What's new

Closed Lalakeng nag propose arestado

Status
Not open for further replies.
Published February 15, 2018 2:30pm


Nauwi sa kilig ang tensyon sa gilid ng kalsada sa Pasay City sa sopresang wedding proposal na ginawa ng isang lalaki sa kaniyang girlfriend na kunwaring hinuli na mga kasabwat palang traffic enforcer.


Sa video ni Youscooper Art Endaya, makikita na pinosasan na ng mga enforcer ang lalaki na nagngangalang Jude, habang hindi naman mapakali ang kasama niyang kasintahan na nakikipagtalo pa sa mga enforcer para ipagtanggol ang nobyo.

Pinapasok kunwari ng mga enforcer ang babae sa loob ng sasakyan at sinabihan ng isa pang enforcer na pakiusapan ang kasama nilang enforcer para makaalis na sila.

Ang hindi alam ng babae, habang nasa loob siya ng sasakyan ay naghahanda na si Jude at ang iba pa niyang kasabwat sa gagawing proposal.

Nang lumabas na ang babae, inalis ang posas ni Jude at saka lumuhod sa harap ng kasintahan.

Inilabas din niya ang singsing at ang tarpaulin na nagsasaad ng "Will You Marry Me?"

Napaiyak na lang babae na sumagot ng "yes" sa tanong ni Jude. -- FRJ, GMA News


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


Basahin ang buo at iwatch ang video sa link
 
Last edited:
eto talagang si madam mahilig sa.click bait.. nahadluk tuloy ako..:)
 
Last edited by a moderator:
actually, proposals should be a consensus between 2 people since you're a couple. Its good to know both of your priorities first before advancing into something drastic
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top