What's new

21 YRS OLD HIRAP SA BUHAY

TAMA BANG MAGARAL PAKO?

  • Oo

    Votes: 88 83.8%
  • Hindi

    Votes: 4 3.8%
  • Bahala ka

    Votes: 13 12.4%

  • Total voters
    105
Oo dapat tapusin mo kasi kung hindi after ano naman lalo gagawin mo?
 
Ramdam ko to parang ganto patutunguhan ko Pero nandito ang PHC ang tambayan natin lahatkahit anong problema pang madanasan natin
 
[XX='JLk, c: 520429, m: 705577'][/XX] wag ganun bossing.. alam mo naisip ko na rin yan around 2nd quarter this 2020.. lintik talaga na 2020 daming dalang pagsubok.. I lost almost everything. financial, moral support, future opportunities, pati emotional (first heartbreak ko).. pero sign na yata to para mag rebrand ako.. I'm still recovering though pero laban lang.. hindi solusyon ang pagpapakamatay boss. maraming dadating na pagbabago.. konti nalang 2021 na 💪💪.. di ka nag iisa sa mga sularanin.
 
Same. 22 ako first year college IT din 🤣 Nahinto ako before dahil sa depression at anxiety kaya eto back to phase 1. Araw-araw ko din yan iniisip kung anong gagawin ko at anong mangyayare sakin in the future. Di ako umiinom o kahit anong bisyo pero lagi lang ako naglalaro ng kung anu-anong video games na makuha ko. Pero may isa akong pinapangarap talaga. Yun ay ang makapagtayo ng sariling bahay upang makaalis sa napakatoxic kong pamilya. Sa ngayon, tanging mga alaga kong aso at pusa ang gumagabay sa mental health ko. Hays...
 
27 na ako wla pa rin nangyayari za buhay ko nasa bahay pa din ako ng mga magulang ko , tambay di ko alam kung anong gagawin ko ..di nga ako makatulong sa mga magulang ko kasi wla akong trabaho..araw araw nasa isip ko kung anong gagawin ko..
 
Ganyan din dream ko magkaroon ng sariling bahay at pamilya pero di malayo sa mga magulang ko pra magkakasama pa rin kami kahit may sarili na akong pqmilya pero hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa kasi wla akong trabaho
 
same situation ts,nakatambay lang ako sa bahay,walang bisyo ..walang hilig sa mga chicks(iniisip ko kasi saan ko kukunin gagastusin pang date😅)
ml lang nilalaro ko
22 years old,3rd year college civil eng..
Diko rin alam kung tama ba tong napili kong course,di ako interesado eh😢
Gusto ko kasi IT pero dahil sa mga kaibigan/kakilala na nag suggest during my senior na ito kunin ko..
Hayyys,sobrang lungkot ng buhay ko😢
 
Lagi naman mahirap mag hanap ng trabaho kahit ano pa course mo. Hindi naman sa dahil yan yung degree mo, dapat related sa ganun ang hahanapan mo ng trabaho. Yung mga kabatch ko before na mga graduate na ngayon, hindi naman lahat related sa course mga trabaho nila. Kahit nga nanay ko na sumacumlaude sa business ad, care giver lang ngayon na 12k per month lang sahod. So nakadepende lang talaga yan sa diskarte mo.
 
[XX='Vader, c: 520850, m: 1088683'][/XX]kaya nga paps eh,gusto ko talaga IT para andun yung passion
pero late na eh,3rd year na ako kaya panindigan nalang
sobrang complicated talaga ng life😢
 
[XX='IAmNothing, c: 520922, m: 866795'][/XX]
Relate ako sayo nung third year college ako ayaw ko din ng course ko na IT ayaw ko kasi nkakababad sa computer mas gusto ko ung HRM ganun not related sa computer...kaso wla third year na kya tinuloy ko na kado di pa rin nkagraduate tinamad na ihh
 
Share ko na din, graduating na ako, 21 yrs old, IT course. Feel na feel ko ung pressure alam mo un, ung baka wala ka makuhang trabaho, kasi sa totoo lang, hindi rin ako ganon ka batak sa programming at sa iba pang bagay na hilig kong gawin. At baka ma disappoint lng family ko saken. Hays, pero d talaga naten alam ang mga mngayayare in the near future kaya laban lang tayo!
 

Similar threads

Back
Top