What's new

6 years. Cheating arise.

Onhel26

Addict
Joined
Dec 7, 2018
Posts
44
Reaction
12
Points
83
Bakit kaya napaka daling mag loko nang iba. 6 years na kami nang malaman kong may iba sya. Almost 8 months ago nung nahuli ko sya galing sa hotel. Syempre nalaman ko kasi mga techy tayo dto sa PhCorner e. Ngayon, as in ngayong araw na ipinost ko to, na locate ko yung phone nya na nasa hotel naman sya gamit ang Find Device kasi naka save ang google account ko sa phone nya.

Still wonering bakit may mga gantong tao. I've been so loyal na kahit may mga temptations sakin I preferred to stay sa kanya kasi nannwala ako dun sa nabasa kong libro na if you reach 7 years together it is almost near to settlement to each other na.

Nang hihinayang ako sa pinag samahan namin mula pa nung nag aaral kami sa college, sympre sobrang mahal ko yung taong to. Talagang Zero kami noon, yung tipong mag memeryenda kami nang 10 pesos na tinapay at 10 pesos na palamig solve na kami. As in sobrang saya kahit ganun lang. Mnsan nag ssnack kami habang nag lalakad. Ngayon, may business na sya and nag iincome nang maayus yung business nya, ako naman merong trabaho na with descent salary. Hndi na masyadong problema samin ang pera. Pero mas masaya pa nung wala kami sa point na ganto.

Siguro nag babago talaga ang perception nag tao lalo na pag may pera na. Pero bat ako dati parin, nag bago lang ang living habit pero in terms of love, sobrang loyal ko parin. Dko lang talaga maisip kung anu pa kulang. Okay naman financially pero nwala yung sa love things.

At the end of the day, pipilitin ko parin na maging okay kami. Bahala sya na gumawa nang kung anu ano, basta ako tumutupad ako sa promise ko sa kanya na magiging loyal ako. Siguro darating dn yung point na kusa nalang akong susuko.

Any reactions or with same experience? Sorry mga boss gusto ko lang i-express sarili ko dto. As in ngayon kasi sobrang lungkot and sakit isipin.

Ps. I'm a guy.
Hayys.
 
ts, you don't deserve it, wag mo ipilit sarili..

uulitin din yan at in the long pag meron away kau pabalik balik yan na issue believe me.

it's not gonna be easy, move on.
 
Totoo sabi ni wenz, pag nagkalamat na mahirap na yan lalo na at nagawa na sayo lagi ka na nyan magooverthink na may possibility na ulitin nya lang din. Saka kung totoong mahal ka pa nya di nya yan gagawin katulad mo never naging option ang magcheat sa taong totoong nagmamahal. Pero para saakin pinaka magandang gawin nyan ts kausapin mo na sabihin mo na yung hinala mo tapos pag kinausap mo wag na wag kang magpapadala sa galit kalmahan mo lang and kung hindi man maging maganda yung sagot nya iready mo na sarili mo. Wag mo na antayin na lalo ka pa madurog harapin mo na at may hinala kana din
 
Darating talaga sa time na may magloloko isa sa inyo, so as long as yung isang hindi nagloloko at nagstay sa pagiging loyal your relationship will go much better and stronger. Tandaan mo lang TS, as long as may natitira pa kahit 1% na chance para lumaban ka. LUMABAN ka, Kung may dapat kang ipagbawal sa kanya ipagbawal mo na, so the sore in your relationship won't be bigger.
 
Ito yung point of view ko. Kasi sayang pag nag give up. Mag start ulit. then kung pumasok ulit sa ibang relationship and after several years naman na same incident, di dapat option ang pag give up nalang.

Totoo sabi ni wenz, pag nagkalamat na mahirap na yan lalo na at nagawa na sayo lagi ka na nyan magooverthink na may possibility na ulitin nya lang din. Saka kung totoong mahal ka pa nya di nya yan gagawin katulad mo never naging option ang magcheat sa taong totoong nagmamahal. Pero para saakin pinaka magandang gawin nyan ts kausapin mo na sabihin mo na yung hinala mo tapos pag kinausap mo wag na wag kang magpapadala sa galit kalmahan mo lang and kung hindi man maging maganda yung sagot nya iready mo na sarili mo. Wag mo na antayin na lalo ka pa madurog harapin mo na at may hinala kana din
Ito yung bagay na nakakatakot gawin.
 
pinag daanan ko yan ts during pandemic, ako walang pandetect pero malakas pakiramdam ko at di ako nagkamali.
kami naman live in, pag ganyan na ginagawa sayo wala nang respeto.. tapos babae pa ang nagloloko. tigilan mo na yan, wala yan sa tagal..kung itutuloy mo pa yan mawawalan ka ng peace of mind at pasasakitin mo lang ulo mo pag pinatagal mo yan, oo masakit talaga yan ramdam kita.. pero masakit pag hinayaan mo na ganyanin ka ng partner mo.. isipin mo siya nagpapakasaya habang niloloko ka ikaw naman nasasaktan habang inaantay na maging maayos kayo.. tigil na ts
ganito ginawa ko para mabilis lumimot block mo lahat ng koneksyon na meron kayo cp #, social media account..
mag dating app ka like tinder, bumble jan ko nahanap partner ko ngayon at malapit na kami ikasal..
ikaw lang din makakatulong sa sarili mo..promise wag mo na ituloy yan basura na yong ganyang relasyon.

ito natutunan ko sa buhay lovelife di lahat ng dumadating blessing
yong iba dumaan sa buhay mo para matuto tayo at kaylangan natin masaktan para matuto
at minsan preniprepare tayo ni lord sa tamang tao na dapat masaktan muna tayo sa ibang tao para makilala natin yong taong nakatadhana para satin.
 
Last edited:
Ito yung point of view ko. Kasi sayang pag nag give up. Mag start ulit. then kung pumasok ulit sa ibang relationship and after several years naman na same incident, di dapat option ang pag give up nalang.
Laban mo paps, hanggang may chance ipaglaban mo. Trust me paps, proven and tested na yan.
 
Sakit niyan lods..same tayo
anung ginawa mo lods?

pinag daanan ko yan ts during pandemic, ako walang pandetect pero malakas pakiramdam ko at di ako nagkamali.
kami naman live in, pag ganyan na ginagawa sayo wala nang respeto.. tapos babae pa ang nagloloko. tigilan mo na yan, wala yan sa tagal..kung itutuloy mo pa yan mawawalan ka ng peace of mind at pasasakitin mo lang ulo mo pag pinatagal mo yan, oo masakit talaga yan ramdam kita.. pero masakit pag hinayaan mo na ganyanin ka ng partner mo.. isipin mo siya nagpapakasaya habang niloloko ka ikaw naman nasasaktan habang inaantay na maging maayos kayo.. tigil na ts
ganito ginawa ko para mabilis lumimot block mo lahat ng koneksyon na meron kayo cp #, social media account..
mag dating app ka like tinder, bumble jan ko nahanap partner ko ngayon at malapit na kami ikasal..
ikaw lang din makakatulong sa sarili mo..promise wag mo na ituloy yan basura na yong ganyang relasyon.

ito natutunan ko sa buhay lovelife di lahat ng dumadating blessing
yong iba dumaan sa buhay mo para matuto tayo at kaylangan natin masaktan para matuto
at minsan preniprepare tayo ni lord sa tamang tao na dapat masaktan muna tayo para makilala natin siya
ilang taon kayo nag sama?
 
ts in my opinion, wala cgro yan sa tagal ng pagsasama.

oo, kaya naging precious dahil sa time,

pro pag ganyan na naging issue 3rd party,

let go na talaga yan ts..

deserve mo ng mabuti tao, wag tau magpaka martyr.

lalo sa tingin mu loyal ka.

mka hanap ka rn ng tao na aalagaan ka at mamahalin tulad ng kaya mubibigay.

dami dyan sa paligid, lalo na ikw ay stable sa buhay.
 
Nangyayari tlga ang "7 yrs itch" pero hnd sa lahat. Indication lng yan na meron mali within sa relation na hnd nyo nakita o napag-usapan. Ikaw lang o sya makakapagsabi kung ano iyon. Nagkataon na 7 yrs ang average na panahon (in your case 6) na bumibigay ang couples sa ganitong sitwasyon.

At this point wala tlgang tamang payo kung ano gagawin mo sa relation nyo. Ikaw lng makakapagsabi kung worth p nga ba ayusin yan. Ang payo ko lng, wag ka muna magdedesisyon kung hnd mo p control emotion mo.
 
deserve mong humanap ng iba pre. Wag ka magpapakulong sa ganyang pangyayari. Sumumpa ka pero sya sumumpa ba? oo sumumpa ka pero tinupad mo pero ang tanong ganon din ba sya? Lahat tayo may deserving na tao sa buhay pwera nalang pano natin makilala pero pag di mo na kaya bumitaw ka nalang.
 
baka sideline nya yan paps, de joke 😅 kausapin mo na lang paps. sa susunod pag nakita mo ulit nagstay sa hotel hulihin mo sa akto tas kausapin mo.
 
Same ng nangyare sakin bro. 6 years din kame nung nahuli ko sya nag cheat pero pinatawad ko pa din. meron na kami sariling bahay at magpapakasal na dapat, kumpleto na mga requirements namin para sa kasal at waiting nalang sa date mismo ng kasal. hanggang sa nagsawa nalang ako kasi lagi ko na sya nahuhuli with the same guy. nag hiwalay nalang kame nung nabuntis na sya nung lalake.
sobrang sakit pero wala na magagawa e life goes on. Advice ko sayo bumitaw ka na hanggat kaya pa ng puso't isipan mo. makakayanan mo din yan bro.
 
Mahirap tanggapin pero kailangan mag move on, madami pa dadating at isa dun yung totoo at para sayo. Share ko lang sayo experience ko same goes to me 6 years of relationship nag change pa ko ng religion para sa kany. akala ko sya na talaga pero In a glimpse of hours wala na, hehehe wala ganun tlaga nakaka pang hinayang pero isipin nalang natin masaya na sila.
 
not worth saving yung relationship nyo. given na nalaman mo pa na naghohotel sila malamang hindi naman sya maghohotel mag isa. medyo same experience sakin. btw i'm a guy. magkasama kami since college days akala nga nila kami na hanggang sa huli. kasi kilala kami na couple sa campus. hanggang grumaduate kami, review, dun kami medyo nagkalabuan kasi hindi kami magkasama sa apartment kasama nya mga kaibigan nya kasama nya mga kabigan ko. after lumabas result sa exam, dun na lumalamig hanggang sa sabihin nya na ayaw nya na. pero wala sya sinasabi na reason. basta ayaw lang. eventually nalaman ko lang na may something sakanila nung kaklase namin na kasama nya sa apartment. haha di ko talaga akalain na magagawa nya yung bagay na yun. lahat talaga nagbabago ts. kung ako sayo bitawan mo na yan. gusto mo ba ng 1 sided love lang? nag stay nga sya pero hindi lang naman ikaw. ieendure mo yung pain everyday.
 
tol ito mapapayo ko sayo, unang una, mag basa ka ng bible, kahit isa isang page kada araw, batsa new testament basahin mo, matatapos mo yun siguro more or less 1 year, wag mo lang basta basahin tol, isa puso mo at isa isip mo, and then pag tapos mo na basahin tapos kayo pa ng gf/asawa mo, tignan mo tol darating yung point na hindi na mahalaga kung niloloko ka pa rin nya, or patuloy ka pa din nyang niloloko, isa lang ang buhay tol, focus ka sa pagiging mabuting tao, kay GOD and kay Jesus. ang mahalaga maging mabuti ka at wag kang gagawa ng kasalanan, hayaan mo yung asawa mo kung patuloy ka pa din nyang niloloko, or pwede mo din sya kausapin para maging maayos ang relasyon nyo, itigil nya na kamo yung panloloko dahil iyon ay mabigat na kasalanan, ngayon kung ayaw nya pa ding mag bago, hayaan mo na, choice nya na yun, basta tol focus ka sa pagiging mabuting tao, ganito din ang focus ko tol, although hindi naman ako niloloko ng asawa ko as far as i know, pero di na mahalaga yun, ang buhay natin tol ay pag subok lang, huwag tayong maging maka mundo, may mas magandang buhay ang nag hihintay sa mga mabubuting tao, yun ang pag handaan natin tol. yun lang tol, basta read bible every night before sleep. goodluck tol GOD BLESS.

PS pala almost 10 years kami ng una kong GF pero nagloko sya. kaya mo yan tol. focus lang kay GOD and Jesus.
 
Similar threads

Back
Top