What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial Restoring ML Resources w/out Internet(Tested on Android Only)

Joined
Nov 7, 2015
Messages
301
Reaction score
167
, Last edited:
Skip Intro if you want, need patience sa pagbabasa, need utak para iwas tanong na may sagot naman
Intro:
[[[
Hello! Just sharing my very owned discovered tricks kung paano ibalik yung resources ng ML na di gumagamit ng internet or data, sa mga may alam na neto dati pa share niyo nalang den po sa iba. Maraming beses ko nang ginawa to at ng mga ka ML-friends na tinuruan ko at working naman siya. If ever na may katulad na thread, repost na lang ito.
Sawa ka na ba sa paulit-ulit na in-game resource update ng ML sa tuwing nirereset mo phone mo o kada-palit mo ng firmware, o kaya sa tuwing inu-uninstall mo ML mo dahil lose streak ka na dahil sa mga kanser, toxic o kung ano pa mang masamang elemento na nakakalaro mo(o baka sarili mo). Pwes, let's get started!
]]]

Tutorial:
1st of all, you need to backup your ML app, and ML data resources sa external storage or any backup storage na meron ka(e.g. flash drive, pc).
SIguro naman may mga file manager kayo diyan na kaya mag-backup ng apk.
Para sa data naman ni ML, open your file manager o file explorer o kung ano pa man. Punta sa inyong
[Internal Storage>>>Android>>>data] then hanapin si [com.mobile.legends] then copy that folder to your backup storage devices. It will took some time to copy that folder because it contains multitude of small files so be patient and don't interrupt the backup process in order to reduce the possibility of file corruption.
If you're done copying the apk and the data, then proceed ka na sa pagreset or pagpalit ng firmware mo, o kaya sa pag-un-install ng ML mo.

2nd option, kung di mo nagawa yung backup process dahil huli ka na nang nalaman mo na may paraan pa pala para bumalik siya sayo:cry:.
Magpapasa ka nalang sa katropa mo na may ML, mag Share-It ka o via Flash Drive o kung ano pa mang process ng pasahan(wag lang bluetooth or infrared). Pero bago mo ipapasa si folder na [com.mobile.legends], tip lang na ipa-archive yung folder (zip, tar, 7z) o kung ano pa man dahil napakabagal ng pasahan niyan kung di yan naka-archive.

Then kapag gusto mo na siyang balikan dahil napagisip-isip mo na handa ka na sa mga responsibilities, install mo na ulit si ML. WAG munang i-open si ML. Then proceed sa pag paste o pagextract(kung naka-archive) ng iyong na backup na [com.mobile.legends] sa iyong [Internal Storage>>>Android>>>data].

Note para sa mga nag-archive. Siguraduhing hindi nagkaroon ng sub-folder na [com.mobile.legends] sa loob ng main folder na [com.mobile.legends].
[Internal Storage>>>Android>>>data>>>com.mobile.legends>>>com.mobile.legends], kung ganyan naging result, rename niyo lang si main folder ng kahit ano, tapos move si sub-folder sa same location ng main-folder tapos delete nalang si nirename na folder na wala nang laman.(Naintindihan niyo?, sorry kung medyo nakakalito)

Kung tapos na mag-copy ng data resources, WAG munang i-open si ML.
Proceed sa iyong
Settings, punta sa Apps or similar location kung saan makikita niyo mga installed apps niyo, click si ML, check or allow lahat ng permissions lalong lalo na si Storage Permission. Kung hindi ma-allow dahil may draw over other apps waring, close or force stop mo lahat ng running apps mo na alam mong kayang humarang sa screen gaya ng pop-up message ni messenger, assistive touch o third-party screen filter na may night mode, night light, blue-light filter o kung ano pa man.

Kung allowed na lahat ng permissions ni ML, then open mo na, happy gaming na. May instances na nakalog-in na agad ang account sa ML kapag may facebook ka na naka-install tapos yung binded fb account mo yung naka login sa FB app mo. Ewan ko lang sa Google Play Games kung automatic magrestore si ML account kung yung binded G-account yung naka login sa Google mo.

Additional Note:Kaya po di ko muna pina-open si ML before permissions dahil magkakaroon ng conflict si ML, gagawa yan ng new files sa [root>>>data>>>data>>>com.mobile.legends] tapos magkakaroon ng error result. Sasabihin ni ML corrupted yung resources kaya kailangan ire-download, yan yung first error na naencounter ko tapos yun na nga hanggang sa narealize ko mali pala yung pag restore ko.

!!!Isa pang kaalaman bukod sa pagrestore, kaya malaki ang nagagamit ni ML sa storage mo, maaring dahil inopen mo agad si ML bago mo in-allow si storage permission. Magdodoble ang pagdownload ng resources kaya kahit naupdate mo na in-game si ML. Pag-open mo ulit mag-u-update ulit yan.
Dahil bukod sa [Internal Storage>>>Android>>>data>>>com.mobile.legends] meron pang [root>>>data>>>data>>>com.mobile.legends]. Kaya kung ako sa inyo bago niyo iopen fresh installed ML, accept niyo muna lahat ng permissions para di mabigat sa storage.

Thanks sa patience sa pagbabasa. (Add ako ng pictures para mas maliwanagan ang mga taong nagugulumihanan.)💪;)(y)
 

Trending On This Forum

Unanswered Topics

Top