What's new

Crypto 2140 END OF THE WORLD?

Quantum Supercomputer

Eternal Poster
Joined
Dec 23, 2017
Posts
740
Reaction
250
Points
339
Age
23
Sa ngayong malapit ng maubos ang block na may karampatang sweldo na bitcoin para sa mga miner (o sa madaling salita, mga tinatawag na banker kasi sila ung nagchecheck ng transaction). Anong next na mangyayari sa buong ekonomiya ng mundo?

Sa year 2140, calculated na.

Mamimina na lahat ng bitcoin. End, pinish na.

—which is 21M in total. Sa taong un, posible bang maging currency na talaga ang bitcoin,
pambili ng regular load, pambili ng dias sa ml, o di kaya, bitcoin na mismo ang sweldo mo imbes na fiat currency (peso/usd). Pambili ng pagkain, pang order sa lazada o pangshopping. Sa tingin mo?

Lumabas ang katanungan na 'to, kase sa ngayon, 2020, hindi mo magagamit ang btc sa oras na 'to para makipag transact dahil sa pabago-bagong price nito sa market.

Pangit naman kasi na halimbawang sumweldo ka sa boss mo ng 1btc, pero kinabukasan eh -30% agad un. In short hindi stable.

Kaya di mo talaga matatawag na currency ang bitcoin. Sa ganitong nature o katangian ng btc. Nagmumuka itong "Commodity" imbes na currency.

—tulad ng gold.

Kaya balik tayo sa totoong katanungan. Posible bang maging "Currency" na ang bitcoin sa taong 2140? at maging stable na 'to? O duon paren tayo sa fiat o traditional?

Pero kung sakaling sinakmal na ng bitcoin ang global economy, anong move ang magagawa ng gobyerno? kase wala silang control dito eh di ba? di nila malagyan ng tax.

Ano sa tingin mo pre?

PS: Kung totoo mang magyari 'to, mahirap mabuhay sa hinaharap ng walang bitcoin ang angkan mo, anak ng anak mo, at sino ang sisisihin nila? syempre ang lolo nila at ikaw un.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top