagkatapos ng food trip ay hinintay ko pa yung ibang kasama ko dahil kakaumpisa palang nila kumain kaya nagmuni-muni muna ko habang naghihintay sa kanila, kahit tapos na ko kumain ay panay parin ang sulya ko sa kanya buti na lang hindi ako nahahalata dahil talagang nag-iingat ako.

Nang matapos ng kumain ang mga kasama ko ay saka lang kami naghiwa-hiwalay at umuwi na, yun ang unang tagpo namin ni Arlene.

Sumunod na araw pagkatapos ng skate session namin ay doon ulit kami bumili kahit bukas yung madalas naming bilan ng fishball para maiba naman dahil minsan ay nakakasawa narin bumili kaya sa iba kami bumili pansamantala at para narin makasulyap ulit kay Arlene.

Kung ano yung binili ko nung unang beses ay ganon parin dahil kung ano ang mura yun ang bibilin ko kagaya ulit ng dati kapag tapos na ko kumain balik ulit sa ginagawa, walang iba kundi ang magmuni-muni at sumulyap ulit kay Arlene. Kapag wala ng gagawin diretso uwi na agad. Halos araw-araw ganon ang ginagawa ko at ng mga kasama ko.

Fast Forward ko ng konti.

Lumipas ang mahigit isang linggo, nagkaron ng konting problema dahil nalaman kong hinahanap daw ako ng tita niya dahil sa ginawa kong hindi maganda sa pamangkin niya according sa mga kaibigan ko, natakot ako dahil wala naman akong ginagawang masama as in talagang hindi ko mailakad ang mga paa ko dahil sa sobrang takot, sinabi pa sakin ng mga kaibigan ko na ipapa barangay daw ako kaya lalo akong natakot, kulang na lang ay maihi ako sa pantalon, pero may isang kaibigan ko na nagsabi na lahat ng yun ay hindi pala totoo kaya nakahinga ako ng maluwag, nung nalaman ko ang totoo bigla akong inaya ng mga kasama ko na doon kami pumunta sa pwesto nila Arlene para bumili at kumain ng fishball, medyo awkward ng konti dahil parang naiilang ako sa nangyari pero pilit kong huwag ipahalata, kapag binibiro ako ng mga kasama ko sumasabay lang ako pero sadyang mahiyain talaga ko. habang hinihintay kong maluto yung binili ko sakto biglang nagsalit yung isang kasama ko at pinakilala ako kay Arlene, hello lang ang nasabi ko dahil talagang nahihiya ako kahit ngumiti siya nung pinakilala ako ng kaibigan ko.

Dumating ang sumunod na araw halos ganon ang madalas naming routine pagkatapos ng skate session namin don agad ang punta na halos inabot ng dalawa o higit pa, nagulat ako one time na may biglang may nagtext sakin na unknown number kaya nareplayan ko ng “who you” after nun saka siya nagpakilala kung sino siya, as usual si Arlene pala pero ang pinagtataka ko eh paano niya nalaman number ko, sa huli sinabi din niya ang totoo, binigay pala ng isang kaibigan ko kaya ayun tinext ako.

Pagkatapos ng tagpong yun madalas ko na siya ka-text, minsan naisipan niya kong tawagan sa landline kaya hiningi niya yung number sa bahay, after nun magkausap na kami, kung ano-ano pinaguusapan naming dalawa syempre di mawawala sa isang usapan ang buhay love life ika nga, single ako that time kaya okay lang na maghanap ng iba and I think siya na ata yung hinahanap kong right girl for me pero hindi ako nagmadali para sabihin ang nararamdaman ko sa kanya kaya kinilala ko pa siya ng husto.

Akala ko alam ko ang lahat tungkol sa kanya pero isang bagay ang bumulaga sakin, akala ko gusto niya talaga ko pero gusto bilang friends kaya medyo sumama ang loob ko, nagulat na lang ako na biglang kumalat ang balita sa mga kaibigan ko, hindi ko na inisip kung sino nagsabi tingin ko eh siya mismo ang nagkalat pero that time wala na kong pakielam sa gusto niyang gawin, after nun hindi ko na siya tinetext o nakakausap sa landline, sa tuwing nagpupunta kami sa pwesto nila para bumili ng fishball wala tahimik lang ako, magsasalita lang ako pag kinakausap niya ko, laging blanko utak ko halos araw-araw ata.

Nung medyo parang lumalala ang issue, pakiramdam ko parang ako yung pinaglalaruan dahil halos lahat ng kaibigan ko alam nila na may gusto ako kay Arlene kaya madalas tuksuhin ako pero di ko na lang pinapansin, one time sinabi ng isang kaibigan ko sa kanya na liligawan ko siya pero isang bagay ang sinagot niya “yuck! Di ko siya type” nalaman ko lang yung tungkol don dahil sinabi mismo sakin ng kaibigan ko na nagsabi ng ganon sa kanya, akala ko kaya ayaw sakin ni Arlene ay di niya talaga ko gusto, nalaman ko na lang na nilaglag ako ng kaibigan ko na mismong nagsabi na liligawan ko siya, after ko malaman na ganon nagalit ako ng husto hindi ko pinahalata sa kaibigan ko na sa kanya ko galit, naayos lang yung issue nung time na nakainom kami pareho at humingi ng sorry sakin, sinabi ko lang “huwag mo na ulitin, okay na yun” kaya balik sa dating trip, ganon ulit pero sa tuwing napaguusapan si Arlene ang madalas ko lang sabihin “ah okay”

One time nakita ko yung isang kaibigan ko nagpost na may hawak na libro, nung una di ko alam kung ano yun, nalaman ko na lang na suplado tips pala yun kaya may bigla akong naisip gawin, “gusto ko mabasa ang laman ng libro, mukhang malaki maitutulong sakin nun”.

Bigla kong naisipan na pumunta sa mall para maghanap ng nasabing libro, pagdating palang sa national bookstore hinanap ko agad at presto! Nakita ko kaya di nag-atubiling kunin at dumiretso sa cashier para bayaran, nang nabarayan ko na ay dali-dali akong lumabas ng mall at umuwi.

Pagkadating palang sa bahay, dali-dali kong binuksan at gusto makita kung ano laman ng libro, introduction palang natatawa na ko dahil kakaiba talaga ang content, inisa-isa ko ang mga nakalagay at inintindi ang bawat suplado tips, sa isip-isip ko “tutal wala ka namang gusto sakin at parang pinaasa mo lang ako sayo ko na lang gagamitin lahat ng natutunan ko sa libro ng pagsusuplado”. Naisip ko nun sigurado may magbabago talaga sakin pero okay lang, handa ako sa magiging kapalit ika nga yun ang “sweet revenge” ko sa kanya.

Ilang beses ko rin binasa yung libro para pag-aralan ang art of supladoness naisip ko na effective nga, one time nung nagtext siya ng quotes nagreply ako “who’s this please” nagreply agad siya “si Arlene to” nagreply agad ako simple pero suplado “okay, tse!”

Pagkatapos ay nagreply ulit siya “suplado!” maya-maya nagreply ulit ako which is huling text ko dahil alam kong masasayang lang oras ko sa kanya “tse!” pagkatapos nun hindi na siya nagtext ulit dahil malamang naisip niya na wala siyang mapapala sakin dahil nga naging suplado na talaga ko ng tuluyan, after ko gawin yun sa isip-isip ko “you deserve it”

Sa tuwing nagtatagpo ang landas namin halimbawa na lang pag dumadaan siya sa isang lugar na tinatambayan namin syempre makikipagusap muna siya samin, kapag ako ang kinakausap niya isa lang ang sinasagot ko sa kanya “tse!” after nun babawi agad yun “suplado talaga” ang sinasagot ko lang “eh ganyan talaga, tse!” pagkatapos ng ganong tagpo hindi na niya ko kinakausap, minsan na lang pero madalas ko siyang supladuhan kasi ayoko na siya kausapin, sa personal o sa text isa lang ang sinasagot ko sa kanya.

Isang malaking TSE!

-end



:rolleyes:
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top