What's new

Help 5G WIFI Modem and prepaid sim Vs. Fiber Connections

Daigo26

Honorary Poster
Sa tingin ninyo kukunti ba magpapakabit ng fiber kapag supported na ng 5G connections sa lahat ng tower sa buong bansa?

Kasi sa napansin ko mas malakas kasi download speed ng wireless na 5G po kesa fiber connection.
 
Malamang yun nga peru tatangkilikin talalga ng mga tao yung wireless kasi diba nga sa dami ng bagyo na dumadaan sa Pilipinas masyado ma trabaho yun fiber dami kasi napuputol na linya at ang tagal ng pagrepair.


Baka nga kukulangin pa haha
Yes, maganda yan at sure na tatangkilikin yan. need lang nila ibaba price ng modem na 5g. super OP pa kasi ngayon.
 
I doubt....
Wired connection is always the ideal choice. Stability and reliability of connection pa rin ang hinahanap ng karamihan sa isang ISP. Pros vs cons pa rin ang labanan diyan. Di hamak na mas kokonti ang cons ng wired connection kaysa sa wireless na apektado ng weather conditions. Sa wireless, umulan lang ng malakas yan, apektado signal mo dyan dahil sa radio waves naka-depende ang wireless connections. Sa wired, dahil direct mismo sa facility ng ISP ang set-up niyan (ONU/ONT to NAP Box to OLT ISP Facility), hindi yan maaapektuhan ng kahit na anong weather condition, maliban na lang kung makakasira na ng mga physical cable wires ang isang natural phenomena (e.g. earthquake, strong winds na kayang magpatumba ng mga poste, lightning na direktang tumama sa mga poste, at iba pang mga pwedeng dangers sa ilalim ng dagat kung saan located ang mga submarine cables ng lahat ng ISP sa buong mundo).

Malamang yun nga peru tatangkilikin talalga ng mga tao yung wireless kasi diba nga sa dami ng bagyo na dumadaan sa Pilipinas masyado ma trabaho yun fiber dami kasi napuputol na linya at ang tagal ng pagrepair.
Oras na tinamaan ng bagyo ang isang area at napuruhan ang main lines ng mga ISP, pati wireless connectivity damay diyan. Sa main line pa rin ang pinaka-backbone ng mga cellular towers. Kapag bumagsak ang main line, bagsak din both wired and wireless.
 
Last edited:
I doubt....
Wired connection is always the ideal choice. Stability and reliability of connection pa rin ang hinahanap ng karamihan sa isang ISP. Pros vs cons pa rin ang labanan diyan. Di hamak na mas kokonti ang cons ng wired connection kaysa sa wireless na apektado ng weather conditions. Sa wireless, umulan lang ng malakas yan, apektado signal mo dyan dahil sa radio waves naka-depende ang wireless connections. Sa wired, dahil direct mismo sa facility ng ISP ang set-up niyan (ONU/ONT to NAP Box to OLT ISP Facility), hindi yan maaapektuhan ng kahit na anong weather condition, maliban na lang kung makakasira na ng mga physical cable wires ang isang natural phenomena (e.g. earthquake, strong winds na kayang magpatumba ng mga poste, lightning na direktang tumama sa mga poste, at iba pang mga pwedeng dangers sa ilalim ng dagat kung saan located ang mga submarine cables ng lahat ng ISP sa buong mundo).


Oras na tinamaan ng bagyo ang isang area at napuruhan ang main lines ng mga ISP, pati wireless connectivity damay diyan. Sa main line pa rin ang pinaka-backbone ng mga cellular towers. Kapag bumagsak ang main line, bagsak din both wired and wireless.
Yun oh napaka liwanag lods hehe thank you sa explaination.

Siguro sa price ng promo nalang din mag mamatter kung saan pupunta ang tao. . Sigurado mas mauuna kasi ang 5G wireless connection sa mga lugar kesa sa Fiber na matrabaho pa at kahit abutin ng ilang taon di parin abot ibang area.

At tsaka worst case scenario narin kapag naputol pa ang main line ng cable ng mga ISP hehe

Commonly kasi nangyayari eh yun mga linya lng ng mga lugar2x dahil iilang lugar lang naman ang tatamaan kung may bagyo. Gayunpaman tagal ng action ng mga ISP sa pag rerepair.

Yes, maganda yan at sure na tatangkilikin yan. need lang nila ibaba price ng modem na 5g. super OP pa kasi ngayon.
Tama sobrang mahal pa ngayon
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top