What's new

25km ang layo kayanin kaya ng 1st timer?

Erwun

Established
Joined
Oct 6, 2015
Posts
3,063
Reaction
694
Balak ko sana itry ganyan kalayo para mapatunayan ko sa friend ko ma kaya ko at hindi ako drawing.Meron daw 3 paahon ito ay sabi magkakadikit kakayanin ko naman daw ito basta dahan dahan lang sa pagpadyak.Sa Palma ang lugar na binabanggit ko sa Alaminos-Lipa.Tingin nyo po kayanin ko naman kaya kahit short trip lang araw-araw ko binabike?
 
kaya yan paps, basta may kasama at kasabay at dahan dahan hindi yung karerahan na padyak mararating yan, samen 20, 24 29 km hehe yung 20-24kms daming paahon at pababa nakaya naman
 

zniorcitizen

Journeyman
kaya yan sir wag mo lang masyado madaliin.. kuhanin mo siya sa comfortable na speed mo lang.. sa paahon naman kung hirap pwede naman huminto para magpahinga o kaya itulak ang bike.. normal naman yan lalot beginner palang.
 

Erwun

Established
Eto pala mga kamay ko medyo mabilis din mamanhid.

Sabe ko dun sa lasama ko ako na lang mjna mag 1 kase baka magpahinto-hinto ako jito.
 
Last edited:

Jhonas85

Enthusiast
Eto pala mga kamay ko medyo mabilis din mamanhid.

Sabe ko dun sa lasama ko ako na lang mjna mag 1 kase baka magpahinto-hinto ako jito.
Relax lang hawak sa manibela at magsuot ng gloves para sa dagdag na comfort.
Huwag ilock ang siko, baluktot ng kunti dapat.

Kelangan ba kumain muna bago magbike ng ganyan kalayo?
Tamang kain lang. Wala pa 2hours yan. Kain ka pagdating, pahinga bago umuwi.
 

Erwun

Established
Hindi ko pipilitin ng dirediretso kung makaramdam ako ng hapo o pagod pato hilo stop muna pahinga.kung di ko kaya yun paahon lalakarin ko na lang hindi naman ako makikipagkompetisyon kelangan lang makarating sa pupuntahan ko.Gusto ko lang tuparin yun sinabe ko sa mga kaGC ko na magbabike ako mula dito sa amin hanggan doon sa lugar nila.Magkasya sana itong P80 pesos ko na pangkain at inom.

Wala ako gloves.ingat na lang gagawin ko at iwas magpa impress.
 

cosmic wanderer

Established
di mo kaylangan prove sarili mo boss, lahat nang bikers nag sisimula sa short ride... dahan-dahan lang as much as possible. importante ang safety, kesa sa bragging rights.

ako naka 400km na ako paps, pero ilang taon rin inabot para maging centenarian ka.
 

Erwun

Established
di mo kaylangan prove sarili mo boss, lahat nang bikers nag sisimula sa short ride... dahan-dahan lang as much as possible. importante ang safety, kesa sa bragging rights.

ako naka 400km na ako paps, pero ilang taon rin inabot para maging centenarian ka.
Dito sa amin nun 2021 ata yun halos araw-araw ako nagbabike paikot ang layo ay 3.7km umiikot ako 3x ilan buwan ko rin yun nagawa.Kaso nun naglockdown ng august 2021 nahinto ng medyo matagal at ngayon 2022 na lang ulit nakapagbike pero dina na ko umiikot ng 3x.Sapat na kaya yun para kahit papaano may laban ako sa 25km sa pupuntahan ko at 25km pauwi?
 

Bold

Elite
Enjoy mo lang di mo mapapansin baka naka 50km. Wag tingin ng tingin sa cycling computer. Tingan mo ang environment mo.
 
Top