26 narin ako tambay rin, pero nagsasawa na ako kakalaro ever since yun lang naging libangan ko, bata kapa mas marami akong sinayang na oras sayo kung tutuusin pero ngayon natauhan ako at ita-try na bawiin lahat ng oras na sinayang ko. ngayon inuubos ko ang oras ko sa pag aaral para sa papasukin kong negosyo kasi gusto kong may marating sa buhay, hindi ako titigil hangat di ko nakukuha yung gusto kong buhay, lahat tayo may pangarap pero walang pangarap na madaling abutin nasasayo yan kung makukutento kana na lang sa buhay mo ngayon or gagawa ka nga paraan para mas guminhawa pa ang buhay mo. walang impossible ts pag may pangarap. when there's hope there's life totoo yan. kung iisipin mo negative lagi walang mangyayari sa buhay mo, ang tignan mo yung bright side lagi, yung magagandang resulta ng mga pinaghihirapan mo hindi yung mga possible masamang mangyari. suggest ko sayo ts magbasa ka ng mga libro i recommend Rich Dad Poor Dad isa sa mga book na nakatulong talaga sakin ng sobra meron niyan dito ts sa ebook section, hindi lang trabaho ang solusyon. ipag prapray kita na sana mahanap mo na ang purpose mo sa buhay tulad ng nahanap ko. goodluck sayo.