What's new

10 jokes bat walang kwenta mag aral😄

Imthicc

Honorary Poster
Established
Joined
Feb 1, 2020
Posts
301
Reaction
70
Points
155
TOP 10 Reasons
REASON 1: PWEDE BUMILI NG DIPLOMA SA
RECTO
Dalawa lang naman main purpose bakit may
diploma. Una, para magamit sa paghahanap ng
trabaho at para may mai-display mga magulang
mo sa dingding niyo.
So kailangan mo ng trabaho? Punta lang sa
Recto at wala pang 24 hours may diploma ka na!
Pwede ka na mag-apply sa trabahong
pinapangarap mo! Madami na nakapag-abroad
dahil sa mga pekeng dokumento galing sa Recto.
So wag na magpahuli!
REASON 2: WALANG SILBI ANG MATH SA
LAWYER AT PANG-BILYAR LANG NAMAN ANG
GEOMETRY SABI NI FRANCIS CHIZ ESCUDERO
NOONG 2006
O di ba? Ang idol niyong si Chiz eh di naman
nagamit ang Algebra, Trigonometry at Calculus sa
pagiging abugado at politician niya!
So bakit mag-aral ng math eh kailangan mo lang
naman i-impress mga Pilipino sa pagsasalita ng
tagalog. Nevermind kung contradicting o
redundant mga sinasabi mo kasi di naman nila
yun mapapasin. Kung mapansin man nila, san
sila magrereklamo?
Tsaka, kung gusto ng batang nag-aaral ng
elementarya/high school matuto ng Algebra
Trigonometry at Calculus, bahala siya sa buhay
niya, magdesisyon na siya para sa kanyang sarili.
Matanda na siya para malaman if gusto niya
mag-engineer o kumuha ng kursong madaming
math.
So kung gusto mong maging sikat na politician,
laway lang puhunan mo. Magdasal ka lang na
walang mandaraya sayo sa posiyentuhan sa mga
kickback sa mga proyekto ng gobyerno, at
magpanggap na lang na masakit ang ulo kung
may magpresent sa iyo ng mga economic reports
or proposals na may numbers na tungkol sa
ekomiya na nakabase sa mathematical
computations.
Tsaka bakit pa mag-aaral ng History eh nakaraan
na nga. Dapat na mag-move on na sa past!
Bakit mag-aaral ng Chemistry? Toyo patis at
suka lang naman paghahaluin mo pag kakain ka.
Bakit kelangan mo bang alamin kung acid o base
ang ang pagkain para mabusog ka? Basta may
pagkain ka sa harap mo, mabubuhay ka na!
Bakit pa may Values Education? Eh yung mga
pulitiko nga natin sila mismo nanloloko sa atin!
Sila ang mas may kailangan nun hindi ang mga
ordinaryong Pinoy! Kung minsan nga mga
nagtuturo mismo walang values.
Bakit pa mag-aaral ng Science eh mamamatay
din lang naman tayong lahat. So wag na pag-
aralan mga living at non-living things kasi
darating ang panahon na magiging non-living
things na rin lang lahat. Kapag abo na tayo, wala
na bearing kung ano man grade mo sa mga
subjects mo.
Bakit pa merong PE? Pagod ka na nga kakalakad
sa buong campus, pagtetext, facebook, pag copy-
paste ng project sa internet at pangongopya ng
assignments tapos papagurin ka pa pagtakbo
takbo sa basketbol court? Makatao ba yun?!!
Buti pa yung ROTC may silbi. Nakakapraktis ka
kumanta kapag late ka dumating. Sing and dance
pa ipapagawa sa iyo depende sa topak ni Officer.
Siyempre tuwang tuwa ka naman kasi yun naman
pangarap mo sa buhay mo, ang makapagperform
sa harap ng mga tao! Stepping stone para sa
Talentadong Pinoy at Pilipinas Got Untalented
Judge.
REASON 3: KAWAWA ANG MGA BUSINESSMEN AT
MEDIA PAG MATALINO NA ANG MGA PINOY
Imagine mo na lang kung lalawak ang pang-
unawa ng mga Pinoy sa pagdedesisyon. Di na
sila basta basta maloloko ng mga advertisement
sa TV. Mahihirapan sila magbenta ng mga
walang kwentang produkto nila. So paano na sila
makakabakasyon sa Boracay?
Paano na ang pagbili nila ng mga malalawak na
bukirin na papatayuan nila ng mga mansiyon nila
kapag na-realize ng mga Pinoy na mas mabisa
pa rin ang ampalaya, malunggay, atbp. sa
palengke kesa sa mga pinatuyo at giniling na
gulay na nasa loob ng kapsula?
Kawawa si businessman. Paano na ang mga
electric bills, water bills, phone bills, allowance ng
mga anak, allowance ng mga anak sa labas,
panggastos ng pamilya, panggastos ng pamilya
sa kabit , atbp., kung marealize ng mga Pinoy na
di naman ibig sabihin na pag mas mahal eh mas
matibay, mas mahal mas maganda, na pag mas
mura mas lowtech…
Kawawa din ang media kapag matalino ang mga
Pinoy kasi marerealize nila na nakakabobo na
mga telenobela at ibang palabas sa local tv.
Babawalan na rin nila mga anak nila manood ng
tv kasi puro lang naman katarantaduhan
natutunan nila sa local tv.
Kawawa din ang mga reporter kasi mawawalan
na sila ng kredibilidad pag malaman nila na
madali lang pala balubaluktutin ang mga
impormasyon para maging pabor sa sino mang
gustong magbayad.
REASON 4: DI NAMAN KAILANGAN MAG-ARAL
PARA UMASENSO SA BUHAY
Sa tingin mo, lahat ba ng nakapagtapos ng pag-
aaral eh maganda ang trabaho at malaki ang
sweldo?
Pwede ka naman tumaya sa lotto. Pag manalo
ka, di mo na kailangan magtrabaho!
Pwede ka naman magshowbiz. Natural naman sa
mga Pilipino ang mag-acting . Konting praktis
lang sa harap ng salamin at ilang kanta lang sa
videoke pwede na! Di naman kailangan na
sobrang galing ka para makapasok sa showbiz.
Nood ka ng ASAP at SOP tuwing linggo at
pakinggan mga mag-labtim na kumakanta. Mas
maganda pa pagkanta ng kabitbahay niyong
kinaiinisan mo kasi ang lakas pag magvideoke
sila.
Kung pangit ka naman, pwede ka magpabatok
batok at magpainsulto. Instant komedyante ka
na!
Kung guwapo at maganda ka, magpa-cute ka
lang pwede na! Wag mo na isipin acting mo.
Mukha lang naman tinitingnan ng mga Pinoy.
Basta guwapo at maganda, pwede na kahit
gasgas na rin ang kwento ng pelikula o
telenobela.
Kung anak ka ng sikat na tao, mas madali naman
ang pagsikat mo!
Kahit di ka nakapag-aral, pwede ka rin
magbusiness. Madali lang suhulan ang mga nasa
gobyerno para makakuha ng kung anu-anung
permit kahit di ka mag-comply sa mga
requirements.
Kung medyo walang koneksiyon o padrino, mag-
squat ka sa lupa ng gobyerno. Magpatayo ng
bahay na maraming kwarto. Iparenta ang mga
bakanteng kwarto para may income ka. Kung
papaalisin na kayo sa lupa kung saan kayo îllégâl
na nakatira, pwede kayo humingi ng relocation
ayon sa batas. Tapos ibenta mo ang lupa at
bahay na ibibigay sayo at mag-squat ulit sa
bakanteng lupa ng gobyerno.
Kung wala talaga swerte, mamalimos ka na lang.
Hanap ka lang ng lugar na daanan ng tao,
maglagay ng lata sa harap mo, at maghintay na
bumuhos ang pera. Pag medyo may asenso na ng
konti, pwede ka na mag-hire ng tagapalimos at
magpatayo ng branch sa lahat ng sulok ng
siyudad.
REASON 5: DI NAMAN IBIG SABIHIN NA KAPAG
MATAAS GRADE MO, MAGALING KA NA
Sa quiz, kapag ba mas mataas ang nakuha ni
Pedro kaysa kay Juan, ibig bang sabihin na mas
matalino at mas magaling na si Pedro kesa kay
Juan? Di ba pwedeng nangopya muna o may
kodigo o tsamba lang sa multiple choice at true
or false?
Kapag ba sa UP, Ateneo, La Salle o Andres Bukid
Elementary School na nagtapos mas magaling na
siya kesa sa mga nagtapos ng STI, AMA, Pacman
University (PAC-U), Harvard o Yale?
Di naman reliable yang mga grades na binibigay
ng mga teacher. Porke ba di mo alam mga gusto
niyang malaman mo, **** ka na? Di ba pwedeng
mas gusto mo lang piliin mga maling sagot? Di
ba pwedeng mali naman piliin? Kasi nakakasawa
na piliin mga tama. Tutal, mas ‘in’ naman ngayon
mga mali. Mas pasaway ka, mas sikat ka sa
barkada! Tingnan mo ngayon kung sino mga
sikat, mga may kaso at criminal!
Tsaka mababasa mo naman sa internet mga
tinuturo ngayon sa mga paaralan. So what’s the
point na pumasok pa ng school?
REASON 6: LAHAT NAMAN PUMAPASA SA
ELEMENTARY AT HIGH SCHOOL BASTA REGULAR
KA LANG NA PUMASOK AT WAG GUMAWA NG
KATARANTADUHAN
Pansinin mo, sa quiz or exam niyo noong
elementary at high school, kahit 1 out of 50, o
kahit bokya man score, pasado pa rin!
So bakit pa papapasukin ang mga bata kung
papasa din lang naman sila kahit may
matutunan/malaman man sila o wala? Gastos
lang sa uniporme, books, raket na film showing ni
teacher, panindang pulburon ni teacher, at
projects na halaman at parol tuwing pasko.
Madali ka rin lang makatuntong sa college kasi
matrabaho magbagsak ng istudyante sa sa high
school. Kailangan mo i-justify bakit siya bagsak.
So para wala na paliwanagan, ipasa na lang.
Pagdating mo naman ng college, pumili ka lang
ng business oriented na school. Kasi wala naman
sila pakialam kung may matutunan man students
nila. Importante, malaki population ng school para
mas madami kita sa tuition. Pag marami kayong
binagsak ng Propesor, isumbong mo sa may-ari
ng school at sabihin na di marunong magturo ang
Prof. Papagalitan ang Prof at kung suswertehin,
papalitan ng pasado ang grade niyo. Malas mo
na lang kung magresign si Prof kasi di niya
masikmura pamamalakad ng school admin.
REASON 7: DI NAMAN TAYO AMERIKANO, HAPON,
O TAGA EUROPA PARA MAG-ARAL NG MGA
MATATAAS NA URI NG ARALIN
Wala rin lang naman tayong sapat na pasilidad
para magamit ang mga latest na discoveries sa
sciences at technology so bakit pa pag-aaralan?
Tsaka kuntento na tayo sa mga scrap machines
galing sa Japan at Korea. Konting repair lang,
pintura at washing pwedeng na ipasada! Bahala
na ibang bansa mag-imbento ng kung anu-ano.
Umasa na lang tayo sa mga basura nila. Tutal,
high-tech naman mga yun dati. Magastos at
walang kasiguruhan kung magresearch.
Nakakapagod pa sa utak. Kawawa lang mga
scientists natin.
REASON 8: MAHIRAP MANGAMPANYA TUWING
ELEKSIYON PAG MATATALINO O NAG-IISIP ANG
MGA BOTANTE
Imagine na lang ang hirap na daranasin ng mga
pulitiko natin tuwing eleksiyon pag nag-iisip na
ang mga botante! Di na sila madadaan sa
pasayaw sayaw at pagkanta kanta ng mga
kandidato. Maghahanap na ang mga botante ng
mga plataporma at magtatanong na kung paano
maipapatupad ang mga plataporma. Hindi yung
pangako ng kung anu-ano pero puro naman
suntok sa buwan. Yung tipong kailangan mo
superpowers nina Son Goku, Naruto, Gundam
Wings, Panday, Barney at Teletubies para lang
maipatupad ang mga pangako.
Marerealize na rin ng mga tao na ang mga
pulitiko ay ‘public servant’ at di ‘public master’.
So mahirap na mang-uto at manggamit ng mga
tao para sa pansariling kapakanan ng ating mga
napakasipag at napaka-productive na pulitiko.
REASON 9: PWEDENG SOURCE OF
ENTERTAINMENT ANG KABOBOHAN
Ang boring kaya ng buhay pag matalino lahat ng
tao.
Pag kambing ka at may narinig ka na nagsabi ng
“may nakita akong kambing na 3 ang paa”, wag
ka magalit kasi di naman ibig sabihin nun na
lahat ng kambing ay 3 lang ang paa!
Pag kamukha mo si Angel Locsin at may nakita
kang pangit na sinabihan na kamukha siya ni
Angel Locsin, wag ka mainsulto kasi di naman
niya sinabi na pangit ka. Malamang nambobola
lang yun o sumisipsip para sa promotion!
Ito true-to-lie story sa bario namin. Si Boy Tutpik
sinabihan si Manang Paa na mukha daw siyang
sapatos. Nakarating kay Aling Sapatos ang
kwento at nainsulto kasi ikinumpara daw siya kay
Manang Paa. Kaya dun nagsimula ang away.
Pero kung iisipin mo, sinabi ni Boy Tutpik na si
Manang Paa ay Mukhang Sapatos. Si naman niya
sinabi na Si Aling Sapatos ay mukhang paa.
Magkaiba yun! Kaya ngayon, pag nagbabangayan
sila, andami nilang napapasayang kalyo, kuto at
at buhok sa kilikili.
Speaking of bangayan, nakakatuwa din ang
ginagawang kabobohan ng media. May interview
sila kay Senador Baliw at may nasabi siya na
tungkol sa anak ni Nanay Panget. Interview din
nila si Nanay Panget para patas daw. Tapos
magiging headline na, SENADOR BALIW AT
NANAY PANGIT, NAGBANGAYAN! Di ba media
tagabalita lang? Bakit parang sila na nagdidikta
ng takbo ng balita? Kasi magbabangayan ba sila
kung di sila na-interview? Buti sana nakita o
nadatnan na nila sila na nagbabangayan. Eh hindi
eh. Ganun pa man, napasaya nila ang manonood.
Wag na isipin ang serbisyo publiko o responsible
journalism. Mas importante ang RATINGS para
mataas ang kita!
REASON 10: DI NA MAIISIP NG READERS NA
PAMPAHABA LANG TONG HULING REASON
So TOP 9 Reasons na lang kung gusto tanggalin
tong REASON 10. Di na consistent sa title ng
article. Lol
 

Similar threads

Back
Top