What's new

Closed Sweet Revenge

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
Elementary days palang madalas na siya ma-bully ng mas malaki pa sa kanya, gusto man niyang gumanti ay wala naman siyang magawa dahil alam niyang gagawin lang siyang punching bag kapag lumaban pa siya ka dinadaan na lang niya sa iyak ang pagkainis ngunit nag-iisip ng kung anu-ano kung paano siya gaganti sa nam-bully sa kanya.

Magiging okay lang siya pagkatapos niyang umiyak dahil napawi ang sakit na naramdaman kaya masaya na ulit siya.

Halos pauli-ulit ang pangyayari sa bawat araw na nagdaan sa buhay niya kaya't sa huli dumami ng dumami ang taong gusto niya balikan at turuan ng leksyon para matigil ang ginagawa sa kanya, alam niyang mahirap ngunit buo ang desisyon niya at nakuha lang siya ng tyempo.

Dumating ang araw ng byernes, araw ng p.e. kaya lahat ng estudyante p.e. uniform ang suot kanya-kanya ang iba't ibang estudyante, kilala man niya ang ibang schoolmate niya ngunit di niya magawang makipaglaro dahil magkaiba ang gusto nila, yung iba basketball, yung iba habulan, sa mga kababaihan naman kwentuhan lang minsan nama'y nag-aabang ng isang eksenang matatawa sila higit sa lahat nagkaka aminan kung sinong lalaki ang napapakilig sa kanila.

Siya lang ang di nakihalubilo sa nakapaligid sa kanya dahil may umagaw ng kanyang atensyon, bigla siyang nakakita ng concrete cylinder(medium size), dali-dali siyang tumakbo at lumundag sa ibabaw, pinilit niyang mapagalaw ang konkretong bato ngunit nahirapan siya dahil sa sobrang bigat, habang pilit niyang pinapagalaw ang konkretong bato ay sinita siya ng kanyang math teacher


“Bumaba ka dyan, baka mahulog ka”

Ngunit di nakinig ang estudyante niya kaya't pinagpatuloy ang kanyang ginagawa sa konkretong bato, maya-maya biglang gumalaw ang konkretong bato na ikinagulat niya, pilit niyang pinipigilan ang paggalaw ay wala siyang nagawa dahil hindi niya ma-control sa huli nahulog siya sa ibabaw at tumama ang kanyang pwet at napahiga sa sahig, kung walang damo yung binagsakan niya malamang mas malala pa ang sinapit niya.

Nang nasa láρág na siya nakarinig siya ng tawa ng marami, don siya nakaramdam ng inis dahil napahiya siya sa maraming tao, sa sitwasyong iyon nakakaisip siya ng bagay na alam niyang hindi matutuwa ang lahat

“Kung sino ang unang lumapit sakin doon tatama ang kamao ko” sabi sa kanyang sarili

Ilang minuto siyang walang kibo at nakapikit, maya-maya may papalapit sa kanya dahil rinig ang bawat paghakbang desidido siyang gawin ang binabalak.


Pagkawak sa kanya ng nais tumulong don siya kumilos at isinuntok ang kaliwang kamay kahit alam niyang di tatama dahil nakapikit siya, nagulat siya ng tumama ang kamao sa mukha ng lumapit at nais tumulong, dumilat siya saglit at nakita niyang napahawak sa mukha ang tinamaan ng kamao niya, di siya nakuntento pumikit ulit siya at nagpa ulan ulit ng dalawang suntok ngunit hindi tumama

Pagkatapos ng eksenang yun umiyak na lang siya sa sobrang gigil at galit na nararamdaman, lahat ng tumawa at nam-bully sa kanya ay walang salitang binigkas kahit isa, di pa siya tumitigil sa pagiyak ay pinatayo siya ng teacher at dinala sa guidance.

Habang nasa loob ng guidance umiiyak pa rin siya sa sobrang gigil, napadilat siya saglit at nakita niya ang nguso na timaan ng kanyang kamao,maga at dumudugo habang nagpapaliwanag sa principal ay nahikbi samantalang siya patuloy pa rin sa pag-iyak.

Nang na-realize niyang mali ang kanyang ginawa saka siya humingi ng dispensa pagkatapos ay pinauwi na silang dalawa.

Araw ng lunes malapit na oras ng klase nagmamadali siyang pumasok sa kanyang classroom, bago pa siya makarating sa classroom sa coriddor palang pinagtitinginan na siya lahat ng estudyante.

Hindi niya pinansin ang mga matang nanghuhusga sa kanyang paligid kaya't naglakad siya papunta sa kanyang classroom, di pa siya nakakalagpas sa corridor ay biglang may tumawag sa kanya.

“Marmandy! Bakit mo sinapak si Russel?”

Ngiting aso ang tanging sinagot sabay tinitigan isa-isa ang mga taong nam-bully sa kanya, hindi kumurap kahit isang segundo, pagkatapos ay nagtungo sa kanyang classroom.

-Wakas
modify_inline.gif
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top