What's new

Closed Kaya pala

Status
Not open for further replies.

Laseraphine

Eternal Poster
Established
Joined
Apr 22, 2017
Posts
727
Reaction
321
Points
389
Maaaring tumagal pa ang nararanasang mabagal na internet service sa bansa.
Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), bukod sa sunod-sunod na bagyong humahagupit sa Pilipinas, naantala rin ang pagkumpuni sa nasirang submarine o undersea cable noong tumama ang bagyong 'Hato' sa Hong Kong.
Sa unang kuwenta ng telephone companies at data service providers, apat hanggang anim na linggo ang kakailanganin para maisaayos ang sira ng cable partners nila pero maaari mas tumagal pa ito, ayon sa NTC.
Kumpiyansa naman ang Globe na babalik na sa normal ang operasyon ng submarine cable sa katapusan ng Setyembre.
Dagdag pa ni NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, maaaring hindi matuloy ang hinihirit ng mga consumer group na pro-rata o mas mababang singil sa data services habang patuloy ang mabagal na serbisyo.
Hindi naman daw kasalanan ng telephone companies ang epektong dulot ng bagyo sa kanilang serbisyo.
Karamihan ng mga landing station ng mga submarine cable na nakakonekta sa Pilipinas ay nasa Luzon na madalas tamaan ng bagyo.
Iisa lang ang nasa Mindanao na nakakonekta sa Davao.
Mungkahi ni Cabarios, dapat may magtayo ng ibang landing spots sa Visayas at Mindanao para mas maging secure ang internet speed at connectivity ng bansa.
Sa ngayon, mga internet cafe, ilang opisina, at residential areas ang nagrereklamo ng pagbagal ng internet.
Pero hindi raw kasama rito ang BPO o business process outsourcing sector, kung saan nagtatrabaho ang mahigit isang milyong Pilipino.
-- Ulat nina Warren de Guzman at Oman Bañez, ABS-CBN News
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top