What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Sino si Pastor Joel Apolinario ng Kapa Ministry?

Miz_Me

Leecher
Contributor
Joined
Apr 6, 2017
Messages
11,176
Reaction score
4,376
Age
22
Usap-usapan ngayon ang Kapa Community Ministry International, ang grupong itinatag ni Pastor Joel Apolinario.

Nagsimula bilang isang disc jockey (DJ) at technician sa isang FM radio station sa Bislig City, Surigao del Sur si Apolinario.

Ayon sa isang dating kasama sa trabaho, sa technician's booth ng istasyon unang naipundar ang Kapa.


Proyekto umano ito ni Apolinario para makatulong sa mga mahihirap.

Isa si Emmy Gala sa mga unang nagbigay kay Apolinario ng donasyon.

Setyembre 2016 nang naaprubahan ang pagkuha ni Apolinario ng business permit mula sa lokal na pamahalaan ng Bislig City para sa kaniyang Kapa-Co Convenience Store and General Merchandise. Noong Marso 2017, napalitan ito at naging Kapa Community Ministry International.

Pero noong Pebrero 2017, napag-alaman ng lokal na pamahalaan na may 30 porsyentong interes na tinatanggap buwan-buwan ang mga nakakakuha ng "blessings" sa mga donasyon.

“They have no convenience store. The recommendation of the investigation committee is to revoke the business permit," ani Mayor Librado Navarro.

Mula Bislig City, lumipat sa General Santos City ang pamilyang Apolinario at iniwan ang kanilang bahay sa Castillo Village. Pansamantala itong tinitirhan ng isang pamilyang kaibigan ng mga Apolinario.

Maraming mga taga Bislig City ang nakinabang umano sa Kapa pero mayroon rin iba na nagsabing hindi na ulit sila magpapabiktima sa mga tinatawag na investment scams.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga opisyal ng Kapa Ministry dahil sa pagkakaugnay ng korporasyon sa investment scam.

Nauna na ring sinabi ng Securities and Exchange Commission na posibleng isa ang pag-scam ng Kapa sa pinakamalaking scam sa Pilipinas na aabot sa P50 bilyon ang nakuhang halaga.
 

Talagsaon

Honorary Poster
ang pastor na sobrang inggit si Quiboloy kaya kinausap niya si Duterte na i-deklarang investment scam ito kahit ni isang miyembro ay wala namang nagreklamo.
 

amstark13

Eternal Poster
may mga businesses din kc sila at marami na ring branches so apart sa iniinvest is meron silang pinagkukuhanan. Kumabaga ung iniinvest sa kapa is napupunta sa pag invest ng maraming businesses.
 

PHC-Daim

Honorary Poster
may reklamo dito, Di nyo ba napanood? 2 may edad na, Tanong ng tanong kung makkuha ba nila yung dinonate nila, pero pinagpasa pasahan sila.
 

amstark13

Eternal Poster
may reklamo dito, Di nyo ba napanood? 2 may edad na, Tanong ng tanong kung makkuha ba nila yung dinonate nila, pero pinagpasa pasahan sila.
baka sa ibang kapa yan. kc ung iba magpapakilala sa matatanda para makakuha ng pera. mga budol
 

redjr29

Honorary Poster
sa Failon ngayon tuwing sabado ipinograma yung kapa 10 bussiness nila may paultry ,gasoline station yung walo di ko na matandaan, kanina ko lang napanuod, skl
 
sa simbahan sa katoliko ginawa ding negosyo yan, donasyon, binyag, kasal, patay, ang kita sa simbahan papunta din yan sa leader, o santo papa.....
 
Top