What's new

Closed 10 halamang gamot na aprobado ng doh

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
Intro
Ang paggamit ng tradisyonal na mga pamamaraan ng paggamot ay bahagi na mga sibilisasyon na nauna sa atin, matagal na panahon bago pang matutong magsulat ang sinaunang mga tao. Ito ay isang mahalagang bahagi ng ebolusyon ng tao. Kung wala ang tradisyonal na pamamaraan ng paggamit ng mga halamang gamot, pwedeng sabihin na matagal na sanang wala sa mundo ang uring tao.

Ang mga Pilipino ay may sarili ding pamamaraan ng tradisyonal na panggagamot gamit ang mga halaman bago pa man dumating ang mga mananakop. Ang ebolusyon ng paggamit ng mga halamang gamot ng mga Pinoy ay naimpluwensiyahan ng kanilang masidhing pananampalataya sa relihiyon, mahika, mga pamahiin, at nang kanluraning kaalaman tungkol sa panggagamot.



MANGGAGAMOT DITO SA PILIPINAS

Hilot o manghihilot ang tawag sa manggagamot na nagpapaanak, nagsasaayos ng mga nabaling buto o nagsasagawa ng masahe.

Tawas o mangtatawas naman kapag ang manggagamot ay gumagamit ng tawas, kandila, usok, papel, itlog at iba pang mga gamit para malaman ang sanhi ng isang partikular na karamdaman. Ginagamot nila ang pasyente sa pamamagitan ng mga dasal at orasyon.

Albularyo ang tawag sa manggagamot na gumagamit ng pinaghalo halong pamamaraan sa panggagamot tulad ng dasal, orasyon, pang eengkanto at paggamit ng mga halamang gamot. Ang mga albularyo ay sinasabing kumukuha ng kanilang lakas sa mga espiritu sa paligid.

Faith healers naman kung ang manggagamot ay sinasabing kumukuha ng kapangyarihan galing sa banal na espiritu ng Diyos. Ang mga pasyente ay nangangailangang manampalataya muna sa kakayahan ng faith healer para sila ay magamot.

Ang tradisyonal na mga pamamaraang ito ng panggagamot ay nakabatay sa masalimoot na kultura at kaalaman sa mga halamang gamot ng mga Pilipino. Kaya kahit na umunlad na ng husto ang teknolohiya, tradisyonal na pamamaraan ng panggagamot parin ang unang hinahanap ng mga tao, lalo na sa malalayong mga lugar.

Para mabigyan ng tamang pagkikilala ang mga pamamaraang ito, ang Department of Health ay nagsaayos ng isang programa ukol sa tradisyonal na panggagamot noong taong 1992. Ang programang ito ay naglalayong palaganapin ang tama at ligtas na paggamit ng tradisyonal na panggagamot.

Matapos ang ilang taong pananaliksik, ang programang ito ay nag palabas ng lista ng 10 halamang gamot na aprobado ng Department of Health ng Pilipinas. Ang sumusunod na lista ay ang 10 halamang gamot na epektibo at safe gamitin ng mga Pinoy para gamutin ang ating mga karamdaman.



  1. Akapulko o ringworm bush – Ang halamang gamot na ito ay ginagamit na panglunas sa buni, kagat ng insekto, eksema at pangangati ng balat.
  2. Ampalaya o bitter melon – Ang halamang gamot na ito ay napatunayang epektibong panlaban sa sakit na diabetes, almoranas at paso sa balat. Potensiyal din itong maging panlunas sa kanser.
  3. Bawang o garlic – Ang bawang ay gamit ng mga Pilipino para gamutin ang impeksyon. Ito ay may sangkap na epektibong panlaban sa mga mikrobyo. Kilala din itong gamot sa pamamaga at highblood dahil kaya nitong pababain ang dami ng kolesterol sa dugo. Pinag aaralan ng mga dalubhasa ang bawang bilang posibleng lunas sa kanser.
  4. Bayabas o Guava – Ang bayabas ay gamot laban sa impeksyon, pamamaga, sakit sa atay at diabetes. Ginagamit ito bilang antibiotic para hindi maimpeksyon ang sugat.
  5. Lagundi o 5-leaved chaste tree -Ito ay ginagamit bilang lunas sa ubo, sipon at lagnat. Ginagamit din ito para gamutin ang hika, pamamaga ng lalamunan, rayuma, sakit ng tiyan, pigsa, at pagtatae.
  6. Niyog-niyogan o Chinese honey suckle – Ginagamit ito ng mga Pinoy bilang pamuraga.
  7. Sambong o Blumea camphor – Ito ay ginagamit na panggamot sa bato sa bato, sugat, rayuma, pagtatae, pangmamanhid, ubo, sipon at highblood.
  8. Tsaang gubat o Wild tea – Ito ay ginagamit bilang panggamot sa mga problema sa balat tulad ng allergy, eksema, scabies at pangangati ng mga sugat na dala ng panganganak.
  9. Pansit-Pansitan – Ito ay ginagamit ng mga Pilipino bilang lunas sa artritis at gout.
  10. Yerba Buena o Peppermint – Gamot ito sa pananakit ng katawan na dala ng rayuma at gout. Lunas din ito sa ubo, sipon at kagat ng insekto.



Narito naman ang ilan sa mga tips sa pagkolekta ng mga halamang gamot at paraan ng paggamit nito.



TAMANG PAGKOLEKTA NG MGA HALAMANG GAMOT

Sa totoo lang, kahit saan ka tumira ay makakakuha ka ng halamang gamot na maaari mong gamitin bilang gamot sa mga sakit mo, totoo din ito kahit nakatira ka pa sa mga malalaking lungsod tulad ng Metro Manila. Pero tandaan, may mga pamamaraan na dapat mong tandaan bago ka kumuha ng halamang gamot na kailangan mo! Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang payo na dapat mong sundin para talagang maging nakapagpapagaling ang mga halamang gamot na makukuha mo.

KILALANIN NG TAMA ANG MGA HALAMAN

Karamihan sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. tulad ng sambong, akapulko, ampalaya at iba pa ay pangkaraniwan sa mata ng ordinaryong mga Pinoy. Ngunit, may mga uri ng halaman na halos magkasing itsura ng iba pang uri, at ang pag gamit ng maling halamang gamot bilang lunas sa isang partikular na sakit ay mapanganib at nakamamatay.

Ano ang dapat mong gawin kung hindi ka sigurado sa halamang gamot na iyong nakita? Maghanap ka ng mapagkakatiwalaang source sa internet. May mga larawan na tutulong saiyo para mahanap moa ng tamang species ng halamang gamot na iyong hinahanap. Isa pa, pwede kang magsama ng isang nakatatanda sa paghahanap mo ng mga halamang gamot. Maaaring sila ay may malawak na kaalaman tungkol sa uri ng halamang medisinal na iyong hinahanap. Karamihan sa mga nakatatanda ay nagagalak na tumulong sa ganitong mga pagkakataon kaya huwag kang mahiya na maghingi ng tulong paminsan minsan.


HUWAG KUKUHA NG HALAMAN NA MALAPIT SA LANSANGAN

Tandaan, ito’y isang seryosong tuntunin sa pangongolekta ng mga halamang gamot: huwag kang kukuha ng halaman kapag ito ay hindi pa isang milya ang layo sa mga kalsada. Bakit naman? Alam naman natin na ang mga sasakyan na nagdaraan sa mga kalsada ay nagbubuga ng mapanganib na usok na siyang sanhi ng polusyon sa hangin. May mga halamang gamot tulad ng malunggay, kangkong at talinum na may kakayahang sumipsip ng mapanganib na mga kemikal at itago ito sa kanilang mga katawan. Pag kinain o ininom moa ng pinaglagaan nito, para kang uminom ng lason. Imbes na magamot ang iyong karamdaman, pwede kang magkaroon ng isang uri ng kanser kapag hindi mo sinunod ang payong ito.

KUMUHA NG HALAMANG GAMOT SA TAMANG LUGAR

Sinasabing hindi nagkakataon lang kung bakit ang isang lugar ay masaganang kinabubuhayan ng isang partikular na halamang gamot. Kung naghahanap ka ng isang species ng halaman at nakakita ng mangilan ngilan sa lugar mo, huwag ka munang pipitas. Maghanap ka pa ng isang lugar na kung saan nabubuhay ang maraming pananim na kauri ng hinahanap mo. Kung ang isang lugar ay para bang paboritong tirahan ng isang uri ng halaman, ibig sabihin lamang nito na ang lupa sa lugar na iyan ay hitik sa organikong mga meniral na kailangan mo upang gumaling ka. Dito mo kunin ang mga halaman na kailangan mo.

MAINGAT MONG PILIIN ANG ORAS NG PAGKUHA NG HALAMANG GAMOT

Hindi porke’t alam mo na kung anong halamang gamot ang kukunin at saan ito kukunin ay maaari ka nang pumitas ng halaman sa kahit anong oras mo gustuhin. Ang pag oobserba ng tamang panahon sa pamimitas ng halamang gamot ay mahalaga para maramdaman mo ang lunas na hinahanap mo.

Mamitas ka ng halaman gamot na kailangan mo sa umaga kapag mataas na ang araw, na tuyo na ang mga hamog na naipon sa mga dahon ng halaman. Pwede kasing mabulok agad ang mga mga kinolekta mo kung kukunin mo ito ng basa.









S- Sambong
A - ampalaya
N - niyog niyogan
T - tsaang gubat
A - akapulko
L - lagundi
U - ulasimang bato/ pansit pansitan
B - bawang
B - bayabas
Y - yerba buena

Thank you kay mahatma


 
Last edited:
S- Sambong
A - ampalaya
N - niyog niyogan
T - tsaang gubat
A - akapulko
L - lagundi
U - ulasimang bato/ pansit pansitan
B - bawang
B - bayabas
Y - yerba buena

DOH yata nagbigay ng abbreviation 10 herbal meds.
 
S- Sambong
A - ampalaya
N - niyog niyogan
T - tsaang gubat
A - akapulko
L - lagundi
U - ulasimang bato/ pansit pansitan
B - bawang
B - bayabas
Y - yerba buena

DOH yata nagbigay ng abbreviation 10 herbal meds.
Ay sorry sige po pwede ko ba mahiram to at icredits ko sayo?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top