What's new

Help 277 per day ang sahod sa isang Local Government

War-War

Forum Veteran
Worth it kaya yung 277 na sahod sa isang LGU dito samin? bali iba kase ang rate pag sa Job Order 500 pesos pag contractual ata tawag dun 277 or 6000 sa isang buwan.
Inimagine ko yung pamasahe ko is mga 50 sa isang araw tas bili ako ng ulam mga 20 pesos so 200 nalang per day. Tapos ang trabaho ko pa is mag aayos ng PC mag aasist ng tao sa pag gamit ng computer , mag nenetwork pa , mag dedesign pa ng tarpaulin, mag mamaping pa (parang google map, ARC Gis gamit) at marami pang gagawin tas yung magiging kasamahan ko is 500 ang rate parang lugi naman ata ako.

Update kinuha ko na yung trabaho sa LGU namin 277 a day eh wala eh. Pero Good news under probation ako as a Virtual Assistant at WFH setup din Technical support ako saka baka magiging programmer din in the future . 2 weeks probation ako day 1 ko ngayon sana maka pasok at makapag resign na sa LGU
 
Last edited:
Below minimum wage ah, hindi dapat ganyan government pa man din. Dapat ihingi ng budget yan eh para mapasweldo ka nang tama o baka tama naman yung budget tapos di lang ibibigay sayo ng buo.
 
sadyang low class LGU pinag.trabahuan mo, iba ang pasahod sa national at LGU, may class municipality categories po tayo, pati na regulars at contractuals, iba ang pasahod, dyan mo pagtuunan ng pansin, dahil contractual ako dati, 300/day naman sahod ko sa LGU, nasa 4th class, bakit kaya sayo 277 lang?
 
Last edited:
Nako, boss. Ang hirap nyan. Nagpapakahirap ka sa trabaho pero nang dahil sa liit ng sahod, kailangan mo pang bawasan ang pangkain mo. Grabe, hindi proportionate sa lakas at pagod na inilalaan mo. Good luck sa iyo. Sana makahanap ka ng bagong trabaho. Mahirap maghanap pero sana talaga makahanap ka. Grabe riyan sa work mo. Mag-iingat ka palagi.
 
Back
Top