What's new

Closed "Buti na Lang!"

Status
Not open for further replies.

_SouL ReaVer_

Forum Veteran
Joined
Feb 27, 2019
Posts
1,726
Reaction
1,086
Points
514
Isang gabi,lumabas ako sa aming tahanan para magpahangin dahil sa sobrang init.Ako ay sumipol-sipol
habang nadarama at nilalanghap ang malamig na hangin.Umupo ako sa isang malaking bato habang nagpepeysbuk,
"Pssst! Pssst! Pssst!" tatlong sitsit ang aking narinig pero hindi ko ito pinansin,dahil ang nasa isip ko ay huni lang ito ng ibon
o tunog ng insekto.
"Ana! Ana! Ana!" heto na naman,bumabalot na ang lamig sa aking buong katawan.Kinabahan na ako,nagtaasan
ang mga balahibo.Maliit ang boses nito pawang bata ang nagsasalita.Tumayo ako sa aking pagkakaupo,pinagmasdan ko
ang paligid,tahimik naman at tulog na ang mga tao wari'y ako na lang ang gising.Umupo na ulit ako at itinuloy ang
aking ginagawa at inisip na guni-guni ko lang ito. "Ana! Pansinin mo ako,nandito ako sa likod mo"tumalikod ako,wala namang tao.
"Tumingin ka sa ibaba".Nanlaki ang aking mga mata sa nakitang maliit na tao.hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang takot,Hindi
siya pangkaraniwan."huwag kang matakot Ana,ako'y isang kaibigan at ang tawag sa akin ay duwende.Naninirahan kami dito sa
punso"."Bakit mo ako kilala?" "dahil lagi kitang binabantayan".
Sa aming pag-uusap ay may inalok siya,na sumama raw ako sa kaharian nila,magiging masaya daw ako at mararanasan ko
daw ang maginhawang buhay.kaya naman hindi ko siya hinindian,pumayag ako na sumama sa kaharian nila.Habang papaalis na
kami ng duwende,tinawag ako ng aking ina at ang sabi'y



"Ana gising na,maliwanag na at may pasok ka pa sa iskul!"
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top