What's new

Closed Kwentong Forum

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
Disclaimer: Totoong nangyari sa nagsulat :rolleyes:

Isang araw nagkita ang dalawang magkaibigan na Paul at Aga, sa tagal nilang di nagkita ay may napagusapan sila na halos pareho sila ng ginagawa kapag may free time silang dalawa.

“pre madalas ka ba pumsok sa forum site?”
“oo naman, bakit mo natanong?”

“wala naman pre, ako rin kasi madalas ako online sa bahay pero syempre hindi ko maiwasang hindi pumasok sa forum site”
“ah ganon ba? pareho lang pala tayo ng trip hehehe…”

“oo nga eh akala ko hindi ka mahilig sa ganon”
“akala mo lang yun no, halos araw-araw ako napasok sa isang forum site para tignan yung mga naka-post don”

“ah ganon ba? ako rin hehehe….teka ano ba yung madalas mong tignan sa forum”
“iba-iba eh kapag gusto ko mag-download ng movies lalo na pag trip ko talaga panoorin eh sa media zone, kung gusto ko magbasa ng poem, short story at kung ano-ano pa eh sa arts and literature ako, promise marami kang mababasa don at maraming magagaling na writer don”

“whoa talaga? eh di ba mahirap maging writer kasi uso ang plagiarism”
“kahit saan naman uso yun eh saka tingin ko may iba’t-ibang paraan ang mga nagpopost don para hindi mapirata yung mga ginawa nila”

“sabagay kung may pirata eh meron din namang hater tama ba?”
“oo tama ka saka normal lang yung may hater ang isang tao”

“weh bakit mo nasabi?”
“simple lang, kaya may hater ang tao kasi hindi nila matanggap yung talent na meron ka o kaya gusto nilang maging kagaya mo”

“ah kaya pala madami akong nababasang negative comment sa mga post sa arts and literature”
“normal yun pre, sabihin na nating attention seeker yung nag-comment in short gusto sumikat parang ganon”

“oo nga eh napansin ko rin yun kumbaga naghahanap ng butas sa isang tao, kapag walang nakita eh patuloy parin siya sa ginagawa nila”
“eh ganon talaga sa mundo ng internet ika nga you can’t please everyone”

“exactly bro, may nabasa nga kong isang poem dati na ang title eh unsaid feelings”
“oh talaga? teka sino yung author nun”

“as pagkakatanda ko eh dahilan yung last name ng username niya tapos yung first eh tingin ko number, sorry bro hindi ko masabi ng buo”
“okay lang, wala namang problema sakin yun, teka parang familiar yung title nung poem sakin bro”
“ay talaga, bakit mo naman nasabing familiar sayo”
“kasi one time nung napadpad ako sa ibang forum site eh may nakita akong nagpost ng poem na yun na pareho din ng title”
“whoa hindi nga, sigurado ka ba sa sinasabi mo?”

“oo bro kahit tignan natin sa bahay niyo ngayon eh teka may net ka ba ngayon”
“oo naman pre, kailangan eh sigurado ka na andon pa yun”

“oo bro tingin ko di pa nabubura yun panigurado”
“tara check natin sa bahay para malaman ko ang totoo”

30 minutes later.

“pambihira, tama ka pre nai-post nga sa ibang site andito pa oh” (sabay turo)
“see sabi ko sayo eh teka check mo yung ibang comment ayun oh may comment yung original author” (sabay turo)

“oo nga ano, nabuking na nung original author pero ayaw pang umamin eh teka medyo mainit pa ang ibang comment check natin”
“sige ahmmmmmmm….ayun meron pang isa” (sabay turo)

“ayun nag-comment pala yung namirata ang sabi sa forum site niya nakuha pero ayaw paring umamin, nagmamatigas pa”
“oo nga eh ayun sinagot na ulit nung totoong gumawa”

oo alam ko kung saang forum site mo nakuha, okay lang sana kung kinuha mo tapos nagbigay ka ng credits sakin kaso ano ginawa mo hindi eh.

“yan ang nakalagay sa comment nung totoong gumawa gigil na siya pansin ko”
“kahit sino naman mang-gigigil kasi maling-mali yung ginawa nung namirata kahit ako nasa katayuan nung author tapos ganon ang gagawin sakin eh maiinis talaga ko, hangga’t may mapipiga ako sa kanya hindi ko talaga titigilan o sabihin na natin na hangga’t di siya umaamin sa kasalanang ginawa niya eh hindi ko siya tatantanan”

“may point ka sa sinabi mo pre, kahit ako ganon din ang gagawin ko teka ayun oh may nag-comment na nakalimutan lang magbigay ng credits sa totoong gumawa” (sabay turo)

“ oo nga no saka lang nagbigay ng credits nung wala na siyang lusot pero foul parin yung ginawa niya, teka may sinabi ulit yung author” (sabay turo)

Abswelto sana siya kung nagbigay siya ng credits sakin ng maaga kaso nagmatigas pa siya eh, binabantayan ko kilos nyan.

“halatang gigil parin yung author pre, napansin mo?”
“oo naman teka check mo kung may pinost na bago yung original author”

1 hour later.

“aw wala akong makitang new post niya hmmmm…….check na lang natin after two days”
“okay ikaw bahala bro, pinakita ko lang naman sayo yung nangyari sa totoong gumawa ng obra na napirata”



-May karugtong
 
giphy.gif
 

Attachments

After two days.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ulit silang dalawa.

“uy bro, may ginagawa ka ba?”
“wala naman pre, bakit mo natanong”

“di ba sabi mo last time eh check natin kung may bagong post na after two days”
“ay oo nga pala hahaha….sorry”

“tara punta tayo sa inyo, baka may new post na”
“sige tara”

30 minutes later.

“ayun bro may bagong pinost yung original na author, check natin”
“sige pre”

“grabe galit na galit talaga yung author sa ginawa niya at binanggit pa niya talaga yung name nung namirata sa ginawa niya”
“tingin ko tama lang yung ginawa niya ikaw ba naman eh nakawan ng isang obra ng walang permiso tapos kapag nabuking na saka lang magbibigay ng credits, unfair naman kapag ganon, teka basahin natin yung post”

“hehehe….sige bro”

2 minutes later.

“ayun pre, nag-comment na yung pirata” (sabay turo”
“oo nga bro, basahin natin”

salamat sa pag tira mo sa akin, pero nakita ko lang yan sa fb! . . . but again I'm sorry for what I've done . . .

“bro, napansin mo ba na parang biglang bumait yung namirata”
“oo nga pre pero tingin ko tactics lang niya yan, teka may iba pang mga comment oh”
“oo nga no bro hehehe…basahin nga natin”

“sige pre”

yan kasi maglagay din ng credits to the original writer para di magalit yung may akda ng pinopost natin-..epal lungs pero sana may matutunan tayo saa pangyayaring eto.bow

“bro napansin mo imbis na kampihan yung namirata eh pinagsabihan pa siya”
“oo nga eh, peo pre napansin ko nakuha agad nung nag-comment yung side nung original na author”

“oo bro pero intense ang ginawa nung author”
“oo nga pre, at least alam nung namirata na hindi na siya pwede umulit dahil aware na siya sa mangyayari sa kanya, in short magigisa na naman siya siguro pre kung maaga niyang inamin yung pagkakamali niya eh abswelto talaga siya sa ginawa niya kaso nagmatigas pa siya nung una eh kaya ang napala niya eh ginawan tuloy siya ng obra na para talaga sa kanya ang nilalaman saka napansin ko na parang ginawan na siya ng death threat nung author dahil sa ginawa niya”

“hehehe….napansin mo din pala yun bro hahaha….oo nga eh parang ganon ang dating pero hindi naman sa totoo lang kasi dala ng galit kaya ganon ang content nung ginawa nung author, ayun nag-comment na yung author” (sabay turo)

labo mo pre, yung unang sinabi mo sa ibang site mo nakuha tapos ngayon sasabihin mo sa fb. palusot.com.

huli na nga nagagawa pang lumusot sigh.

“teka bro, meron pang isa oh naka-quote doon sa isang nag-comment”

alam niyang mali yung ginawa niya pero tinuloy parin niya kaya nainis ako lalo, late siya nagbigay ng credits sakin nung napatunayan kong ako yung totoong gumawa ng pinost niya dito, hindi niya naisip kung gaano kahirap gumawa ng isang obra tapos kukunin lang ng walang paalam, matatanggap ko pa kung pinost niya dito at nagbigay siya ng credits pero hindi eh saka niya lang ginawa.


ps: binabantayan ko kilos nyan.

“wala na pre, wala ng kawala yung salarin”
“oo nga bro, lesson na sa kanya yung ginawa niyang pamimirata”

“hope na hindi na masundan ulit pero malabo mangyari yun pre, kasi sa mundo ng internet maraming namimirata mapa-poem, short stories kahit ãdül† pa nga eh pinipirata na“
“oo bro kailangan lang talaga eh ma-monitor ng author kung may namimirata o wala pero mukhang mahirap din yung ganon eh”

“bakit mo naman nasabing mahirap pre”
“kasi bro, parang tatamarin ka magmonitor sa net ika nga magsasawa ka, napansin ko sa ibang author eh hinahayaan na lang nila mapirata yung ginawa nila”

“nyak bakit naman nila hinahayaan pre”
“ayon sa isang nabasa kong usapan sa isang fan page, okay lang na mapirata at angkinin pero hinding-hindi nila basta-basta makukuha ang talento na meron ang isang manunulat, makilala man ang isang namirata dahil sa ginawa niya pero kapag nabuking na siya eh samu’t saring batikos ang matatanggap niya ika nga eh walang lihim na hindi nabubunyag”

“hehehe….tama pre, kung ako sa mga balak mamirata magisip-isip muna sila bago nila gawin kasi sigurado mabubuking din sila sa huli”
“hay…….at least tapos na pero tingin ko may isa na namang gagawa ng ganyan o kaya naman ay magsasabi ng hindi maganda, tingin ko lang naman”

“eh ganon naman talaga pre, hindi doon basta-basta natatapos, check na lang natin after one week kung may panibagong issue pre”
“mabuti pa nga bro, tara labas muna tayo sumakit ang mata ko sa mga nabasa natin eh”

“sige pre, mabuti pa nga”



Tapos na kaya to? :rolleyes:
 
After one week.

“bro, wala ka bang gagawin ngayon?”
“wala naman pre, bakit?”

“one week na kaya ang lumipas hehehe….”
“ay oo nga pala hahaha….sorry nakalimutan ko”

“punta tayo sa inyo bro kung hindi ka busy”
“tara pre”


10 minutes after.

“hmmmmmmmmm…….bro parang may bumabatikos na naman doon sa author na sinubaybayan natin”
“ay talaga pre, bakit ano ba sinabi sa kanya nung nagbigay ng komento”

“eto bro oh” (sabay turo)


Simple but still it didn’t impress me

“foul yung sinabi pre, sino ba yang nagsabi ng ganyan?”
“teka bro check natin”

2 minutes after.

“ayun bro nakita ko na”
“talaga pre, basahin natin kung sino nagsabi”

“ahmmmmmmmmm……..bro xxx yung umpisa ng username niya”
“ah talaga? teka sino ba yang taong yan at ganon na lang ang sinabi niya sa sinubaybayan nating author”

“bro hindi ko rin alam eh check natin kung anong poem yung binigyan ng ganong comment”
“mabuti pa nga pre”

5 minutes later.

“ayun bro nakita ko na, endless feelings ang title nung poem”
“talaga pre, teka basahin natin yung ginawa nung original author”

1 minute later.

“pre, anong simple don sa ginawa ng author eh gusto lang naman niya i-express yung nararamdaman niya sa gawa niya”
“ewan ko nga ba bro oh sadyang insecure lang ata yung nagsabi ng ganon sa author kasi tignan mo kung hindi siya insecure sa gumawa nun hindi na siya magaaksaya ng panahon para lang mag-comment ng hindi maganda kaso parang hinahamon pa ata niya yung gumawa kaya ganon na lang ang binigay niyang comment”

“saka pre, yung author to express ang ginawa niya, hindi pa-impress kita naman di ba?
“oo bro, naiintindihan ko yung ginawa niya actually, hindi pa-impress yung ginawa niya kasi mapapansin mong intense yung content kaso negative ang concept na ginawa niya”

“tingin ko pre kaya ganon ang mga concept ng ginawa eh para mabawasan yung sakit na nararamdaman niya sa sarili niya”
“sabagay bro may point ka, tingin ko halos lahat ng writer may mga negative concept kumbaga kanya-kanyang style ng pagsusulat”

“teka bro check ulit natin sa ibang site baka may ginawa ng hakbang yung author”
“sige pre, ikaw bahala”

10 minutes after.

“ayun bro may pinost yung author oh” (sabay turo)
“whoa! pre intense yung ginawa niya para doon sa bumastos ng obra niya”

“oo bro, title palang parang iba ibig sabihin eh”
“poetic response ba naman ang nakalagay pre, title palang parang iba na agad ang naiisip kong laman ng obra”

“bro pareho tayo ng iniisip hehehe…”
“hahaha….oo nga pre”

“pero bro napansin ko sa buong content ng poem talagang sinabi niya lahat ng gusto niyang sabihin sa nambastos ng ginawa niya, wala siyang pakialam kung masaktan o magwala yung nagbigay ng ganong comment sa kanya”
“oo nga pre, kasi napansin ko sa author ang gusto lang niya i-express yung sarili niya sa pamamagitan ng pagsusulat, okay lang sana kung hindi na nag-comment ng ganon yung nakabasa kasi sa ginawa niya parang naghahanap siya ng away”

“in short attention seeker bro”
“exactly pre”

“maraming ganyan sa mundo bro, kahit saan may mga taong ganyan kahit in real life pa”
“oo nga eh sabagay kahit anong gawin mo pre wala tayong magagawa ika nga you can’t please everyone”

“speaking of attention seeker pre, may nabasa akong ibang comment tungkol sa xxx na yan at talagang ugali na talaga niya yung ganon sa totoo lang kaya nga hindi na lang ako nagpo-post minsan kapag andon siya sa thread kasi baka pati ako awayin”
“ganon ba bro? hmmmmmmmm…….kahit ako eh kapag siya yung makita kong madalas magpost sa isang thread eh binabasa ko na lang kumbaga ninja mode ako hehehe….”

“pambihira ka pre, halos pareho tayo ng ginagawa ah hahaha….”
“hindi naman bro, sakto lang”

“speaking ulit sa attention seeker meron pa palang isa pre,
“ah talaga bro? saan, pabasa mo nga sakin”

“sige pre, hanapin ko lang”

5 minutes after.

“ayun pre nakita ko na” (sabay turo)
“teka bro sino ba yung tinutukoy nung author sa obra na realidad”
“tingin ko pre, isa din sa mga hater nung author after niya malaman na na-backstabbed siya yung tinutukoy niya sa obra”

“teka bro ano ba name nung tinutukoy niya sa ginawa niyang yun? pero sobrang intense ng ginawa niya sa totoong lang”
“kailangan ko pa ba sabihin pre? hint na lang siguro hahaha….”

“sige bro ikaw bahala, pa-suspense ka masyado”
“hehehe…..hindi naman pre, medyo lang hahaha…..ahmmmmmmm…..sige payag ka kahit hint lang mas kilala siya sa tawag na king of ãdül† pre”

“ah talaga? hmmmmmmm…..napansin ko din sa tinatawag nilang king of ãdül† eh isa din yan sa nakikipagkompetensiya sa author na gumawa ng realidad which is hindi naman dapat kasi wala namang gustong patunayan yung author di ba oh sadyang may mga tao lang talagang hindi marunong umintindi”

“sinabi mo pa pre, maraming ganon sa mundo ng net kanya-kanya ng opinyon kahit minsan mali na ipaglalaban mo parin para lang manalo”
“ewan ko ba minsan sa mga ibang tao na madalas mag-browse sa forum site bro, yung iba papansin yung iba naman positive ang comment mas mabuti pa yung positive lahat ng mababasa mong comment sa isang thread eh”

“bihira lang ata yung sinasabi mong puro positive comment ang nakalagay pre kasi halos lahat ng forum site halo-halo ang mababasa mong comment saka hindi din natin alam kung ano iniisip ng nagpost ng ganon sa isang thread”
“oo nga no bro hay……..you can’t please everyone talaga”

“tama pre, well basta tayo alam natin kung ano ang tama at mali kahit pa magsabi tayo ng tama lumalabas pa na tayo pa yung mukhang masama sa mata nila”
“ika nga bro, ang tama nagiging mali ang mali nagiging tama”

“exactly pre thumbs up sayo”
“hahaha….huwag naman ganon bro, opinyon ko lang naman yung sinabi ko”

“oo nga pre, kaya nga pabor ako sa sinabi mo eh”
“ay ganon ba? hahaha…..sorry my bad”

“nyak wala yun pre”
“hehehe….okay bro sabi mo eh”

“mukhang ganon talaga ang nangyayari madalas sa totoo lang”
“ano ang ibig mong sabihin pre?”

“ibig kong sabihin bro, na maraming pumipigil sa isang manunulat kahit gaano pa karami ang sinusulat niya”
“andon na tayo pre, pero alam mo ba na kahit anong mangyari tuloy lang ang bagay na nasimulan huwag intindihin ang isang bagay na makakasira ng mood mo”
“oo bro hahaha…tama tama”

“opinyon ko lang yun pre hahaha…”
“hehehe….tama naman yung sinabi mo bro”

“kahit ano pa gawin ng isang taong gusto sirain ang imahe ng isang author, move forward parin ang gagawin ng sinisiraan nila o sinasabihan ng hindi magandang comment”
“tama bro, kasi ano ang dahilan nila para tumigil sa pagsusulat? ang sagot walang dahilan basta nasa tama tuloy lang”

“oo pre, kahit sino namang write ganon ang ginagawa”
“hay….sana naman magbago na yung taong nagsasabi ng hindi maganda sa isang writer”

“hindi maiiwasan yung ganon pre kahit ano pang gawin mong hakbang, ganon at ganon parin ang mangyayari”
“ano yun bro para bang hangga’t may taong nagbabasa tuloy lang, hangga’t may taong bumabatikos tuloy lang din?”

“oo pre, kasi kaya may nagsasabi ng hindi maganda sa isang author ay para mag-step-up sila sa isang bagay”
“maturity ang ibig mong sabihin bro”

“exactly pre”
“sabagay ganon nga talaga ang nangyayari bro, sana sa susunod na sumilip tayo sa isang forum site eh wala na tayong mabasang comment na negative tungkol sa author na napagusapan natin, medyo nakakasawa na kasi yung ganon sa totoo lang”

“mahirap magsalit ng tapos pre, ika nga endless ang ganon”
“sabagay bro hahaha…uy sige bro medyo lumalalim na ang gabi, hindi ko namalayan ang oras at napatagal pala ang pagtutok natin sa net, salamat sa oras mo una na ko”
“likewise pre, ingat”


-WAKAS
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top