What's new

Closed Graduation

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
512
Points
467
3 years ago na to 😇

másáráp pakinggan kapag alam mong kasama ka sa magtatapos ngunit mas nakakalungkot kapag hindi ka kasama sa magtatapos, sa isang dahilan na alam kong simple lang, dahil nagloko ka, naging pasaway, nag-sinungaling sa magulang mo na ika’y pumapasok ngunit ang totoo hindi, ang nangyari walang togang naka-display sa pagkatao mo.


Nung una kang pumasok sa school, hindi mo alam na may graduation dahil konti palang ang nalalaman mo simula nung pumasok ka sa school na pinapasukan mo, akala mo nung nandon ka na maglalaro ka lang pero iba ang nakita ng dalawang mata mo, pero bago ka pumasok sa school magulang mo ang unang teacher mo, bakit ko nasabi.

Nung natuto kang humawak ng lapis, crayons at kung ano pa na pwede makagawa ng isang linya hinahayaan ka lang nila dahil alam nila na kaya mo, kapag na-addict ka sa iyong ginagawa di ba gusto mo na siya laging gawin lalo na kapag nakakakita ka ng papel na blanko, nung nakita ng magulang mo na marunong ka na di ba sila ang nagturo sayo ng tamang paghawak ng lapis, crayons at iba pa.

Nung natuto ka na di ba mas lalo kang na-addict gawin yun tama ba? Kahit saan nagsusulat ka ng linya kaya minsan nagagalit ang magulang mo dahil pati pader ng bahay niyo sinusulatan mo, nung first time mo makakita ng coloring book di ba naisip mo na gusto mong kulayan lahat ng naka-drawing? Kahit hindi mo alam ang tamang kulay ng bagay na gusto mo kulayan pero wala kang pakielam dahil alam mo sa sarili mo na nag-eenjoy ka tama ba?

Sila rin ang nagturo kung paano mo isulat ang pangalan mo sa isang piraso ng papel, nung una first name mo lang ang kaya mo isulat pero habang tumatagal alam mo na buong pangalan mo dahil tinatandaan mo o kaya naman ay sinasabi sayo kung ano ang mali mo.

Halos dalawa o tatlong taon ka sinanay ng magulang mo para matuto ng basic kahit hindi mo sila kasama alam mo ang gagawin mo tama ba?

Nung nagsimula ka ng mag-aral at may pinapagawa sa inyo ang teacher mo na kahit ayaw mo sundin sumusunod ka pa rin dahil yun ang utos nila, wala kang idea sa bagay na pinapagawa sayo pero kapag nagtanong ka sa magulang mo kung ano o para saan ang ginagawa niyo sa school isa lang ang kanilang sagot, “hinahasa ang iyong kakayahan sa isang bagay” dahil alam nila na magagamit mo yung talent na meron ka.

Habang tumatagal parang nagugustuhan mo na, nung medyo nagkaka-isip ka na at naiintindihan mo na minsan tinatamad ka tama ba?

Kahit alam mong yun ang madalas mong routine sa school alam mo kung kailan ka titigil, may classmate kang tamad gumawa, may classmate ka din na masipag kaya sila ang madalas unang natatapos.

Ang buhay istudyante kung iisipin minsan masaya, minsan naman hindi. Masaya dahil nagkakaron ka ng tunay na kaibigan, nagkakaron ka ng sandalan sa oras na kailangan mo ng kausap kapag ika’y malungkot, minsan nama’y nawawala ka sa landas na tinatahak mo dahil akala mo nung una tamang tao ang nakakasama mo araw-araw, sa huli ka lang mapapaisip na mali na pala ang ginagawa mo.

Sa huli mas gugustuhin mo nang umiwas para hindi ka mapariwara ng tuluyan.

Andyan yung tuksuhan dahil nalaman ng ibang classmate mo kung sino ang crush mo, nung sinubukan mong manligaw sa crush mo hindi ka pinalad dahil priority niya ang makatapos,hindi ka nakapasa sa exam dahil hindi ka nag-aral, kapag nalaman ng magulang mo ang resulta ng exam mo todo sermon sila para magtino ka at huwag nang maulit muli ang nangyari. Sa buhay ng istudyante normal ang mabigo, bakit ko nasabi? Sa bawat pagkabigo may natututunan ka at bumabangon muli para hindi na magkamali sa bagay na gusto mo subukan.

Ilang beses ba dumadating sa buhay ng tao ang Graduation? Isa, dalawa o tatlo, minsan pa nga apat na beses, parte sa Pagtatapos ang mabigo, ang magtagumpay at higit sa lahat makuha ang minimithi para sa iyong kinabukasan.

Lahat ng aking binanggit parte ng Graduation o Pagtatapos, bago ka umakyat sa stage isang bagay ang masasabi mo sa iyong sarili “Sa wakas Graduate na ko, sa wakas natapos din ang paghihirap ko”
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top