Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang kaugnayan sa COVID-19 vaccine ang pagkamatay ng tatlong bata na edad 12 hanggang 1`7 matapos na mabakunahan.
“Kinakalungkot po natin at nakikiramay tayo sa mga pamilyang nagkaroon ng pagkamatay pero lagi po nating tatandaan na hindi lang po bakuna ang maaaring maging cause nitong ating sinasabing pagkamatay pagkatapos mabakunahan,” ayon kay DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.
Base umano sa inisyal na ulat, nasawi ang tatlong menor de edad matapos maturukan ng bakuna laban sa COVID dahil sa taglay na ibang sakit. Nasawi umano ang isa dahil sa pneumonia habang dengue ang ikinamatay ng isa at tuberculosis naman ang isa pa. (Juliet de Loza-Cudia)
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.