Iba na yung perspective ko when it comes into relationship. Dapat give and take, at walang boss at under sa relasyon. Nagiging sobrang unfair kase kapag ganun yung setup, and yung level of respect, habang tumatagal bumababa ng bumababa. Kaya ako, I no longer tolerate any childish tantrums. Whenever I felt offended I always tell it to my partner and everytime na susubukan nyang i-gaslight ako, I always show her that I can leave anytime without any remorse lalo na at alam kong ako yung nagawan ng mali at hindi ako yung nagkamali. Yung mga pinagdaanan ko sa mga naging past relationship ko. It already served as a lesson to me. And I know from myself na kapag wala ng respeto sa relasyon, wala na ring dahilan pa para ipagpatuloy. Wag sana kayo ma-ooffend dito, I'm not being negative, pero pagod lang ako sa mga everyday validation crap ng mga toxic na ka-partner sa mga partners nila. Pero aminin naten minsan dumating rin sa buhay natin na, we always give almost everything we have without asking any validations to our partners. Let's not normalized na hindi porket babae ikaw lagi ang magpapakumbaba kahit sya yung mali, or hindi porket mahal mo ayos lang kahit magkamali sya, wag lang sya mawala. Wala yan sa gender or kung sino ang mas may authority sa relasyon. Wag ganon. Magtira kayo ng kahit onting awa sa sarili nyo. Kase in the end kayo rin ang talo.